PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Itay, 61; Inang, 41, nakabuo pa ng triplets

Triplets, malulusog at cute
by KC Cordero
Published Jun 10, 2024
Itay Romulo Perez with the triplets
Mahigit isang taon nang magka-live in sina Romulo Perez, 61; at Cecilia Macam, 41 nang mabiyayaan sila ng triplets na sina Althea, Altheo, at Athena. (Photos courtesy of News Update Facebook)

Isang set ng triplets ang kinatutuwaan ngayon ng mga taga-Barangay Bega, San Carlos City.

Sila ay sina Althea, Altheo, at Athena.

Ang panganay na si Althea ay may pagkaiyakin.

Boy ang pangalawa na si Altheo, na masayahin.

Tahimik naman ang panghuli na si Athena.

Mahigit isang taon nang nagsasama ang mga magulang ng triplets na sina Romulo Perez, 61; at Cecilia Macam, 41.

Read: Nabiyudong amang nanawagan ng breastmilk para sa anak na triplets noon, kumusta na ngayon?

INANG, HINDI INAKALANG TRIPLETS ANG IPINAGBUBUNTIS

Sa panayam kina Cecilia at Romulo ng GMA Regional TV News nitong June 9, 2024, inamin nilang hindi nila akalain na tatlo agad ang kanilang magiging anak.

Itnuturing naman nila ang triplets na malaking biyaya sa kanilang pagsasama.

Read: 26-year-old mom has 22 kids; spends PHP10.9 million on surrogacy

Photo of the triplets
Ang triplets na sina Althea, Altheo, at Athena. Photo: GMA Regional TV News
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Remember when Claudine Barretto played triplets in this TV show?

Sinabi ni Cecilia na nalaman lang niyang triplets ang nasa kanyang sinapupunan nang limang buwan na siya sa pagdadalantao.

Nasorpresa aniya maging ang kanyang mga kamag-anak.

"Doon ko nalaman na triplets dahil mabigat ang tiyan ko.

“Hindi ako makapaniwala kaya nagpa-ultrasound ako,” lahad ni Cecilia.

Nagpasalamat naman siyang nalaman na triplets ang nasa kanyang tiyan at nasubaybayan ang kanyang pagbubuntis.

Aminado rin si Cecilia na nagulat at nabigla siya sa resulta ng ultrasound test.

Aniya, "Hindi ko expect na ganitong tatlo.

“Masaya naman ako na lumabas sila. Masaya na tatlo ang ibinigay."

Read: Bride and groom ask wedding guests to pay for the food

ITAY AT INANG, GUMAGAWA NG BASKET PARA MASUPORTAHAN ANG TRIPLETS

Parehong balo sina Romulo at Cecilia nang magkakilala at na-in love sa isa’t isa.

May pitong anak si Romulo sa unang asawa.

Anim naman ang kay Cecilia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa pagdating nina Althea, Altheo, at Athena sa kanilang buhay, 16 na ngayon ang kanilang pinagsama-samang mga supling.

Parehong gumagawa ng basket na yari sa kawayan sina Romulo at Cecilia.

Read: Kuya flexes sister’s milestone; netizens cheer

Itay Romulo Perez weaving a bamboo basket
Si Itay Romulo Perez habang gumagawa ng basket na yari sa kawayan. Photo: News Update Facebook
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: VIRAL: Dad carrying large dog instead of kid

Pagtatapat ni Cecilia, hindi sapat ang kanilang kinikita para sa triplets.

Pag-amin niya, “Medyo hirap kasi habang lumalaki ang bata ay lumalaki ang gastos kasi palaki nang palaki sila.”

Sinabi rin niyang malakas sa gatas si Altheo.

Ang tanging hiling nina Romulo at Cecilia ay lumaki sina Althea, Altheo, at Athena na malulusog, mababait at may takot sa Diyos.

Read: Sexy girl na lapitin ng guys sa gym, pregnant pala

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mahigit isang taon nang magka-live in sina Romulo Perez, 61; at Cecilia Macam, 41 nang mabiyayaan sila ng triplets na sina Althea, Altheo, at Athena. (Photos courtesy of News Update Facebook)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results