PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Fur mom had her sick dog euthanized; why is it alive?

“I have a lot of questions, but first and foremost, I want him back with me.”
by KC Cordero
Published Jun 27, 2024
Photo of Beau and kristie
Inakala ni Kristie na patay na ang aso niyang si Beau matapos niyang pumayag na ipa-euthanize ito dahil may malalang sakit. Nagulat na lang siya nang matuklasang buhay pa ito makalipas ang isang taon, at muling ipinapa-ampon ng pet rescue organization kung saan niya ito nakuha noon. (Photos courtesy of Kristie Pereira)

Inampon ni Kristie Pereira, 32, ng Maryland, USA, noong December 2022 ang isang two-month-old male hound mix mula sa local group na Lost Dog & Cat Rescue Foundation.

Nagbayad siya ng US$450 o PHP26,449.88 para maampon lang ang tuta.

Noong time na iyon ay nasa work-from-home set-up si Kristie kaya may time din siyang mag-alaga ng pet.

Pinangalanan niya ang tuta na Beau—na ang ibig sabihin sa French ay guwapo.

Kristie and Beau in bed
Mula nang ampunin ni Kristie si Beau, hindi na sila mapaghiwalay. Photo: Kristie Pereira
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naging sobrang close sila at hindi halos mapaghiwalay.

Laging nakasiksik kay Kristie si Beau kapag nagtatrabaho siya.

Katabi rin niya ito sa pagtulog.

Isinasama rin niya ito kapag namamasyal sa labas.

Read: Golden retriever pup named Shamrock born with lime green fur

BEAU GOT REALLY SICK

Makalipas ang ilang linggo, napansin ni Kristie na parang may dinaramdam si Beau.

Dinala niya ito sa isang veterinary clinic.

Ayon sa veterinarian na tumingin sa dog, may problema ito sa mga ugat.

At batay sa resulta ng isinagawang blood tests, lumabas na may issue sa liver nito.

Niresetahan si Beau ng liver enzymes.

Photo of Beau when still a pup
Nalungkot si Kristie nang ma-diagnose si Beau na may malubhang sakit. Photo: Kristie Pereira
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinabi ng veterinarian kay Kristie na kung talagang ang sakit ng kanyang pet ay sa liver, sa pamamagitan ng mga iniresetang gamot ay makikita agad ang pagganda ng kondisyon nito.

Pero mas lalo lang lumala ang lagay ni Beau.

Nang muling dalhin ni Kristie ang alaga, hindi maganda ang naging diagnosis ng veterinarian, maging ng lead veterinarian ng clinic at ng isa pang veterinarian sa animal emergency room.

Mayroon daw severe neurological problem ang dog dahil hindi na nito makontrol ang pagdumi at hindi rin niya maitaas ang mga paa sa likuran.

At para matiyak kung iyon talaga ang sakit ni Beau, kinakailangang gumastos ni Kristie ng US$12,000 o PHP705,330.

Napakalaking halaga niyon, at nagulat si Kristie.

Nagtatrabaho siya bilang digital marketer, at mabigat para sa kanya ang mag-raise ng nasabing halaga.

Ani Kristie, handa siyang gumawa ng paraan at maghanap ng pera para lang mailigtas si Beau.

Pero sinabi umano sa kanya ng tatlong veterinarian na napakaliit ng chance na matukoy kung ano talaga ang sakit ng kanyang pet.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

At kung matuklasan man umano ng mga ito kung ano ang problema ni Beau, mas napakaliit din ng chance na magagamot nila iyon.

Read: Dog poops on live TV broadcast, shocking anchor

BEAU'S DOCTORS SUGGESTED EUTHANASIA

Ang suggestion ng tatlong veterinarians, mas humane na ipa-euthanize na lang si Beau.

Pero sinabi ni Kristie na hindi siya handa sa ganoong option, kaya inalagaan pa niya ito sa loob ng isang buwan.

Habang pinagdaraanan ni Kristie ang napakalungkot na sitwasyon, patuloy ang kanyang pakikipag-ugnayan sa staff ng Lost Dog & Cat Rescue, ang local group kung saan niya na-adopt si Beau.

Pagbabahagi niya sa panayam ng KGW8 last May 25, 2024, isang news website sa Portland, “Honestly, I mean, after I talked to them is really when I felt, you know, that I was going to be doing the right thing by putting him down.

“They really gave me that support and that encouragement that, although it’s hard, sometimes that's the best thing to do.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ilang gabing pinagpuyatan ni Kristie ang pagbabantay kay Beau—na hindi naman makatulog dahil sa nararamdaman nitong sakit.

Iniyakan niya nang sobra ang kanyang desisyong i-let go na si Beau.

Dinala niya ito sa Montgomery County Animal Services sa Derwood, Maryland, noong March 2023.

Kristie cuddling Beau
Napilitan si Kristie na ipa-euthanize si Beau dahil ayon sa mga veterinarians ay maliit ang tsansa nitong gumaling sa hindi nila matukoy na sakit. Photo: Kristie Pereira
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagbayad si Kristie ng US$15 para i-euthanize ang kanyang pet.

Sinabi sa kanya ng staff na patakaran ng shelter na bawal mag-stay ang may-ari ng pet habang isinasagawa ang proseso.

Kaya iyon na ang naging huling pagkikita nina Kristie at Beau.

Read: Woman with more than 150 cats and dogs banned from keeping pets; to pay PHP9M for damages

FUR MOM DISCOVERS BEAU IS STILL ALIVE

Lumipat si Kristie sa San Antonio at doon na nanirahan.

