Isang elderly man sa China na nakilala sa pangalang Ruan ay walang asawa at mga anak.
Ipinanganak siya noong 1930.
Ayon sa ulat ng Beijing Evening News noong May 10, 2024, maagang naulila sa mga magulang si Ruan.
Mayroon siyang isang kapatid na babae na mas bata sa kanya, pero agad itong nag-asawa.
Habang lumalaki at nagkakaedad, naramdaman niyang nag-iisa siya sa mundo.
Noong 2011, kung kailan 81 years old na si Ruan, na-realize niyang nahihirapan na siyang alagaan ang sarili.
Read: Kris Aquino reveals she has "no inheritance" from the late President Cory Aquino

Read: Robin Williams's children inherit $50 million
Naisip niya, sa edad niyang iyon, lalo siyang mahihirapan sa mga susunod pang taon kahit sabihin pang malusog naman siya.
Bihirang-bihira rin siyang dalawin ng kapatid, kaya humingi si Ruan ng tulong sa kanyang local village committee, na siyang nagrekomenda kay Liu.
Maganda ang reputasyon ni Liu sa village. Pamilyado na ito at mayroong mga apo, pero napakalakas pa rin ng pangangatawan bagaman at hindi na binanggit ang edad.
Read: Heiress with PHP1.5B inheritance chooses 50 people to decide on how to give away her money
ANG KASUNDUAN SA PAGITAN NG CARER AT NG OLD MAN
Nagkasundo ang dalawa na aalagaan ni Liu si Ruan hanggang sa kamatayan ng huli.
Bahagi ng kasunduan na kailangang manatiling mataas ang living standards ni Ruan, alinsunod sa mga patakaran ng village.
Bilang kapalit, si Liu ang magmamana ng ari-arian ni Ruan sa village.
Nagpakita ng dedikasyon si Liu sa pag-aalaga sa matandang lalaki.
Isinama na rin niya ang pamilya sa bahay ni Ruan, para hindi na niya kailangang umalis sa tuwing bibisitahin ang mga ito.
Sa ganoong set-up, mas madali rin para sa kanya ang pag-aasikaso sa alaga.
Naging malapit din kay Ruan ang buong pamilya ni Liu.
Tumutulong lahat, maging ang apong babae ng carer, sa pag-aalaga sa matandang lalaki.
Read: Couple who died in car accident wedded via ‘ghost marriage’

Kasa-kasama sila nito kapag nagdaraos si Liu ng kaarawan, pati na rin sa pagsalubong sa Chinese New Year.
Yumuyukod ang mga ito sa matandang lalaki at nagwi-wish ng mahabang buhay para sa kanya.
Read: 'Upset' grandfather leaves PHP3,500 each to grandkids who did not visit him when he was hospitalized
OLD MAN NAKATANGGAP NG 5 PROPERTIES SA BEIJING
Pumanaw si Ruan noong October 2023.
Pitong buwan bago siya sumakabilang buhay, nakatanggap siya ng kumpensasyon dahil sa ginawang demolisyon sa kanyang 800-square-meter home sa village kung saan siya nakatira.
Ang lugar ay gagamitin para sa panibagong development.
Ang natanggap naman niyang kumpensasyon ay limang properties sa Beijing.
Sa pagtataya ng Anjuke, isang prominent online platform for real estate sales and rentals sa China, ang average listing price for previously owned flats sa Beijing noong March 2024 ay US$7,200 o PHP423,615.60 per square meter.
Lumalabas na ang limang properties ni Ruan ay nagkakahalaga ng milyong dolyar.
Read: Nicolas Puech of Hermès desididong ipamana ang yaman sa hardinero; sariling foundation, umaalma
KAPATID NI RUAN NAGHABOL SA PROPERTIES
Naghabol sa mga properties na ito ang kapatid na babae ni Ruan.
At dahil dito, napilitan si Liu na idemanda ang babae.
Hiniling din niya sa korte na gawing valid ang care agreement nila ni Ruan, at tulungan siyang mailipat sa kanyang pangalan ang mga properties.
Sa isinagawang paglilitis, maraming taga-village ang tumestigo at nagpatunay sa hukuman kung paano inalagaan ni Liu si Ruan.
Isang villager ang nagkuwento na noong humina ang lungs ni Ruan, kinabitan siya ni Liu ng limang oxygen machines para hindi mahirapang huminga.
Tinitiyak din ng tagapag-alaga na ang matandang lalaki ay may nakahandang nilagang itlog at gatas tuwing umaga sa loob ng mahigit isang dekada.
Hindi rin nakakalimutan ni Liu na hainan si Ruan ng iba’t ibang almusal, gaya ng porridge, noodles, and stewed meat.
Nakumpirma naman ng korte na bihirang dumalaw kay Ruan ng kapatid na babae—lalo na noong magsimula na si Liu na alagaan ito.
Read: Ginang, pinagbantaang idedemanda ng mga anak kapag ibinenta ang mamanahin nilang bahay
KORTE PUMABOR KAY LIU
Sa ibinabang desisyon, pumabor ang korte kay Liu.
Nang lumaganap sa media at Internet sa China ang kuwento nina Ruan at Liu, maraming netizens ang natuwa sa naging desisyon ng korte.
Ayon sa isang nagkomento, nang magsimula si Liu na alagaan si Ruan ay wala pa sa eksena ang limang properties sa Beijing.
“His initial intentions were purely kindhearted. The reward came later and is well deserved.”
Obserbasyon naman ng isang netizen, ang pag-aalaga sa isang taong hindi kaanu-ano sa loob ng 12 taon ay hindi pangkaraniwan.
Dagdag pa nito, “Not many can show such perseverance. Ruan doesn’t owe anything to the relatives, so why shouldn’t Liu inherit the properties? He absolutely deserves the inheritance.”
Sa kasalukuyan, ang China ay may rapidly aging population.
Ayon sa World Health Organization, ang bilang ng mga tao sa China na edad 60 pataas ay tinatayang aabot sa 28 percent pagsapit ng 2040.
Sanhi ito ng mahabang life expectancy ng mga Chinese at pagbaba ng kanilang fertility rates.
Dahil sa pagbabagong ito sa demography ng China, isang malaking challenge ngayon ang pag-aalaga sa mga matatanda.
