Isang babae sa Kutná Hora, isang bayan sa Czech Republic, ang nakapulot ng 2,150 pieces of old coins, na maituturing ngayon na valuable relics.
Tinatayang ang mga old coins ay ginamit noon pang Middle Ages (500 AD to 1500).
Ayon sa mga archaeologists, ang pagkakatuklas sa mga barya ay maituturing na once-in-a-decade discovery.
Sa ulat ng Czech Academy of Sciences sa website nito last May 28, 2024, tinatayang 900 years nang nakabaon ang mga ito sa lupa bago nadiskubre ng babae sa isang inararong kapatagan.

Posibleng ang pinaglagyan sa mga barya ay ang mga nakakalat na pira-pirasong ceramic, na nagkandabasag-basag dahil sa pagkakaararo sa lupa.
Itinuturing ng mga experts na ang medieval hoard ng old coins mula sa Kutná Hora ang pinakamalaking discovery sa Czech Republic sa nakalipas na sampung taon.
Pag-aaralan ng archaeologists and historians ang mga barya bago ipakita sa publiko.
Read: Burger bought in 1995 remains intact
OLD COINS USED FOR WAR BOOTY
Ang area kung saan nakita ang mga old coins ay ginawa na ngayong archeological site.
Posible kasing marami pang makuhang lumang gamit doon.
Nilagyan din ng yellow flags marking ang mismong spot kung saan nakita ng babae ang mga barya.

Tinatayang ang mga old coins ay ginamit noong first quarter of the 12th century—na maituturing na isang madugong period sa Czech Republic dahil sa hindi pagkakasundo ng mga miyembro ng Premyslid dynasty sa pagkontrol ng trono sa Prague.
Ang mga old coins ay posibleng gagamitin bilang war booty o pambayad sa mga sundalo.
Paliwanag ni Filip Velímský ng Institute of Archaeology of the Czech Academy of Sciences sa Prague, “Unfortunately, we lack precise data on purchasing power from the turn of the 11th to the 12th century, but it was certainly a colossal, unimaginable, and inaccessible amount of money for the average person.
“Today, we’d compare it to winning a million-dollar jackpot in the lottery.”
Read: Fan with 18 Madonna tattoos earns world record
EXPERTS TRACE ORIGIN OF MATERIALS TO PERIOD WHEN THE OLD COINS WERE USED
Natukoy na ng mga experts na nag-circulate ang mga barya sa ilalim ng tatlong Premyslid rulers: King Vratislaus II, Princes Bretislaus II at Borivoj II (ca 1085–1107).

“The coins were most likely minted at the Prague mint using silver that was imported to the Czech lands at the time,” ayon kay Lenka Mazacová, Director of the Czech Museum of Silver sa Kutná Hora.
Yari ang mga ito sa mint alloy na may silver, copper, lead, at considerable amount ng iba pang metals.
Kapag natukoy na ang specific composition, mas madaling mate-trace ng mga experts kung saang bansa o parte ng mundo nagmula ang mga ginamit sa paggawa ng napulot na old coins.
Read: Man who went missing for 28 years found in neighbor’s house
WILL THE LADY GET A REWARD?
Pinuri naman ng mga experts ang babaeng nakapulot sa mga barya dahil nagsabi agad siya sa awtoridad.
Agad pinapuntahan ang lugar, at gamit ang metal detector, nahanap nila ang lahat ng barya.
Nagkarron din ng accurate documentation, at sasailalim ang mga old coins sa traditional and X-Ray imaging, gayundin sa spectral analysis para madetermina ang exact material composition ng mga ito.
“Museum staff will record all parts of the find into the museum’s collection, ensure each coin is cleaned, perform any necessary restoration work, photograph the coins for publication and promotion, and provide numismatic identification, including compiling a detailed catalog,” paliwanag pa ni Mazacová.
Read: Queen Maxima of the Netherlands drops by sari-sari store
Ang extraordinary find na ito ay gagawing accessible sa publiko.
Idi-display ang mga old coins bilang bahagi ng minting exhibition sa Czech Museum of Silver sa Kutná Hora.
Masisilip ang mga ito simula June 2025.
Sa mga nagtatanong naman kung ano ang magiging ganansiya ng babaeng nakapulot sa mga barya—wala siyang matatanggap na reward na kahit ano.
Ginawa lang niya ang nararapat bilang isang law-abiding citizen.
Sa mga bansa sa Europe—although nagba-vary depende sa bansa—may existing national law na kapag nakapulot ng isang bagay na may historical value, kailangang ipagbigay-alam agad nila iyon sa government department na in charge.
Pag-aaralan iyon ng gobyerno para determinahin “what the item really is and its historical significance.”
Kung wala naman, puwedeng ibalik sa nakapulot.
Pero kung mayroon, magiging pag-aari na iyon ng gobyerno.
Read: European kid learns Tagalog by watching La Luna Sangre
