Na-in love ang isang Indian guy sa kanyang mother-in-law.
Ang kakatwa sa kuwentong ito, nagpakasal sila at may basbas ng father-in-law.
Ang bizarre love triangle ay iniulat ng iba’t ibang local media outlets sa India noong April 28, 2024.
Ang Indian guy na nakilalang si Sikandar Yadav, 45, ay nabiyudo matapos pumanaw ang kanyang misis.
Mayroon silang dalawang anak.
Lumipat si Sikandar at ang kanyang mga anak sa bahay ng in-laws sa Heer Moti village sa Bihar, isang state sa East India.
Sa paglipas ng mga araw, nahulog ang loob sa isa’t isa ni Sikandar at ng kanyang biyenan na si Geeta Devi, 55.
Di nagtagal, nagkaroon sila ng romantic affair, na pilit itinago sa kanilang mga kapamilya, lalo na sa father-in-law ni Sikandar na si Dileshwar Darve.
Read: Pinoy films, makikipagbardagulan sa malalaking Hollywood movies

SECRET AFFAIR NG MOM-IN-LAW AT SON-IN-LAW, NATUKLASAN
Ngunit walang lihim na hindi nabubunyag.
Natuklasan ng mga Marites sa village ang secret affair nina Sikanda at Greeta.
Kumalat iyon sa kanilang komunidad, at nakarating sa kaalaman ni Dileshwar.
Ayaw mang maniwala ni Dileshwar, nagkaroon na rin ito ng pagdududa sa nakikitang kakaibang closeness nina Sikandar at Geeta.
Read: Blind item: Aktor, nabuking ang tangkang pamboboso ng sikat na photographer

Palihim nitong sinubaybayan ang dalawa—at minsan ay natiyempuhan niyang magkayakap ang son-in-law at ang misis.
At hindi iyon simpleng pagyayakap lang ng magbiyenan dahil kitang-kita ni Dileshwar ang heat of passion sa pagitan ng dalawa nang mga sandaling iyon.
Nakumpirma ni Dileshwar na totoo ang tsismis.
Naghain si Dileshwar ng reklamo sa Panchayat—ang katumbas ng barangay council sa Pilipinas—at hiniling na resolbahin ang problema ng kanilang pamilya.
Read: Bride, groom, 30 guests 'take control' of coffee shop and turn it into wedding venue
SON-IN-LAW AT MOM-IN-LAW, PINAYAGANG IKASAL
Matapos marinig ang panig ni Dileshwar, ipinatawag ng Panchayat sina Sikandar at Geeta.
Sa pagkabigla ng lahat, hindi itinanggi ni Sikandar na mayroon silang affair ng kanyang mother-in-law.
Pagtatapat niya, nahulog ang kanyang damdamin kay Geeta, at mahal na mahal niya ang nanay ng yumaong misis.
Umamin din si Geeta na mahal na niya si Sikandar.
Dahil sa rebelasyon ng dalawa, napagpasyahan ng council na gawing pormal ang kanilang relasyon sa pamamagitan ng pagpapakasal.
Read: Star Wars files plagiarism lawsuit against carwash in Chile called Star Wash
Matapos namang marinig ang confession nina Sikandar at Geeta, nawala na ang galit sa dibdib ni Dileshwar.
Inunawa ng father-in-law ni Sikandar ang sitwasyon.
Maluwag sa kalooban na tinanggap ni Dileshwar na na-fall out of love na sa kanya si Geeta.
Ang higit na kahanga-hanga, tumulong pa si Dileshwar na i-organisa ang kasal ng dalawa.
Read: TRENDING: Dam pina-drain para makuha ang phone na nahulog habang nagse-selfie

Nang ikasal ang magbiyenan, nag-viral sa social media sa India noong May 1 ang video ng okasyon dahil nga sa bizarre love triangle nila.
Ayon kay Dileshwar sa panayam sa kanya ng local media, masaya siya sa pag-oorganisa sa kasal ng dalawa.
Sa isang clip ay makikita pa si Dileshwar na nilalagyan ng sindoor ang noo ni Geeta.
Sa Hindu communities, ang sindoor ay isang visual marker ng marital status ng isang babae.
Kapag inalis na ito ng isang married woman sa noo, nagpapahiwatig iyon na isa na siyang balo o biyuda.
Read: How Sunshine Cruz deals with "lola" and “ang tanda mo na” comments
Pinalakpakan naman si Dileshwar ng mga sumaksi sa kasalan dahil sa kanyang pambihirang gesture.
Iniulat din ng Indian media na bahagi ng tradisyon, pagkatapos ng kasal, ay iniuwi ni Sikandar si Geeta sa kanilang tinitirahan bilang public display ng kanilang pag-iisang dibdib.
Ang hindi pa lang malinaw sa ngayon ay kung mananatili pa rin si Dileshwar na kasama sa iisang bubong ng mga bagong kasal.
Read: Paolo Contis, nagbayad ng P300K sa dating manager para lumipat kay Lolit Solis
