PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

VIRAL: Chinese guy eating burger packed with mealworms

Ano kaya ang lasa?
by KC Cordero
Published Jun 10, 2024
Screenshot of the sandwich packed with mealworms
Ang viral video ng Chinese guy na kumakain ng sandwich na ang palaman ay mealworms ay pruweba na wala ng culinary boundaries sa social media.

Dahil sa patuloy na pagsusulong ng mga social-media influencers, vloggers, at maging ng mga ordinaryong netizens sa mga kakaibang pagkain para i-flex sa Internet, halos nawala na ang boundaries pagdating sa culinary curiosity.

Kamakailan, isang video ang kumalat sa social media na nagpapakita ng isang Chinese man habang ganadung-ganadong kumakain ng burger na punong-puno ng insekto.

Ang clip ay ini-upload sa Instagram ng user na may handle na @eaters.cn last May 29, 2024.

Read: Burger bought in 1995 remains intact

Screenshot of the video posted on Instagram
Ang screenshot ng video ng Chinese guy na kumakain ng sandwich na ang palaman ay mealworms. Photo: @eaters.cn on IG
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Boyfriend ayaw ilibre ng food ang family ng girlfriend, tinawag na ungrateful

Bagaman at hindi na bago ang mga kakatwang food challenges sa social media, tampok sa sandwich na ito ang mga insekto bilang patty.

Mabilis na napukaw nito ang atensiyon ng netizens, na iba't iba ang naging reaksyon—may namangha at ay naalibadbaran.

May mga nagtanong kung ano kaya ang lasa ng burger—at kung ethical ba na i-consume ang ganitong uri ng meal.

Read: Swiss Army Knife to remove blade in its new model

NETIZENS HINDI NASIYAHAN SA VIDEO

Ang insekto na ginamit sa burger ay mealworms.

Iba’t iba ang naging opinyon ng netizens sa kakaibang burger na ito.

May nagtanong kung bumaligtad din ba ang sikmura nila noong napanood ang video habang kinakain ng mama ang burger na puno ng insekto.

Read: Meet Devoney Scarfe, amazing pie artist

Nagtatakang sambit naman ng isa, hindi niya maintindihan ang mga tao kung bakit napakarami namang natural food na puwedeng kainin, pilit pa ring kumakain ng mga insekto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bulalas ng isa pa, “That is the most disgusting sandwich I have ever seen.”

Read: Guy arrested for giving low rating to Italian restaurant?

MEALWORMS MAGIGING ORDINARY FOOD NA LANG SA MALAPIT NA HINAHARAP

Sa kabila ng shock factor na hatid ng video, sa malapit na hinaharap ay baka maging ordinaryong eksena na lang na makakita ng mga taong kumakain ng burger na ang patty ay mealworms.

Nakatakda kasing umentrada ang mealworms sa global culinary scene.

Read: Woman in Ethiopia has not tried food, water for 16 years

Ito ay matapos aprubahan ng European Food Safety Agency (EFSA) noong 2021 na ang mealworms—na tinatawag ding yellow grubs—ay maaari nang gamiting sangkap sa iba’t ibang putahe.

Ang yellow grubs ay puwedeng isahog sa curries.

Maaari rin itong gilingin para maging arina o flour na magagamit sa paggawa ng biscuits, pasta, at tinapay.

Read: Frauenmond, the chocolate that eases menstrual cramps

MEALWORMS, ITLOG NG SALAGUBANG

Ang worms o mealworms o yellow grubs, sa katunayan, ay beetle larvae o itlog ng salagubang.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa mga bansa sa Europe, ginagamit ito bilang sangkap sa pet food.

Mayaman ito sa protina, fats, at fiber.

Read: Applicant submits resume attached to pizza box

Photo of mealworms or yellow grubs
Kahit tinatawag na worms, ang mealworms o yellow grubs ay mga itlog ng salagubang o beetle. Photo: The Scientist

Read: Why To’ak is considered the “world’s most valuable chocolate"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tinatayang ang yellow grubs ang pinakauna sa napakaraming nakahanay na insekto na magiging pagkain sa Europe sa mga darating na panahon.

Ito rin ang kauna-unahang insekto na in-assess ng EFSA sa ilalim ng “novel food” regulation noong 2018.

Sa ngayon, marami nang nagsumite ng applications sa EFSA ng iba’t ibang insekto upang i-assess kung gaya ng mealworms ay puwede ring kainin ng mga tao.

Bago ito sa karamihan.

Pero kung ikukunsidera ang nutritional content, baka dapat isantabi ang mga biases.

After all, likas sa mga mga tao ang maging resistant sa change.

Pero mananaig at mananaig pa rin ang adaptation o kakayanan ng tao na mag-adapt sa pagbabago kung kinakailangan.

Read: Stolen iPhone worth PHP40K used as payment for meal worth less than PHP300

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang viral video ng Chinese guy na kumakain ng sandwich na ang palaman ay mealworms ay pruweba na wala ng culinary boundaries sa social media.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results