PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Man wants wife to quit job; she demands half of his company

Deal or no deal?
by KC Cordero
Published Jun 29, 2024
Couple making a deal
Ang gusto ni mister ay tumigil na si misis sa pagtatrabaho at alagaan na lang ito at ang kanilang mga anak. Sabi ni misis, payag siya pero ibigay sa kanya ng mister ang 50 percent ng negosyo nito dahil marami rin siyang isasakripisyo. (Photo for illustration purposes only, courtesy of Freepik)

Ibinahagi ng Reddit user na si Status-Mention6793 ang domestic dispute niya at ng kanyang mister noong December 30, 2023.

Muli itong nag-resurface sa Internet matapos i-reshare ng India Times nitong June 24, 2024, dahil may panibagong update si Status-Mention6793.

Ayon sa kanyang original post, six years na silang kasal ng kanyang mister.

Pareho silang 35 years old, at may dalawang anak.

Kasalukuyan din siyang buntis sa kanilang pangatlong anak nang mag-post siya sa Reddit.

Nagtatrabaho si Status-Mention6793, pero hindi niya binanggit kung saang kumpanya at kung ano ang kanyang job description.

May sariling negosyo naman ang kanyang mister, na hindi rin niya binanggit kung ano.

Aniya, pinatitigil na siya ng kanyang mister sa pagtatrabaho.

Couple talking seriously
Na-disturb ang misis sa hiling ng kanyang mister na mag-stop na siya sa work at maging fulltime housewife na lang. Photo: Freepik
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gusto ng kanyang husband na mag-concentrate na lang si Status-Mention6793 sa pag-aasikaso sa kanilang buong pamilya.

Katwiran ng lalaki, can afford naman ito na mabigyan ang misis at mga anak ng magandang buhay.

Labis umano siyang na-disturb sa panukala ng kanyang husband.

Sinabi ni Status-Mention6793 sa kanyang mister makalipas ang ilang linggong matamang paglilimi, na papayag lang siya sa gusto nito kung ibibigay sa kanya ang 50 percent o kalahati ng negosyo nito.

Read: Couple uses dead fly to avoid paying bills in restaurants

WHY REDDIT USER IS ASKING FOR 50 PERCENT OF HUSBAND’S BUSINESS

Ipinaliwanag ni Status-Mention6793 ang dahilan kung bakit hinihingi niya ang 50 percent ng negosyo ng kanyang husband.

Bago sila ikinasal ay naitatag na nito ang negosyo at hanggang ngayon ay maganda ang kita.

Kung walang magiging problema sa kanilang marriage, safe siya at ang kanyang future.

Pero ang kinatatakutan ni Status-Mention6793 ay paano kung mauwi sa divorce ang kanilang pagsasama—lalo pa at sa panahon ngayon ay usung-uso ang mga couple na naghihiwalay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagulat umano ang kanyang mister sa inilatag niyang deal.

Screenshot of Reddit post
Ang screenshot ng Reddit post ni Status-Mention6793. Photo: Screenshot @Status-Mention6793 on Reddit

Ani Status-Mention6793, “But I explained further that the more I stay at home the less chance I would have to find a well-paying job should we ever divorce because I would have less merits, while he would stay making more money each year.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Dagdag pa niya, “If we never divorce, which is the goal of all marriages then it wouldn't matter.

“But should it end, it would be the price of me staying home and raising our children so he could be less worried and stressed out.”

Sinabi rin niyang mas kampante ang kanyang mister na siya ang nag-aasikaso sa kanilang mga anak kaysa dinadala ang mga ito sa daycare o nannies.

Takot aniya ang kanyang mister na mga estranghero ang nag-aalaga sa kanilang mga anak.

Nang ikuwento naman ni Status-Mention6793 sa kanyang mga kaibigan ang inilatag niyang deal sa mister, nagalit aniya ang mga ito sa kanya.

Ang kanya mismong best friend ay tinawag pa siyang “disgusting.”

