PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Millionaire golfer burns own house after split with wife

Para walang makinabang.
by KC Cordero
Published Jun 29, 2024
Photos of Francis McGuirk
Inamin ng professional golfer na si Francis McGuirk na sinadya niyang sunugin ang kanilang bahay para hindi iyon mapunta sa misis na si Sarah kapag tuluyan na silang naghiwalay. (Photos courtesy of @thellen72 on X)

Umuwi si Francis McGuirk sa kanyang bahay sa Sandwich, isang bayan sa Dover District ng Kent na nasa south-east England, nitong June 25, 2023.

Walang tao noon sa bahay na pag-aari nila ng kanyang misis na si Sarah.

Si Francis ay isang 50-year-old professional golfer.

Noong mga panahong iyon ay on the rocks na ang relasyon nila ni Sarah, at nasa proseso na sila ng paghihiwalay.

Mayroon silang tatlong anak na babae.

Photo of Francis McGuirk
Bago sinunog ni Francis McGuirk ay nagpadala pa siya ng mensahe sa misis tungkol sa kanyang plano. Photo: Kent Online
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nang makapasok sa loob ng bahay ay nagkulong doon si Francis.

Nagpadala siya ng voice message kay Sarah na susunugin niya ang kanilang bahay.

Sinabi rin niya sa voice message na ihahagis niya palabas ng bahay ang kanilang alagang asong si Dolly para hindi iyon madamay sa sunog.

Hindi siya nagbibiro dahil pagkatapos niyang magpadala ng mensahe, sinindihan na niya ang bahay na nasa seafront lot at nagkakahalaga ng US$1.4 million o PHP81,789,400.

Mabuti na lamang at may nakapansing mga kapitbahay, na kaagad nakatawag ng firefighters.

Read: Judge officiates wedding of criminal soon after sentencing

MILLIONAIRE GOLFER BAKIT SINUNOG ANG SARILING BAHAY?

Nademanda si Francis, at dininig ang kanyang kaso.

Sa ulat ng Kent Online, isang local news website, last June 22, sinabi ni Prosecutor Caroline Knight na nasa dinner party si Sarah nang mangyari ang insidente.

Alam umano ni Francis na sa mga oras na ginawa nito ang pagsunog sa bahay ay walang ibang tao roon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Matapos isarado ang mga pinto ay sinimulan nitong sunugin ang bahay gamit ang cooking oil.

Nang hindi agad maging successful, sinindihan naman nito ang mga sofa sa living room gamit ang lighter fluid.

Nang dumating ang mga firefighters na tinawagan ng mga kapitbahay, nakita ng mga ito si Francis na nasa labas ng nasusunog na bahay.

Kakatwa umano ang mga ikinikilos nito.

Ayaw ring magpagamot ni Francis sa mga paso nito sa katawan, at tinangka pang pumasok sa nasusunog na bahay para iligtas ang asong si Dolly.

Read: Wife pays house rent to millionaire husband

Sa testimonya ng isang bumbero na unang dumating para mag-apula sa sunog, sinabi umano sa kanya ni Francis na sinunog nito ang bahay para walang makinabang dito kapag naghiwalay na silang mag-asawa.

Bulalas umano ng pro golfer: “I didn’t want the b***h to have everything.”

Malaki ang naging pinsala sa bahay nina Francis at Sarah.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Natupok ang mga kuwarto, bagaman at naapula ng mga firefighters bago tuluyang naabo ang kabuuan ng property.

Nailigtas din ng mga ito ang family dog na si Dolly.

Read: Husband discovers wife is a male 12 days after wedding

ANG DEPENSA NG LEGAL TEAM NG MILLIONAIRE GOLFER

Sa ginawang paglilitis kay Francis, sinabi ng kanyang mga abogado sa korte na ang kanyang ginawa ay isang “genuine suicide attempt.”

Mayroon din umano siyang serious psychiatric problems dahil sa napipintong paghihiwalay nila ni Sarah.

Mula rin nang sunugin niya ang kanilang bahay, hindi na niya nakita ang tatlong anak.

Ipinagdiinan din ng kanyang legal team na isang professional golfer si Francis, at plano niyang makabalik sa paglalaro kapag natapos na ang kaso.

Francis McGuirk while playing golf
Maganda umano ang reputasyon ni Francis McGuirk, ayon sa kanyang legal team. Photo: Kent Online
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dati na siyang napabilang sa top 700 golfers sa buong mundo.

Marami ring mga kilalang personalidad ang humarap sa korte at nagpatunay na kailanman ay hindi naging public risk si Francis.

Inilarawan siya na: “had a low risk of reoffending and was essentially of previous good character.”

Read: Wife upset about engagement ring gifted by husband

BAKIT HINDI NAKULONG ANG MILLIONAIRE GOLFER?

Last June 21 ay ibinaba na ng Canterbury Crown Court ang desisyon sa kaso.

Kinatigan ng korte ang depensa ng legal team ni Francis na ang kanyang ginawa ay “genuine suicide attempt.”

Ito ay kahit kumbinsido ang judge na humawak ng kaso na sadyang sinunog ni Francis ang bahay para pasakitan ang kanyang asawang si Sarah, at nagdulot iyon ng distress sa kanilang pamilya lalo na sa kanilang mga anak.

Ayon sa judge ay ikinonsidera ang claim ng mga abogado ng nasasakdal na plano niyang kitilin ang sariling buhay nang araw na mangyari ang insidente dahil sa stress na dulot ng paghihiwalay nila ni Sarah.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“It was based on spite—that being said, culpability is affected considerably by his mental state at the time,” ayon sa bahagi ng desisyon ng korte.

Dahil doon, hindi nakulong si Francis at pinatawan lang ng suspended two-year sentence.

Pinagbabayad din siya ng PHP1,000,781.93 bilang danyos.

Gayunpaman, binalaan siya ng korte na anumang offense ang gawin niya sa loob ng dalawang taon ay sapat para idiretso na siya sa bilangguan.

Read: Senior male looks for “the one” via billboard

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Inamin ng professional golfer na si Francis McGuirk na sinadya niyang sunugin ang kanilang bahay para hindi iyon mapunta sa misis na si Sarah kapag tuluyan na silang naghiwalay. (Photos courtesy of @thellen72 on X)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results