PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bride gets fired from job on her wedding day

At... via text message lamang!
by KC Cordero
Published Jun 14, 2024
Photo of a bride and the text message
Sa pinakamasayang chapter ng kanyang buhay bilang babae saka naman siya sinabihan ng kumpanyang tanggal na siya sa trabaho. "I think it was a bit of a coward's way of doing it while I'm not there. They had the opportunity to do it in person."

Ang pagkatanggal sa trabaho ay maaaring mangyari sa isang empleyado anumang oras—at napakasakit nito, lalo pa kung maganap sa isang pagkakataong saya at galak ang inaasahan.

Ganito ang naranasan ng isang bride nang sa mismong wedding niya ay nakatanggap siya ng notice na tanggal na siya sa trabaho.

Ibinahagi ng bride, na nagpakilalang Amanda, ang kanyang masaklap na kapalaran sa YouTube channel na “The Ben Askins Show” noong Mayo 25, 2024.

Ang host na si Ben Askins ay tumatalakay sa mga kuwento ng buhay ng mga empleyado at bumabatikos ng mga “terrible companies and bosses.”

Screenshot of Ben Askin's YouTube channel
Ibinahagi ng bride sa isang YouTuber ang masaklap niyang naranasan sa employer sa mismong araw ng kanyang kasal. Photo: Ben Askin YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Amanda ay residente siya ng United Kingdom.

Last May 22 ay ikinasal siya at ginanap ang okasyon sa Cyprus.

Pagbabahagi niya, makalipas ang kalahating oras matapos niyang ikasal sa mister, at habang nasa gitna sila ng kasayahan ng wedding reception, nakatanggap siya ng message sa WhatsApp.

Ito ay mula sa kanyang boss at ang mensahe dito: Tanggal na siya sa trabaho.

Bulalas tuloy ng host na si Ben: "No, you are fired on your wedding day!"

Sinabi ni Amanda na alam ng kanyang boss at maging ng mga katrabaho na ikinakasal siya noong araw na iyon.

“And my boss started with the text message, 'I hope your wedding day went well and that you had a nice time away.'"

Pagpapatuloy niya sa kabuuang bahagi ng mensahe ng kanyang boss, "I just wanted to let you know that the decision has been made to unfortunately let you go.

“An email has been sent to your personal email address detailing this.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I am really sorry that it didn't work out and wish you all the best moving forward."

Read: True love? 23-year-old woman marries 80-year-old man

getting fired on WEDDING DAY “ONE OF THE WORST THINGS EVER"

Sa puntong iyon ay napabuntunghininga ang host na si Ben.

Singit nito sa pagkukuwento ni Amanda, na-shock umano ito sa nakahahambal na desisyon ng boss ni Amanda. Tinanggal siya sa trabaho sa mismong araw ng napakaimportanteng okasyon sa buhay niya bilang babae.

Ani Ben, "I just don't know what to say to that because that's one of the worst things I've ever heard because it's meant to be one of the best, most amazing days ever.

“And they've done that."

Idinetalye naman ni Amanda kung paano niya nakita ang message ng kanyang boss.

Aniya, hindi niya hawak ang kanyang phone sa buong oras ng wedding ceremony.

Nang nasa reception at nakaupo na sila saka lang niya tiningnan ang telepono.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“I thought, 'I've got a lot of well-wishes to go through.'”

Pero ang una niyang napansin, “I was blocked and removed from all the company's WhatsApp groups. I was like, 'Oh, what's going on here?'"

Nang makita niya ang message ng kanyang boss ay natutop niya ang kanyang bibig sa pagkabigla.

“So, then, of course, the next thing you do is go check your emails."

Read: Bizarre love story: Guy marries mother-in-law

KUMPANYA MAS PREFERRED ANG SINGLE EMPLOYEES

Nang mabasa ni Amanda ang official termination email, nakalagay aniya roon na tinanggal siya sa trabaho dahil ang kanyang performance “doesn't meet the expectations we require for the role.”

Paglilinaw niya kay Ben, hindi siya kailanman binigyan ng pahiwatig ng kumpanya na hindi maganda ang kanyang performance.

Kung mayroon man aniyang konting reklamo sa kanya ang management, iyon ay dahil mabagal siyang mag-reply sa email.

Pero pagdating sa trabaho, okey raw ang management sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Suspetsa niya, matagal nang plano ng kumpanyang tanggalin siya.

Kaya niya nasabi ito, aniya, "They recently hired someone onto our team, which now in hindsight, I think was just my replacement the whole time."

Binanggit din niya na ang bagong empleyado ay nagsimulang magtrabaho nang mag-file na siya ng bakasyon dahil nga magpapakasal siya.

Mas bata rin ito ng walong taon sa kanya.

Duda pa ni Amanda, isa rin sa posibleng dahilan kung bakit siya tinanggal ay dahil mas preferred ng kumpanya ang mga single employees.

Under probation pa kasi siya, at nang malaman ng kumpanyang magpapamilya na siya ay inalam din nito kung plano niyang magkaroon ng mga anak.

Sinabi niyang oo.

Tingin niya, umiwas din ang kumpanyang magbayad ng mga benepisyo para sa married employees na may dependents.

Siya lang kasi sa grupo nila na under probation ang tanging hindi na-regular.

Aminado si Amanda na galit na galit siya sa paraan ng pagtanggal sa kaniya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I think it was a bit of a coward's way of doing it while I'm not there.

“They had the opportunity to do it in person."

Sa ngayon, sa halip aniyang nilalasap niya ang saya ng bagong kabanata ng kanyang buhay at nag-e-enjoy sa honeymoon, abala siya sa paghahanap ng bagong trabaho.

Read: Employee asked by former employer for laptop password 6 months post-termination; netizens react

BRIDE NAKAKUHA NG SIMPATYA

Nakisimpatya ang netizens sa sinapit ni Amanda.

Karamihan sa mga ito ay nagsabing magkonsulta siya sa lawyer.

Komento ng isa, “Probation period or not, having asked if she intended to have children and then firing her is a cast iron discrimination claim. Get a lawyer.”

Screenshots of netizens's comments
Ang ilan sa mga nagpaabot ng simpatya sa bride. Photo: Ben Askins YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Susog ng isa pa, “The fact they did it on her wedding day after having asked about her intention to have children, and have otherwise hired all young, single, childless people, shows me it was intentional and illegal.

“I hope she is able to get compensation. Don't let them get away with it.”

Dismayadong sambit naman ng isang nagkomento: “The only thing that surprises me about bosses is that they find new ways to make us lose hope in humanity.”

Samantala, tiniyak ni Ben na iko-call out niya ang former employer ni Amanda para malaman ng mga interesadong mag-apply roon kung gaano kapangit ang patakaran ng kumpanya.

Sinabi rin niya kay Amanda na ipadala ang resume nito sa kanya para matulungan niya itong makahanap ng bagong trabaho.

Read: Actor earns more than PHP500K monthly from acting out as beggar

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa pinakamasayang chapter ng kanyang buhay bilang babae saka naman siya sinabihan ng kumpanyang tanggal na siya sa trabaho. "I think it was a bit of a coward's way of doing it while I'm not there. They had the opportunity to do it in person."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results