PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dad brings late son’s girlfriend to prom

“It was really sweet."
by KC Cordero
Published Jun 5, 2024
Kaylee Suders and Robert Brown holding Carter's photo
Wala nang plano si Kaylee Suders na mag-attend ng prom dahil namatay sa aksidente ang boyfriend niyang si Carter Brown bago ang okasyon. Pero naging masaya pa rin ang ending dahil to the rescue ang ama ni Carter na siyang naging prom partner ni Kaylee. (Photo courtesy of Kelly O'Neil Brown Facebook)

Wala na sanang plano si Kaylee Suders, 18, na dumalo sa senior prom ng James Buchanan High School sa Mercersburg, Pennsylvania, kung saan siya nag-aaral.

Namatay kasi sa car crash ang kanyang boyfriend na si Carter Brown, 19, ilang linggo bago ang okasyon.

Pero isang special request ang nagpabago sa kanyang desisyon.

Ang touching story na ito ay naganap noon pang May 19, 2018, pero lagi itong nagre-resurface sa Internet at sa social media kapag malapit na ang selebrasyon ng Father’s Day.

Read: Meet 19-year-old Livia Voigt, world’s youngest billionaire

Photo of Kaylee Suders
Si Kaylee Suders sa mismong araw ng prom. Photo: Kelly O'Neil Brown Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tungkol din kasi ito sa ama ni Carter na si Robert, na 50 years old at the time of his son's death.

At sa naganap na prom, naisip ni Robert na siya ang magiging partner ni Kaylee sa prom.

Ang idea na ito ay may basbas ng principal ng school, kung saan football coach si Robert.

Read: Couple exchange "I do" at the moment total eclipse happened

Nang lumaganap ang kuwento tungkol sa paghalili ni Robert sa namayapang anak bilang ka-date ni Kaylee sa prom, nagka-interes ang iba’t ibang media outlets.

Ang una raw naisip ng ay "too old" ang ama ni Carter para sa okasyon.

Aniya pa, “It was all completely his idea, and I thought it was really sweet."

Read: VIRAL: Dad carrying large dog instead of kid

THE LOVE STORY OF KAYLEE AND CARTER

Isang taon nang exclusively dating sina Kaylee at Carter nang mamatay sa car crash ang huli.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pauwi na noon si Carter galing sa Indiana State University, kung saan isa siyang freshman, para sana sorpresahin si Kaylee.

Paglalarawan ni Kaylee kay Carter, palakaibigan ito.

“He was just one of those people who could walk into a room of strangers and come out with 15 friends.

“I was really lucky to be his girlfriend.”

Plano na rin nila sanang magsama habambuhay at napag-uusapan na nila ang mga susunod na chapters ng kanilang pagmamahalan, gaya ng graduations, wedding, kids, at retirement.

Pero lahat ng masasayang plano nila ay pinutol ng isang trahedya at maagang pagkamatay ni Carter.

Read: Blind dating cafe draws flak for favoring men in its set-up

Si Carter ay isa four sons ng pamilya Brown.

Bago namatay si Carter sa aksidente, naunang pumanaw ang isa niyang kuya dahil sa drug overdose.

Ayon kay Robert, napakasakit para sa isang parent ang mawalan ng anak, at wala na aniyang mas sasakit pa sa pagkawala ng dalawa niyang anak sa loob lang ng pitong buwan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hindi niya inakalang pagdaraanan niya ang ganitong uri ng kalungkutan.

Read: Confessions of a recovering gambling addict

Mula naman nang pumanaw si Carter ay sa bahay muna ng mga Brown nanatili si Kaylee.

Kaylee Suders holding the photo of Carter Brown
Minamasdan ni Kaylee ang larawan nila ni Carter. Photo: Kelly O'Neil Brown Facebook

Lagi siyang nasa loob ng room ng namayapang boyfriend.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ani Robert, lalong naging close ang kanyang misis na si Kelly kay Kaylee.

“They’ve definitely gone through more than anyone deserves to go through, but it’s only made them stronger.”

Read: Boyfriend ayaw ilibre ng food ang family ng girlfriend, tinawag na ungrateful

KAYLEE AT ROBERT GET AN APPLAUSE AT THE PROM

Sa araw ng prom, sanib-puwersa ang mga kaibigan ni Kaylee para sa kanyang hair and make-up.

Pinanood din nila, kasama ang mga pamilya ng magnobyo, nang bumaba si Kaylee sa hagdan at sinalubong ni Robert sa may pintuan.

Bulalas ni Kaylee, “I felt like a princess.”

Pagbabahagi pa niya, pakiwari niya ay ang laki-laki ng ngiti ni Carter dahil itinuloy niya ang pag-attend sa prom at ang dad nito ang naging partner niya.

Read: Man who went missing for 28 years found in neighbor’s house

Bago naman sila dumiretso sa venue, kumain muna sina Kaylee at Robert sa isang local fast-food.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kainang iyon unang nag-date sina Kaylee at Carter nang maging officially on na sila.

Ibinahagi ni Kaylee na ever since ay excited siyang um-attend sa prom, at noong nabubuhay pa si Carter, nagsimula na siyang maghanda para rito.

Kaya nakakalungkot isipin na hindi niya ito nakasama sa espesyal na okasyon na iyon ng kanyang buhay.

Read: European kid learns Tagalog by watching La Luna Sangre

Hindi man naka-attend si Carter, hindi nauwi sa wala ang pagpaplano ni Kaylee dahil nagkaroon siya ng partner, nag-enjoy siya, at nakatanggap pa ng mainit na palakpakan mula sa mga estudyante.

Kaylee Suders and Robert Brown performing a dance number
Sina Kaylee at Robert habang nagsasayaw. Photo: Kelly O'Neil Brown Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Karamihan sa mga ito ay kilala rin si Robert dahil sa kanyang pagiging football coach ng school.

Emosyunal na sambit ni Kaylee, “Everybody just thought it was perfect.”

Read: Family receives wrong body after father dies on vacation

Napasaya rin ng prom night ang pamilya ni Robert.

Six years later, wala nang update sa social media tungkol kay Kaylee at maging sa ama ni Carter na si Robert.

Most likely, nakapag-move on na sila, pero ang touching story ay patuloy na aantig sa damdamin ng mga netizens.

Read: Husband discovers wife is a male 12 days after wedding

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Wala nang plano si Kaylee Suders na mag-attend ng prom dahil namatay sa aksidente ang boyfriend niyang si Carter Brown bago ang okasyon. Pero naging masaya pa rin ang ending dahil to the rescue ang ama ni Carter na siyang naging prom partner ni Kaylee. (Photo courtesy of Kelly O'Neil Brown Facebook)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results