Ikinasal ni New York City Judge Melina McGuinnigle sina Anthony Santiago, 35, ng Cleveland, Ohio at ang fiancée nito na si Victoria last May 17, 2024.
Kakaiba ang naganap na wedding dahil pagkatapos hatulan si Anthony ng parusang 10 years na pagkakabilanggo, saka naman idinaos ni Judge McGuinnigle ang civil wedding rites.
Isang pusakal na criminal si Anthony.

Marami na siyang kaso ng paglabag sa batas.
Read: Thief disguised as blonde woman arrested
ANG KASO NG CRIMINAL
Noong June 2022, sinampahan siya ng kasong burglary in the first degree matapos mahuling nagnanakaw sa isang residential house sa North Syracuse.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, noong May 2022, edad 33 pa lang noon si Anthony, dinala niya ang isang kotse sa naturang residential house sa North Syracuse para ibenta.
Pero noong nasa loob na siya ng bahay, napansin niya ang isang pakete na may “substantial amount of marijuana.”
Nagkaroon siya ng idea na nakawin iyon.
Kinutsaba ni Anthony ang mga kaibigang sina Malik Shabazz, 17, at Andres Arzola-Torrewho, 31, na mga taga- Cleveland din para balikan ang bahay at nakawin ang marijuana.
Read: Woman turns grocery signage into her own home with bed, computer, coffee maker
CRIMINAL MAY TATLO PANG KASO NG PANANAKIT
June 27, 2022 nang isagawa nina Anthony ang pagnanakaw.
Nang makita sila ng may-ari ng bahay na isang matandang lalaki at maybahay nito, pinalo nila ang mga ito ng baril.
Napag-alaman ding may apat na bata sa loob ng bahay.
Tinakot ang mga ito ni Anthony at ng kanyang mga kasama, pero hindi naman sinaktan.
Kinasuhan ng matandang lalaki si Anthony at ang mga kasamahan, na di kalaunan ay naaresto.
Bago ang insidente ng pagnanakaw, nakulong na rin siya dahil sa tatlo pang kaso ng pananakit sa Ohio.
Read: Man steals identity of former co-worker for 35 years; co-worker ends up in jail, mental institution
Gayunpaman, sa kabila ng mga criminal activities ni Anthony ay pumayag pa rin si Victoria na pakasalan siya.
Sa social media, nang mabalita ang pagkakasal at paglalabas ng judge ng hatol kay Anthony, komento ng netizens, bukod sa 10 years na pagkakabilanggo ay napatawan din siya ng “life sentence” sa piling ng kanyang misis paglaya niya.
May mga humanga naman sa wagas na pag-ibig ni Victoria kay Anthony dahil pinakasalan pa rin nito ang nobyo sa kabila ng mga krimeng nagawa at bubunuing mga taon sa piitan.
