Isang kakatwang giant tree na may mga ugat na parang pares ng paa ang kinilala sa New Zealand bilang 2024 Tree of the Year.
Binigyan ito ng bansag na “Walking Tree” dahil sa hitsura nito na parang naglalakad sa gitna ng malawak na kaparangan.
Ang kakaibang punong-kahoy na ito ay isang northern rata, na may scientific name na Metrosideros robusta.

Kabilang ang northern rata sa tallest flowering tree species ng New Zealand.
Kaya nitong mabuhay nang hanggang 1,000 taon.
Ang Walking Tree ay nag-iisa sa malawak na paddock na may katabing sementeryo.
Tinatayang may taas ito na 105 feet o 32 meters—katumbas ng isang seven-story building—ayon sa The New Zealand Tree Register, na catalogue ng mga heritage trees "of national importance" at mga locations nila.
Read: Why tourists flock to Benten Mountain in Japan
WALKING TREE MAHIGIT 100 YEARS OLD NA
Sa pagwawagi ng Walking Tree ng 2024 edition ng New Zealand Arboricultural Association's (NZ Arb) Tree of the Year award, nakakuha ito ng 42 percent ng public votes.
Tinalo nito ang lima pang finalists.
Ayon kay competition organizer Brad Cadwallader sa panayam ng Radio New Zealand, “It just strode out into the lead right from the very start.”

Sinabi naman ni NZ Arb president Richie Hill na ang Walking Tree ay may “exceptional feature” at isang prime example ng mga pambihirang punong-kahoy sa bansa.
Masuwerte ayon kay Hill ang mga New Zealanders na magkaroon ng karanasan na makita ang punong-kahoy na tila naglalakad.
Hindi matiyak ang eksaktong edad ng Walking Tree, pero tinukoy ng award organizers na ito ang lone survivor ng isang gubat na kinaingin mahigit 150 taon na ang nakalilipas.
“The farming family back then clearly thought it was special because they left it,” ani Cadwallader.
Read: Eye-catching cat’s eye dazzle plant turns out to be fake
ANG PAMBIHIRANG KATANGIAN NG SPECIE NG WALKING TREE
Ang northern rata trees ay epiphytes o air trees.
Nagsisimula itong mabuhay sa ibabaw ng isang host tree at pagkatapos ay saka lumalaki ang mga ugat pababa sa lupa.

Nabubuhay ito sa ibabaw ng host tree sa pamamagitan ng hangin at tubig ulan.
Ang kakaibang root layout naman ng Walking Tree na parang naglalakad ay sanhi ng disenyo ng kinalakihan nitong host tree.
Paliwanag pa ni Cadwallader, “That host tree has now gone.
“Maybe the [host] tree was either very, very big, or there may have been another tree that fell and lent against the host tree, and that's why the roots have split near the ground and given it that walking appearance.”
Read: Design of train station in China, inspired by plum blossom or giant sanitary pad?
NORTHERN RATA TREES NANGANGANIB MAUBOS
Ang northern rata trees ay endemic o sa New Zealand lang matatagpuan.
May panahong isa ito sa most common species sa mga kagubatan ng nasabing bansa.
Pero bumaba na rin ang bilang nito sa mga nakalipas na dekada at kasama na sa listahan ng nationally vulnerable, batay sa datos ng New Zealand Plant Conservation Network.
Bukod sa pagkakalbo ng mga kagubatan, isa sa naging sanhi ng pagkaubos ng northern rata ay ang mapamuksang common brushtail possums (Trichosurus vulpecula), na kinakain ang mga dahon ng mga punong-kahoy at nginangatngat ang mga ugat.
Read: DENR sa pagmamaltrato ng 2 vloggers sa mag-inang tarsiers: “Disturbing”
Naapektuhan din ang populasyon ng northern rata ng myrtle rust—isang pathogenic fungi na native sa South America na na-detect na namiminsala pala ng mga punong-kahoy sa New Zealand noon lang 2017.
Hinihikayat ni Hill ang mga lokal at dayuhang turista na bisitahin ang Walking Tree.
Aniya, “It is a must-see destination, highlighting the uniqueness and diversity that exists within New Zealand’s notable tree population.”
Sa ngayon ay pinapangalagaan ang mga puno ng northern rata sa New Zealand sa pamamagitan ng paglalagay ng metal band sa mga ugat nito para maprotektahan laban sa pag-atake ng possums.
Read: Goats outnumber people population on island; mayor decides to give them away
