PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Couple uses dead fly to avoid paying bills in restaurants

Yikes!
by KC Cordero
Published Jun 27, 2024
Dead fly on food
Kapag nangangalahati na ang mag-asawa sa pagkain ng kanilang in-order, ilalagay nila ang patay na langaw sa food at saka gagawa ng eksena. Ang ending: Waived ang bill. (Photo for illustration purposes only, courtesy of Mental Floss)

Ibinahagi ng X (formerly Twitter) user na si Udit Bhandari last June 25, 2024, ang kakaibang scam ng mag-asawang nakakilala niya sa house party ng kanyang kaibigan sa Gurugram, isang lungsod sa India.

Ayon kay Udit, "something quite disgusting” ang kakaibang modus ng middle-aged couple.

Read: 16 large pizzas ordered by woman turns out to be a prank

Pagdedetalye pa niya, nagdadala raw ang mag-asawa ng patay na langaw kapag kumakain sa mga mamahaling kainan sa Delhi at Gurugram.

“Yes, a dead fly,” diin ni Udit.

Read: VIRAL: Chinese guy eating burger packed with mealworms

Fly on food
Pag nangalahati na ang mag-asawa sa kanilang in-order na food, ilalagay na nila ang patay na langaw saka tatawagin ang atensiyon ng restaurant staff. Photo: Pest Control India
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Bride and groom ask wedding guests to pay for the food

Kapag nangangalahati na ang mga ito sa kanilang in-order na mga pagkain, ilalagay ng couple ang patay na langaw sa plato at ihahalo sa food.

Mag-iingay ang mag-asawa o gagawa ng eksena saka tatawagin ang staff ng restaurant para ipakitang may patay na langaw sa kanilang pagkain.

Ang ending: hindi na lang sila pagbabayarin ng in-order para walang iskandalo.

Read: Homeowner uses frying pan to foil burglary attempt

DEAD FLY SCAM GINAGAWA NG COUPLE “JUST FOR FUN”

Pagbabahagi pa ni Udit, ginagawa lang ng mag-asawa ang scam "just for fun.”

Sa tingin kasi niya sa couple, hindi naman naghihirap ang mga ito at mukhang nakakaluwag naman sa pera.

“They were proud to share this 'hack' for getting free meals and said have done this many, many times.”

Read: Blind dating cafe draws flak for favoring men in its set-up

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Screenshot of Udit Bhandari's tweet
Ang screenshot ng tweet ni Udit Bhandari. Photo: @GurugramDeals on X

Read: Homeless Gen Z doesn’t pay rent for being hot and pretty

NETIZENS NANDIRI SA COUPLE

Hindi naman makapaniwala at naalibadbaran ang mga nagkomento sa tweet ni Udit.

Ayon sa isang X user, mabuti na lang at wala siyang kakilala na kagaya ng couple, “I thought these types of people existed only in reel life, not real.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Paalala rin nito kay Udit, “You should start filtering your circle and the people you meet.”

Read: Bride breaks ankle after giving groom piggyback ride

Kuwento naman ng isang nagkomento, ang isa niyang kapatid na lalaki ay nagtatrabaho sa isang sikat na fast-food chain.

Marami aniyang “privileged folks” ang kumakain sa naturang fast-food at pagkatapos ay magrereklamo tungkol sa kalidad ng tinapay o ng vegetables kapag nangangalahati na rin ng nauubos sa inorder.

Pero wala sa agenda nila ang makalibre.

Ayon sa nagkomento, “They will settle it by replacing another order or providing extra meals as a policy.”

Para naman sa isa pang X user, ang mga taong gumagawa ng mga ganitong scam makalibre lang sa pagkain ay maituturing na ring mga magnanakaw.

Paglalarawan nito sa couple, posibleng hindi nga kapos ang mga ito sa pera pero kulang naman sa basic civic sense at moralidad.

Read: Negative social media comments—bakit wala lang yan sa akin

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapag nangangalahati na ang mag-asawa sa pagkain ng kanilang in-order, ilalagay nila ang patay na langaw sa food at saka gagawa ng eksena. Ang ending: Waived ang bill. (Photo for illustration purposes only, courtesy of Mental Floss)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results