Hindi lang double kundi quadruple the fun para sa identical twin sisters na ikinasal sa identical twin brothers.
Madaming match na nangyari sa buhay ng American twins na sina Brittany and Briana Deane.
Dahil hindi sila mapaghiwalay simula noong bata, pinangarap nilang makatagpo ng mapapang-asawa na lalaking kambal din.
Hindi sila binigo ng tadhana.
Noong 2017, dumalo sina Brittany at Briana sa Twins Day Festival sa Twinsburg, Ohio.
Ang annual festival na ito ay ipinagdiriwang tuwing first weekend ng August sa Twinsburg na dinadaluhan ng mga biological twins, triples, quads, etc.
Dito nakilala nina Brittany at Briana ang twin brothers na sina Josh at Jeremy Salyers.
Makalipas ang isang taon, ikinasal si Briana kay Jeremy at si Brittany kay Josh on the same day.
Ang dalawang couple ay magkakasamang nakatira sa isang bahay sa Bedford County, Virginia.
Read: Conjoined twins react to comments and questions about secret wedding

Read: Passenger tied to seat while in-flight faces PHP4.8M lawsuit
TWIN sisters and their husband have sons
Sa ngayon ay pare-pareho na silang mga magulang.
Sina Brittany at Josh ang mga magulang ng batang si Jett, habang sina Jeremy at Briana ay magulang ni Jax.
Parehong tatlong taong gulang ngayon ang mga batang lalaki, pero five months older si Jett kay Jax.
Technically, ang mga sanggol na sina Jett at Jax ay magpinsan.
Pero dahil sa kanilang unique situation na twins ang kanilang mga magulang, ang dalawang bata ay genetic brothers din.

Ang tawag dito ay quaternary twins dahil ang two sets of parents share the same DNA.
Magkakasama pa rin sila sa iisang bubong at pinapalaki ang dalawang bata na tila magkapatid.
Aktibo ang Salyer couples sa kanilang mga social media accounts, kung saan itinatampok ang kanilang unique set-up.
