CW: Violence
Tatlong babae ang sinaktan ng isang lalaki sa Cebu City sa magkakahiwalay na insidente.
Ang rason, ayon sa mga pulis, ayaw raw kasi ng suspek sa mga magagandang babae.
Read: Lalaki pineke ang death certificate para makaiwas sa pagsuporta sa misis

Read: Woman with more than 150 cats and dogs banned from keeping pets; to pay PHP9M for damages
"Sinasampal niya dahil maganda raw. Peke raw ang mga mukha nila,” pahayag ni Police Major Mark Don Alfred Leanza, ang hepe ng Police Station 2, Cebu City Police Office, sa panayam ng GMA Regional TV Balitang Bisdak.
Sa isang hiwalay na panayam ay sinabi rin ni Leanza na, “Upon verification and upon interview doon sa suspek natin, ang sinabi niya lang din is, hindi daw niya gusto na nakakakita ng maganda.
"Yun ang partikular na sinabi niya."
Read: Girl diagnosed with “love brain” calls boyfriend 100X daily
INCIDENTS OF ATTACKING PRETTY GIRLS
Sugat sa mukha at black eye ang tinamo ng mga babaeng biktima ng suspek.
Ang unang biktima ay naglalakad sa Osmeña Street at pauwi na sa kanilang bahay nang suntukin siya ng suspek sa ilong.
Malakas ang pagkakasapak ng lalaki, at nabasa ng dugo maging ang damit ng babae.
Nangitim naman ang palibot ng mata ng 33 anyos na pangalawang biktima, na sinuntok ng suspek sa may Jacosalem Street.
Read: Stolen iPhone worth PHP40K used as payment for meal worth less than PHP300

Read: Customer hindi nasiyahan sa haircut, ginupitan ang barbero
Nagda-jogging naman sa may B. Rodriguez Street ang pangatlong biktima na isang 22 anyos na dalaga nang sapakin ng suspek sa mata.
Black eye rin ang inabot nito.
Read: Thief disguises himself as trash bag to steal delivery package
SUSPEK ARESTADO NA
Nasakote ang 37-year-old na suspek matapos isumbong sa mga pulis ng tatlong babae ang ginawa nitong pananakit sa kanila.
Hindi na binanggit ang kanyang pangalan.
Inaalam pa ng pulisya kung may problema sa pag-iisip ang lalaki.
Sinampahan na ito ng reklamong multiple physical injuries.
Read: Lady outsmarts male scammer tricking her into believing her husband is gay
