Residente si Bharat Mistry, 56, ng Sheffield suburb sa Waterthorpe, Sheffield, United Kingdom.
Kapitbahay niya ang mag-asawang Graham at Irene Lee.
Ang mag-asawang Lee ay kapwa nasa kanilang 70s na.
Noong 2021, nagkaroon sila ng hindi pagkakasundo.
Nagulat na lang si Bharat nang “putulin” ng mag-asawang Lee ang fir tree na nasa pagitan ng kanilang properties.

Ang naturang puno na may taas na 16 feet ay 25 years nang nakatayo sa labas ng kanilang mga bahay at nagsisilbing marker na humahati sa kanilang nasasakupan.
Hindi itinumba ang puno nang putulin, at sa halip ay hinati iyon mula itaas hanggang ibaba.
Naiwang nakatayo ang bahagi ng puno na nasasakop ng property ni Bharat.
Read: Angry girlfriend runs over boyfriend who was carrying their baby
MGA IBON SA PUNO NAGKAKALAT SA BAKURAN NG MGA LEE
Sa ulat ng SWNS, isang UK news company, ang paghati sa puno ay nangyari matapos ang isang taon na dispute sa pagitan ni Bharat at ng mga Lee.
Nagalit umano ang mag-asawa dahil maraming ibon ang gumagawa ng pugad sa fir tree.
Naiiputan ng mga ibon ang kotse ng mag-asawa at ang kanilang driveway.
Ayon kay Bharat ay sobra siyang natakot nang magdesisyon ang mag-asawang Lee na putulin ang puno nang pa-vertical.
Hambal na hambal umano silang mag-anak habang pinapanood kung paano tinatabas ng mga tree surgeons ang puno.
Ani Bharat, sobra-sobra ang naging pakiusap niya sa mag-asawang Lee na huwag na lang galawin ang puno.
“But their mind was made up. That tree was coming down.”
Read: Millionaire golfer burns own house after split with wife
25 YEARS NA ANG PUNO, BAKIT KAILANGANG HATIIN?
Kumbinsido naman si Bharat na karapatan ng mga Lee na tanggalin ang anumang bagay na nakaka-distract sa property ng mga ito.
Nasa tatlong piye ng puno aniya ang nakayungyong sa property ng mga Lee.

Pero himutok niya, “But you have to ask, why after 25 years would you do that?”
Paliwanag pa niya, mataas ang puno at ang pinakamababang sanga nito ay may taas na eight feet.
Pinuputol din niya noon ang ibang sanga na mababa para lang hindi gawing issue iyon ng mga Lee.
Nakakaalis aniya ang sasakyan ng mga ito nang walang sagabal.
Nagmungkahi rin siya noon sa mga ito na lalagyan na lang niya ng net ang bahagi ng punong nakayungyong sa solar ng mga Lee para hindi na mapamugaran ng mga ibon.
Noong una ay pumayag daw ang mga Lee.
Ipinakorteng bola rin ni Bharat ang puno para mas madaling lagyan ng net.
Gayunpaman, may mga ibon na nagawa pa ring makapamugad sa puno.
Doon na aniya nagsimulang magmarakulyo muli ang mga Lee—lalo na si Graham.
“He started off by putting black bin liners in the tree to stop the birds sitting there.”
Kalaunan, ipinahati na nga nito ang puno.
Read: Couple uses dead fly to avoid paying bills in restaurants
INVASION OF PRIVACY
Para kay Bharat, nakalulungkot tingnan ang hitsura ngayon ng fir tree.
“The tree has been there for so long and it’s a really pretty tree.
“We’ve had a lot of people walking past to look at it, people you can just tell have come out of their way to walk their dog on a different route to have a look.
“People have stopped to take pictures, there has been a lot posted on social media.”
Bagaman at nauunawaan niya ang ginawa ng mga Lee, ani Bharat, “It does feel a bit like an invasion of privacy.”
Read: Homeowner uses frying pan to foil burglary attempt
HINATING PUNO NAGING TOURIST ATTRACTION
Makalipas ang tatlong taon, marami ang bumibisita sa Waterthorpe para tingnan ang fir tree na hinati sa gitna.
Mahusay ang mga tree surgeons na nagsagawa ng proseso dahil talagang hindi na muling tumubo ang kalahati ng puno.
Naging tourist attraction na ito sa Google Maps at nakakatanggap ng maraming reviews.
Isang reviewer ang nagbigay sa fir tree ng three-star rating.

Ayon sa nag-review, “The story was also over the news and was interesting to visit the location and see the news turn into real life.
“Google street view is not updated since 10 years ago, so you can actually see the original tree before it was cut off.
“Not worth driving a long distance, but if you were nearby, it’s worth paying a visit.”
Read: Homeless Gen Z doesn’t pay rent for being hot and pretty
MAGKAPITBAHAY HINDI NA NAG-USAP MULI
Nang mag-trending sa social media ang fir tree ngayong week na ito, hiningan ng local media ng pahayag sina Bharat at ang mag-asawang Lee.
Walang sinuman sa magkabilang panig ang nagpaunlak ng panayam.
Ayon naman sa kanilang mga kapitbahay, hindi na nagkasundo ang dalawang panig mula nang maging international news ang kanilang naging feud.
Anila, ang nangyari sa kanilang dalawang kapitbahay ay very funny—lalo na ang ginawa ng mga Lee na pagputol sa kalahati ng puno.
Ayon sa isang residente sa lugar, “I think now it’s like a landmark. You get all the walkers coming round and they all come onto the street for a look. They go up to it and take photographs.
“Even when houses have gone for sale, they’ve used it as a directional tool and said, ‘It’s near that half tree.’ It’s become famous, so they may as well keep it like that now.”
Read: Silver necklace stops bullet, man survives gunshot
HINATING PUNO NAGING MEME
Ibinahagi naman ng isa pang kapitbahay na sa kabila ng hidwaan nina Bharat at ng mag-asawang Lee, nananatiling mabuting tao ang mga ito sa kanila.
Ikinuwento rin nito na dating malapit sa isa’t isa ang dalawang pamilya, na nagkalamat lang ang relasyon dahil sa puno.

Nauunawaan umano nito ang dalawa—gusto ng isa ng magandang puno, at ang gusto naman ng isa ay malinis na kotse at driveway.
“They both keep their gardens nice, so you can understand both of their standpoints.
“But when you go past, they both wave to you, they’re both nice people.”
Ang photo ng hinating puno ay ipinadala ng anonymously sender sa isang TV channel—at mula noon ay naging memes sa social media lalo na kung tungkol sa hatian ang topic.
Read: Arnon Guinto of Tarlac, National Geographic Society awardee
