PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

True love? 23-year-old woman marries 80-year-old man

Family of the woman against marriage.
by KC Cordero
Published Jun 13, 2024
Mr. Li about to kiss Xiaofang in the cheek
Kahit pinagbibintangang dahil lang sa pera kaya pinakasalan ng 23 anyos na babae ang 80 anyos na lalaki, siya ang nagtatrabaho para masuportahan ang may edad na mister.

Nakilala ng 23-year-old na si Xiaofang ang 80-year-old na si Mr. Li habang nagtatrabaho siya sa isang retirement home sa Hebei Province na nasa northern part ng China.

Si Mr. Li ay residente sa naturang Chinese province.

Naging mag-best friends ang dalawa matapos matuklasan na pareho sila ng mga interes at libangan.

Read: Bride and groom ask wedding guests to pay for the food

Mr. Li embraces Xiaofang
Mula sa pagiging best friends, nauwi sa totoong pagmamahalan ang relasyon nina Mr. Li at Xiaofang. Photo: Sohu
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Childless marriage? Content creator defends her choice

Sa paglipas ng mga araw, ang kanilang friendship ay mas lumalim pa at nagkaroon ng ibang kahulugan.

Na-attract si Xiaofang sa maturity ni Mr. Li. Matatag daw ito sa harap ng mga pagsubok at malawak ang kanyang pananaw sa buhay.

Humanga naman si Mr. Li sa kabaitan ni Xiaofang.

Dahil dito, na-in love sila sa isa’t isa—at nagplanong magpakasal.

Read: Itay, 61; Inang, 41, nakabuo pa ng triplets

WOMAN FOLLOWS HER HEART

Hindi aprubado ng pamilya ni Xiaofang ang romantic relationship niya kay Mr. Li, na kung tutuusin ay lolo na ng dalaga.

Pero sinunod ni Xiaofang ang tibok ng kanyang puso, at mas pinili pa niyang itakwil siya ng kanyang mga magulang makapiling lang niya si Mr. Li.

Ang love story nina Xiaofang at Mr. Li ay naging subject ng mainit na online debate sa social media ng China.

Ayon sa mga nagkomento, nauunawaan nila nang lubos kung bakit tutol ang mga parents ni Xiaofang sa relasyon nila ni Mr. Li.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May mga pumuri rin naman sa paninidigan ng dalaga na ipaglaban ang pagmamahal sa lalaking nagpatibok sa kanyang puso.

Read: Judge officiates wedding of criminal soon after sentencing

Maging ang mga personal na nakakakilala sa dalawa ay hati ang opinyon sa kanilang relasyon.

May nagsasabing pure ang pagmamahalan ng dalawa, at isa silang halimbawa ng love story na walang kinikilalang edad.

Para naman sa ibang kakilala, napakalaki ng age gap nina Xiaofang at Mr. Li, at ang kanilang romansa ay hindi authentic.

Read: Jodi Sta. Maria, Pampi Lacson annulment granted by court

WEDDING pushes through against all odds

Iniulat ng Sohu, isang Chinese news website, na nagpakasal sina Xiaofang at Mr. Li sa pamamagitan ng isang simple but elegant wedding ceremony.

Read: Carlo Aquino and Charlie Dizon are officially married!

Photo of Xiaofang and Mr. Li at the garden
Masuyong yakap ni Mr. Li ang misis na si Xiaofang. Photo: Sohu
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Bizarre love story: Guy marries mother-in-law

Kahit wala sinuman sa mga miyembro ng kani-kanilang pamilya ang dumalo sa wedding.

Nagpalitan sina Xiaofang at Mr. Li ng sumpa sa isa’t isa na magmamahalan at magsasama sa hirap at ginhawa.

Read: Husband discovers wife is a male 12 days after wedding

MARRIAGE PATULOY NA BINABATIKOS

Bagaman at marami ang nag-aakusa kay Xiaofang na pinakasalan lang niya si Mr. Li dahil sa money, batay sa ulat ng Sohu ay siya ang tumatayong breadwinner sa kanilang dalawa.

Dahil sa edad at may mga iniinda na ring sakit, hindi na kaya ni Mr. Li na magtrabaho—kaya nga nasa retirement home na ito nang makilala ni Xiaofang.

Mayroon naman itong pension, pero ang bulto ng mga gastusin nilang dalawa ay sa mga balikat ng batang maybahay nakaatang.

Read: Story about dad bringing late son’s girlfriend to prom goes viral anew

Hindi naman nagpapatinag si Xiaofang sa mga batikos at sinabing handa siyang gampanan ang mga responsibilidad kay Mr. Li.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, lahat ng pagsubok ay kaya niyang malampasan basta’t kasama lang niya ang kanyang mister. Ika nga, she's doing everything for love.

Madalas din siya mag-post ng mga larawan at videos nilang mag-asawa sa kanyang social media accounts bilang patunay ng kanilang pagmahahalan.

Read: Couple holds snowy wedding, and it's breathtaking!

Dahil dito, patuloy rin ang natatanggap ni Xiaofang na pamba-bash.

Inaakusahan siya ng netizens na ang marriage at ipinagmamalaki niyang pagmamahal kay Mr. Li ay front lang niya, at ginagamit niya ang kanilang relasyon para sumikat siya sa social media—at kumita.

Sa kabila ng ingay na nakapalibot kina Xiaofang at Mr. Li, tuloy lang ang ikot ng mundo para sa lovebirds, at pinaninindigan ang pangakong magmamahalan habambuhay.

Read: Australia's richest billionaire Gina Rinehart wants "unflattering" portrait removed from national gallery

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kahit pinagbibintangang dahil lang sa pera kaya pinakasalan ng 23 anyos na babae ang 80 anyos na lalaki, siya ang nagtatrabaho para masuportahan ang may edad na mister.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results