PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Employee takes home pay for 20 years doing nothing; sues company

“Moral harassment and discrimination at work”
by KC Cordero
Published Jun 18, 2024
Photo of Laurence Van Wassenhove and her company
Hindi nagustuhan ni Laurence Van Wassenhove ang naging trato sa kanya ng kumpanyang pinasuweldo siya sa loob ng 20 years at kumpleto ang benefits, pero wala namang ipinagagawa sa kanya. Katwiran niya, “I am a disabled worker, not a sick person.”

Mula nang ipanganak si Laurence Van Wassenhove ng France, taglay na niya ang sakit na hemiplegic.

Mayroon siyang partial paralysis sa mukha, at maging sa kanyang paa at kamay.

Epileptic din siya.

Photo of Laurence Van Wassenhove
Ang larawan ni Laurence Van Wassenhove. Photo: Franceinfo

Gayunpaman, nakatapos si Laurence ng pag-aaral.

Noong 1993, na-recruit siya ng France Telecom.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Alam ng company ang medical condition ni Laurence, at binigyan siya ng trabaho na angkop sa kanyang pisikal na kakayahan.

Bilang empleyada, nagtrabaho siya bilang secretary, at naging part din ng Human Resource Department.

Read: Australia's richest billionaire Gina Rinehart wants "unflattering" portrait removed from national gallery

EMPLOYEE'S WORKING SITUATION MODIFIED AFTER CHANGE OF MANAGEMENT

Noong May 30, 2000, na-acquire ng Orange PLC ng London ang France Telecom.

Pagsapit ng 2002, hiniling ni Laurence sa bagong management na ilipat siya sa ibang region ng France.

Inaprubahan naman ang kanyang request.

Pero ang kanyang naging bagong workplace ay hindi akma sa kanyang needs.

Kinumpirma rin sa isang occupational medicine report na ang posisyon ni Laurence ay hindi niya kayang gampanan.

Dahil dito, hindi na siya binigyan ng Orange ng anumang tasks simula noong 2004.

Photo of Orange headquarter
Ang headquarter ng Orange PLC sa France. Photo: La Depeche
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mas pinili ng kumpanya na pasuwelduhin nang buo ang empleyada sa loob ng sumunod na 20 taon kahit wala siyang ginagawa sa opisina—sa kabila ng kanyang pakiusap na bigyan siya ng mga gagawin.

Noong 2015, pormal na ipinaabot ni Laurence sa management ang kanyang mga hinaing sa kanyang sitwasyon sa opisina.

Bukod sa wala siyang workspace, wala rin siyang tasks.

Hindi siya pinaa-attend sa anumang meeting, at wala ring professional emails.

Nagtalaga ang Orange ng mediator para maresolba ang sitwasyon sa pagitan ng kumpanya at ni Laurence.

Pero walang nangyari—at nagpatuloy lang ang Orange sa pagpapasahod sa kanya kahit maghapon lang siyang nakatunganga sa opisina.

Read: Man who went missing for 28 years found in neighbor’s house

employee complains MORAL HARASSMENT AND DISCRIMINATION AT WORK

Dahil walang nangyari sa mediation, inireklamo na ni Laurence sa gobyerno ang treatment sa kanya ng Orange, at maging sa High Authority for the Fight against Discrimination.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang claim ng abogado ni Laurence na si Me David Nabet-Martin, ginagawa iyon ng telecom giant para mapuwersa siya na magbitiw na lang sa trabaho.

“They prefer to pay her than make her work,” ayon sa abogado sa inilabas na pahayag sa French media.

Laurence Van Wassenhove with her lawyer
Kasama sa larawan ni Laurence Van Wassenhove (kanan) ang kanyang abogadong si Me David Nabet-Martin. Photo: La Depeche
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinabi rin nito na nagsampa na si Laurence ng reklamo laban sa kumpanya at sa apat na managers nito, “for moral harassment and discrimination at work linked to her health condition.”

Dagdag pa ng abogado, “Work for a person with a disability means having a place in society, recognition, social bonds that are created.”

Pero sa kaso umano ni Laurence, pinagkaitan siya ng mga karapatang ito at sa halip ay inilagay lang sa isang tila shelf sa loob ng 20 taon “in the hope that she would quit.”

Read: Man steals identity of co-worker for 35 years; co-worker suffers

ANG DEPENSA NG COMPANY

Sa ulat na inilabas ng French newspaper na La Depeche noong June 12, 2024, sinabi ng Orange na ginawa lahat ng kumpanya ang makakaya nito para lang matiyak na nasa pinakamaayos na kondisyon si Laurence sa kanyang trabaho.

Pinanindigan din ng Orange na ikinonsidera ng kumpanya ang “personal social situation” ni Laurence.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagplano umano ang kumpanya ng “return to work in adapted positions” para kay Laurence, pero hindi iyon nag-materialize dahil madalas naman siyang naka-sick leave.

Ikinonsidera rin ang occupational medicine report na hindi siya fit to work kaya hindi na binigyan ng anumang tasks.

Pero dahil sa pagsasaalang-alang sa kanyang kalagayan, pinasusuweldo rin siya nang buo, at ipinagkakaloob ang kanyang mga non-refundable aids.

Dinidinig pa rin sa kasalukuyan ang pambihirang labor dispute na ito.

Read: Terminated employee exacts revenge; deletes company servers

Nang lumabas ang balita tungkol sa pagsasampa ng kaso ni Laurence laban sa Orange at sa sitwasyon na kahit wala siyang ginagawa ay sumusuweldo siya, may mga nagsabing kung sila ang nasa kanyang sitwasyon ay hindi na sila magrereklamo, tutal ay kumpleto naman ang sahod at mga benepisyo.

Pero para kay Laurence, hindi niya masisikmura ang ganun.

Katwiran niya, “I am a disabled worker, not a sick person.”

Read: Former TV superstar goes viral for videos showing life as rider and construction worker

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi nagustuhan ni Laurence Van Wassenhove ang naging trato sa kanya ng kumpanyang pinasuweldo siya sa loob ng 20 years at kumpleto ang benefits, pero wala namang ipinagagawa sa kanya. Katwiran niya, “I am a disabled worker, not a sick person.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results