Isang lalaki sa Colorado, USA, ang nakaligtas sa pamamaril, salamat sa suot niyang silver necklace.
Nag-post ang Commerce City Police Department sa official Facebook page nito last May 29, 2024 ng mga larawan ng isang metal necklace na puno ng dugo.
Nakabaon pa sa metal necklace ang isang maliit na piraso ng bala ng baril.
Read: Man who went missing for 28 years found in neighbor’s house

Read: Influencer without belly button earns PHP2M per month
Napag-alaman na ang lalaking may suot ng necklace ay napasuong sa isang mainitang argumento sa isa pang lalaki.
Sa tindi ng kanilang pagtatalo, binaril ito ng nakaalitan.
Pero tumama ang bala sa metal necklace kaya hindi iyon tumagos sa leeg ng biktima.
BIKTIMA NAKALIGTAS DAHIL SA SILVER NECKLACE
Ayon sa bahagi ng Facebook post ng pulisya: “This silver chain—approximately ten millimeters in width—is likely the only reason the victim of a shooting we responded to yesterday is still alive.
“The .22 caliber bullet was fired during an argument and would have ended up in the victim’s neck had it not instead become lodged in the chain he was wearing.”
Read: Guy arrested for giving low rating to Italian restaurant?

Read: Thief disguised as blonde woman arrested
Kung hindi umano tumama sa metal necklace ang bala, fatal ang magiging tama ng bala sa biktima.
“As a result, he suffered only a puncture wound,” ayon pa sa post ng pulisya.
Read: Story about dad bringing late son’s girlfriend to prom goes viral anew
"DIVINE INTERVENTION" AT HINDI DAHIL SA SILVER NECKLACE
Nang suriin ng pulisya ang metal necklace, bagaman at ikinukonsidera na silver dahil sa kulay, hindi iyon puro at posibleng yari sa mas matigas na alloy.
Malambot kasi ang pure silver, at posibleng tumagos dito ang bala.
Itinuring ng pulisya ang nangyari sa biktima na “just incredible.”
May ilang nagkomento na nagsabing nakaligtas ang lalaki hindi dahil sa silver necklace kundi sa “divine intervention.”
Hindi pa umano nito oras para mamatay.
Read: Blind dating cafe draws flak for favoring men in its set-up
