Ninamnam ng newly graduates sa isang probinsiya sa China ang kanilang pagtatapos.
Lahat sila ay may mga bitbit na naglalakihang bouquet.
Pero isa sa kanila ay standout.
Sa graduation photo kasi, hindi lang bouquet of flowers ang bitbit ng female graduate kundi isa ring roasted duck bouquet.
Yup, ang roasted duck ay binalutan ng brown paper na pormang bouquet.
Ang video ay ipinost ni @lauxier sa Douyin, ang equivalent ng TikTok sa China.
Nag-viral ito sa iba't ibang social-media platforms.
Ayon sa caption sa isang Facebook post, ang graduation ceremony ay ginanap sa Guangdong province, kaya hindi nakapagtataka kung inabutan ng roasted duck ang babae dahil traditional Cantonese delicacy ito.
Besides, sa Chinese culture, ang simbolo nito ay "success at good fortune."
Kaya nga food staple ito sa Lunar New Year dahil, ayon sa chinesehoroscope.com, sumisimbolo ito sa "full moon especially when served whole."
Nangangahulugan din daw ito ng "completeness and wholeness."

Read: VIRAL: Keanu Reeves look-alike selling his wife's mini flower bouquets
Sa isa pang video, makikita ang babae na nakasuot ng kanyang graduation robe at inabot sa kanya ang roasted duck.
Maririnig din sa background ang tawanan.
Pero proud na proud at poised ang babae habang hawak-hawak ang dalawa niyang bouquet.
ROASTED DUCK GETS NETIZENS' APPROVAL
Samantala, may ilang Pilipino ang nagkomento na sana raw ay hindi ito mauso sa Pilipinas.
Biro ng netizen, mahihirapan kasi ang graduates kapag reregaluhan ito ng lechon bouquet.
Imagine ang effort sa pagbubuhat nito during ceremony?
Hirit naman ng isa pa, puwede namang gumawa ng bouquet of lechon belly strips.
Read: Heto ang resibo! Jechel Fillone, kakaiba ang bitbit na flower bouquet sa graduation

Nagkaisa naman ang maraming netizens sa pagsasabing pabor sila sa roast duck kesa sa bouquet of flowers.
Mas praktikal daw ito dahil maaaring kainin ang roast duck pagkatapos ng seremonya habang ang bulaklak ay itatapon lamang.

Pero siguro kung sa Pilipinas ito, baka mas akma ang roasted chicken dahil masarap na, mas mura pa.