Noong May 2024, pumunta siya ulit sa Maryland para bisitahin ang kanyang ina.

Na-curious siyang i-check ang website ng Lost Dog & Cat Rescue Foundation, at nagtingin ng mga asong ipinapa-ampon.

Gayun na lang ang gulat niya nang makita sa website ang larawan ni Beau.

Photo of Beau now
Ang hitsura ngayon ni Beau na malusog at malaki na. Photo: Lost Dog & Cat Rescue Foundation
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mas malaki na ito ngayon, pero hindi nagbago ang kulay ng balahibo.

Ang pangalan nito ay kung ano rin ang pangalang ibinigay rito ng rescue nang ampunin niya noon—Amos Hart—na batay sa isang karakter sa musical na Chicago.

Read: Dog accidentally draws self-portrait, and it's awesome!

BEAU'S EUTHANASIA DID NOT PUSH THROUGH

Agad tumawag si Kristie sa Montgomery County Animal Services kung saan ipina-euthanize niya si Beau.

Kinumpirma ng nakausap niya na hindi natuloy ang pagpu-put down sa kanyang pet matapos umanong sabihin ng veterinarian ng Montgomery County Animal Services na hindi naman kandidato si Beau sa procedure.

Sa halip, nakipag-ugnayan umano ang mga ito sa Lost Dog & Cat Rescue at ibinalik doon si Beau.

Nang tawagan naman ni Kristie ang Lost Dog & Cat Rescue, sinabi ng nakausap niya na isinailalim si Beau sa pagsusuri ng mga veterinarians doon at natuklasang may problema nga sa liver.

Inoperahan ito at ginastusan ng US$7,000 o PHP411,442.50—na nalikom sa pamamagitan ng GoFundMe campaign.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Malusog na ngayon si Beau, kaya inihahanap na uli ng mag-aampon.

Read: Meet Fedya, a cat who looks like cartoon character

BEAU WILL NOT BE RETURNED TO FUR MOM

Ang hinanakit ni Kristie, ang mga pangyayaring ito ay hindi na ipinarating sa kanya ng Lost Dog & Cat Rescue.

Handa rin umano siyang magbayad ng PHP411,442.50 maibalik lang sa kanya si Beau.

Ilang beses siyang muling tumawag sa Lost Dog & Cat Rescue, pero walang sumasagot sa kanya.

Makalipas ang ilang araw ng pangungulit, may sumagot na sa kanyang pagtawag.

Hindi ito ang una niyang nakausap noong mag-inquire siya kung si Beau ang nasa larawan sa website.

Umiiyak na sambit ni Kristie, “The person was so rude and just disrespectful and just being really nasty towards me.”

Sinabi umano nito sa kanya na inabandona niya si Beau, at iniwan niya para mamatay.

“That I never cared about him.”

Bago umano siya nito pinagbabaan ng telepono ay sinabi pa sa kanya na hinding-hindi na ibabalik sa kanya si Beau.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Meet Bao the Chihuahua, travel and fashion vlogger

FUR MOM DID NOT ABIDE BY AGREEMENT?

Hindi kinumpirma ng spokesperson ng Lost Dog & Cat Rescue na si Chloe Floyd kung totoong sinabi iyon ng staff kay Kristie.

Ipinagtanggol naman ni Floyd ang desisyon na hindi na ibalik pa kay Kristie si Beau.

Aniya, “LDCRF does not re-home an owner-surrendered dog with its former adopter/owner.

“Our mission is to save adoptable and safe-to-the-community dogs from euthanasia.”

Kinumpirma rin niya na nakausap ng LDCRF si Kristie nang mag-inquire ito kung kailangang ipa- euthanize si Beau.

Ayon kay Floyd, nilinaw ng LDCRF kay Kristie na importante na dalhin si Beau sa isang veterinarian na papayag na nasa tabi ng pet ang owner kapag isinagawa ang euthanasia.

Kung hindi umano ito magagawa ni Kristie, nilinaw sa kanya ng LDRFC na kukunin nitong muli si Beau sakaling hindi matuloy ang procedure.

Read: Senior dog, ginigising para sa proof of life check: “Just love and spoiling until the end.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ibinunton din ng LDRFC at ng Montgomery County Animal Services kay Kristie ang sisi dahil hindi niya pinanindigan noon na isailalim si Beau sa extensive testing para matukoy kung ano talaga ang sakit nito.

Ayon naman kay Caroline Hairfield, executive director ng Montgomery County Animal Services, kailangan nilang sumunod sa nakasaad sa kontrata na kailangang ibalik sa rescue ang mga hayop na hindi kailangang i-put down.

May nilalagdaan kasing form na nagsasaad na puwede pa ring alagaan ng Montgomery County Animal Services ang pet kahit sinabi ng may-ari na i-put down na ito kung matutuklasan ng kanilang veterinary na treatable and adoptable pa ito.

Nilagdaan daw noon ni Kristie ang kontrata.

Kaya gustuhin mang ampunin muli ng fur mom si Beau, hindi siya matutulungan ng Montgomery County Animal Services dahil nasa LDRFC ang desisyon.

Hanggang ngayon ay nananatiling available for adoption si Beau batay sa website ng LDRFC.

Read: Biker's heartwarming story about giving lost puppy a home

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Inakala ni Kristie na patay na ang aso niyang si Beau matapos niyang pumayag na ipa-euthanize ito dahil may malalang sakit. Nagulat na lang siya nang matuklasang buhay pa ito makalipas ang isang taon, at muling ipinapa-ampon ng pet rescue organization kung saan niya ito nakuha noon. (Photos courtesy of Kristie Pereira)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results