PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Six-year-old girl, only first-grader in Japan school

The school happily welcomes her.
by Bernie V. Franco
Published Jun 4, 2024
Nozomi Fujioka only Grade I in elementary school
Yanagidani Elementary School in Japan opened its Grade I level for a single pupil, a six-year-old girl. The school had not had a Grade I student for three years prior.
PHOTO/S: YouTube

Kasisimula pa lamang ng six years old na si Nozomi Fujioka sa kanyang pag-aaral bilang Grade I, pero kuha na niya ang atensiyon ng buong faculty sa school.

Ang dahilan, si Nozomi kasi ang nag-iisang estudyanteng Grade I na nag-enroll sa Yanagidani Elementary School sa Japan.

In short, walang kaklase ang paslit.

Ang Yanagidani district sa bayan ng Kumakogencho ay mayroon lamang 540 populasyon, ayon sa report ng Japan Today nito lamang June 2, 2024.

Sa maliit na population na ito, kakaunti lamang ang mga bata.

Pero kahit nag-iisang estudyante si Nozomi, masaya ang faculty dahil noong 2021 hanggang 2023, wala ni isang first-grader na nag-enroll sa elementary school.

Nagsara pa nga ng buong taon ang school noong 2023 dahil sa sobrang kaunti ng mga bata sa lugar.

Read: Filipino teacher Roy Basa invited to White House dinner

Kaya naman ngayong 2024, sa pagsisimula ng klase nitong Abril, muling binuksan ang Grade I level nang mag-enroll si Nozomi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-iisa man, sinalubong pa rin si Nozomi sa pamamagitan ng entrance ceremony, na tradisyon sa Japanese school customs, ayon sa isang video sa YouTube.

Masaya naman si Tsuyomi, ama ni Nozomi, para sa kanyang anak. At gusto niyang makamulatan ni Nozomi ang lugar kung saan siya isinilang at lumaki.

Grade I student Nozomi Fujioka with the faculty of Yanagidani Elementary School
Grade I student Nozomi Fujioka (center, front row) with the faculty of Yanagidani Elementary School
Photo/s: YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Graduate’s roasted duck bouquet “practical,” says netizens

six-year-old nozomi AND HER three SCHOOLMATES

Bagamat nag-iisang Grade I si Nozomi, hindi naman siya ang nag-iisang mag-aaral sa Yanagidani Elementary School.

May promotional efforts ding humihikayat sa sa mga tao na lumipat at tumira sa kanilang lugar.

Dalawang pamilya ang nag-relocate noong nakaraang taon kaya nadagdagan ang mga estudyante.

Apat ang kabuuang bilang ng mga estudyante sa elementary school.

Si Nozomi ang pinakabata dahil siya ay nasa Grade I.

Ang isang fifth-grader, sinabihan pa si Nozoki na lapitan siya kung gusto nitong magpatulong sa pag-aaral ng lessons.

Laking tuwa naman ng ama ni Nozomi dahil may makakasama ang kanyang anak.

“I’m glad the school could be reopened. I thought she might be alone there, so it’s a relief that there are other kids who have transferred in,” sabi ng ama ni Nozoki na si Tsuyomi.

Ang apat na estudyante ay mag-aaral sa iisang classroom para hindi sila ma-isolate.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pero plano rin ng school na turuan ang mga estudyante nang magkakahiwalay, depende sa kanilang baitang.

Dahil probinsiya ang Yanagidani, may mga residente itong nagtutungo sa siyudad para sa mas magandang edukasyon at oportunidad na magkatrabaho.

In short, ang kaunting populasyon sa Yanagidami ay lalong lumiit.

Dagdag pa rito ay ang problema ng Japan na shrinking population hindi lang sa big cities, kundi pati na rin sa mga rural areas.

Ayon sa ulat ng CNN, batay sa National Institute of Population and Social Security Research, maraming factors kaya ang “willingness to form a family … has declined considerably."

Ang "high cost of living, stagnant economy and wages, limited space, and the country’s demanding work culture" ang mga rason kung bakit ayaw mag-date o mag-asawa ng mga Japanse.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Yanagidani Elementary School in Japan opened its Grade I level for a single pupil, a six-year-old girl. The school had not had a Grade I student for three years prior.
PHOTO/S: YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results