PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bride breaks ankle after giving groom piggyback ride

Hindi kinaya ang bigat ng groom kaya kinailangang operahan ang bride.
by KC Cordero
Published Jun 24, 2024
Blake piggyback riding Mary, and the newlyweds at the hospital
Pabirong sinakyan ng groom ang bride, pero hindi ng huli ang bigat kaya bumigay ang kanyang kaliwang ankle. Sa halip na sa reception at honeymoon, sa emergency room ng ospital dumiretso ang newlyweds.

Ikinasal sina Blake at Mary Greenwell noong October 2019.

Parehong 27 years old na ngayon ang mga residente ng Boston, Kentucky, USA.

Ang kanilang naging kasal ay itinampok ngayong June 2024 ng Kennedy News and Media, isang United Kingdom-based news organization, bilang bahagi ng mga wedding stories na may kakaibang twist.

Photo of Blake and Mary after the wedding ceremony
Itinaas ni Blake ang kamay ni Mary matapos ang kanilang kasal. Photo: Kennedy News and Media
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Petite si Mary at may taas na five feet and three inches, habang si Blake ay may taas ng six feet and one inch at may timbang na 136 kilograms.

Isang oras matapos ang seremonya, habang nasa reception, bago nagsimula ang kainan ay nag-pose muna ang mga bagong kasal ng series of wacky and playful poses.

Read: Couple who died in car accident wedded via ‘ghost marriage’

BRIDE BUMIGAY ANG ANKLE NANG MAG-PIGGYBACK RIDE ANG GROOM

Pagbabahagi ni Mary, “When we arrived at the venue, the disc jockey was still setting up and we decided to kill a bit of time by taking some silly pictures outside in a field.”

Sa isang instance, nag-piggyback ride si Blake kay Mary.

Ani Mary, “For one of them, Blake leaned over my back, and I was very proud I was holding him up.

“It was a funny picture.”

Yun nga lang, sa gitna ng masaya photo session ay naganap ang hindi inaasahang aksidente.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi kinaya ng bride ang bigat ng kanyang groom at bumigay ang kanyang ankle.

Blake checking if Mary is okay
Nabali ang left ankle ni Mary dahil hindi niya kinaya ang bigat ni Blake. Photo: Kennedy News and Media

Ani Mary kung bakit nangyari ang aksidente, “His brother held onto his feet trying to keep us steady, but that actually made us fall forward with my feet staying pointed on the ground.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ramdam agad umano niya na nabali ang kanyang ankle.

Aniya, parang slow motion ang buong pangyayari.

Hindi rin niya narinig na lumagutok ang buto sa kaliwang paa, pero pakiwari niya ay napaso iyon at napakasakit.

“I remember saying, 'My ankle is broken!'”

Read: Bride gets fired from job on her wedding day

BRIDE KINAILANGANG DALHIN SA OSPITAL

Noong una ay inakala ng mga bisita na nagbibiro lang si Mary dahil nagkakasayahan nga sila ni Blake sa picture taking, until nakita nilang namaga ang kaliwang ankle ng bride.

Hindi na natuloy ang inaabangang pagsusubuan nila ng cake at pag-sip ng wine sa reception dahil kinailangang isugod si Mary sa ospital.

Doon ay kinumpirma ng mga doktor na nabalian nga siya ng ankle.

Agad din siyang inoperahan.

Kaya sa halip na magsaya ang newlyweds kasama ang kanilang 150 guests sa reception at pagkatapos ay mag-honeymoon, nagpalipas sina Mary at Blake ng kanilang unang gabi bilang mag-asawa sa emergency room ng ospital.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gumastos pa mandin sila ng mahigit US$7,000 o PHP412,090.00 sa kanilang kasal.

Read: True love? 23-year-old woman marries 80-year-old man

GROOM MALUNGKOT PA RIN SA NANGYARI, BRIDE NATATAWA NA LANG NGAYON

Aminado naman si Blake na hanggang ngayon ay nalulungkot siya pag naaalala ang nangyari.

Halata raw kasi niyang sobrang na-upset noon si Mary, kaya alalang-alala siya sa kanyang misis.

Nahihiya rin siya rito noon dahil halos iisang oras pa lang silang nabendisyunan bilang mag-asawa, pero nadisgrasya naman agad ito nang dahil sa kanya.

Sambit ni Blake, “I'm okay talking about it now but it still hurts me.

“It's more the fact that me falling is what broke her ankle. I kind of blame myself.”

Hindi rin aniya nagtagal ang mga bisita sa reception at nag-uwian na agad dahil wala naman sa kasayahan ang bride and groom.

Para naman kay Mary, nakikita na niya ngayon ang funny side ng kanilang wedding ni Blake—bagaman at nagtitiis pa rin siya na may mahigit isang dosenang screws at may metal plate sa kanyang kaliwang paa hanggang ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
The left ankle of Mary after the operation
Ang paa ni Mary matapos operahan. Photo: Kennedy News and Media

Pagbabalik-tanaw pa niya, nakakatawa ang hitsura niya sa emergency room ng ospital kung saan siya inoperahan habang nakasuot ng wedding gown.

Kung may isang bagay man na labis niyang ikinalungkot, iyon ay dahil naglaan siya ng malaking oras at pera para sa pagpaplano, pero hindi naman naisakatuparang lahat dahil sa aksidente. Hindi nila na-enjoy ang reception.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagawan naman ng paraan ni Blake na maipalipat ang petsa ng kanilang honeymoon sa Disney World, at naituloy nila iyon makalipas ang anim na linggo.

Hindi pa nakakalakad si Mary nang maayos noong mga panahong iyon, kaya habang nasa honeymoon at namamasyal sila ni Blake ay gumagamit siya ng mobility scooter.

Sa ngayon, looking forward sina Mary at Blake na sa malapit na hinaharap ay maidaos nilang muli ang naudlot nilang wedding reception.

At sakaling matuloy, pagtitiyak ng mag-asawa, no more piggyback ride na.

Read: Bride and groom ask wedding guests to pay for the food

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pabirong sinakyan ng groom ang bride, pero hindi ng huli ang bigat kaya bumigay ang kanyang kaliwang ankle. Sa halip na sa reception at honeymoon, sa emergency room ng ospital dumiretso ang newlyweds.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results