Read: Bride breaks ankle after giving groom piggyback ride

REDDIT USER NAKAKUHA NG MGA KAKAMPI

Ang post ni Status-Mention6793 ay nakakuha na ng 23K reactions at 12k comments.

Karamihan sa netizens ay sumang-ayon sa kanyang deal na kung titigil na siya sa pagtatrabaho ay kailangang siguradong may kahati siya sa negosyo ng kanyang mister.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ginamit na halimbawa ng isa sa mga kumampi sa kanya ang naging karanasan ng ina nito na katulad din ni Status-Mention6793 ay pinatigil ng kanilang ama sa pagtatrabaho.

Pagbabahagi ng Reddit user na sumang-ayon kay Status-Mention6793, ang ina nito ay mid-40s at apat silang magkakapatid.

“She had been a diplomat’s wife, with all the travel, moving every two years, cocktail parties, and shmoozing that his career involved until he left her for a [surprise!] younger woman.”

Para maka-survive, nagtrabaho raw ang kanyang ina bilang waitress.

Nagsikap din daw ang ina ng Reddit user na maisingit ang pag-aaral sa kolehiyo kahit may-edad na para lang makakita ng mas disenteng trabaho na maayos ang suweldo.

Anito pa, huwag sanang magaya sa kanyang ina si Status-Mention6793, at ipaglaban ang inihain na kasunduan.

Read: Couple who died in car accident wedded via ‘ghost marriage’

Ayon naman sa isa pang nagkomento, taglay ni Status-Mention6793 ang lahat ng karapatan na magkaroon ng secure financial future tulad ng asawa nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kung hindi umano papayag si Mister, gusto lang nitong gumawa ng power imbalance para ilagay si Status-Mention6793 sa tiyak na pagkatalo kung sakaling maghiwalay sila.

Pinayuhan din ng nagkomento si Status-Mention6793 na huwag nang magkuwento sa mga kaibigan ng tungkol sa kanyang marital business dahil wala namang maitutulong ang mga ito sa kanya.

Pinaalalahanan din siya nito na kung wala siyang pakialam sa negosyo ng kanyang mister, paano kung biglang mamatay ito?

Paliwanag ng nagkomento, “It’s not just divorce that can end a marriage.”

At malaking problema umano sa isang biyudang may asawang negosyante kung hindi co-owner sa kumpanya at hindi pamilyar sa operasyon nito.

Sambit pa nito, “How many marriages divide up the work so one knows all the ins and outs of the family’s money and the other has no clue where the accounts and passwords are hidden?”

Read: Bride gets fired from job on her wedding day

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isa pang netizen ang nakisimpatya sa kanya at nagsabing reasonable ang kanyang mga binanggit na dahilan kung bakit hinihingi niya ang kalahati ng negosyo ng mister.

“You don't want to be the bitter woman finding out in her 50s that waiting tables is her only option because her professional career skills have passed their due date, and your husband has moved on.

“You don't want to be trapped in a loveless or even abusive marriage because you're financially dependent.”

Ayon pa dito, tama lang na pagdating ng panahon ay hindi siya halos manikluhod sa mister para lang sa tulong pinansyal.

Isang lalaking commenter ang nagsabing walang mali sa request ni Status-Mention6793.

Pinuprotektahan lang umano niya ang sarili at ang kanyang kinabukasan sakaling hindi maging maganda ang kalabasan ng kanilang pagsasama ng kanyang mister balang araw.

Ayon pa rito, “You have every right to have financial security.”

Sa ibinigay namang update ni Status-Mention6793, pumayag na umano ang kanyang mister sa hiling niya—at binigyan siya ng 49 percent ng negosyo nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Itay, 61; Inang, 41, nakabuo pa ng triplets

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang gusto ni mister ay tumigil na si misis sa pagtatrabaho at alagaan na lang ito at ang kanilang mga anak. Sabi ni misis, payag siya pero ibigay sa kanya ng mister ang 50 percent ng negosyo nito dahil marami rin siyang isasakripisyo. (Photo for illustration purposes only, courtesy of Freepik)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results