Hindi alam ng 90-year-old Chinese woman na nakilala sa pangalang Granda Qin na araw-araw ay nasa panganib pala ang kanyang buhay dahil sa ginagamit niyang hammer o martilyo.
Residente siya ng Xiangyang sa probinsiya ng Hubei sa China.
Read: Millionaire golfer burns own house after split with wife

Read: Dead body floating in pond just a napping drunk man
Kuwento niya sa local Chinese reporters, minsang nagtatrabaho siya sa kanyang farm ay nakita niya ang kakaibang metal na may hawakang kahoy.
Inisip niyang isang improvised hammer iyon, kaya dinampot niya at iniuwi sa kanyang bahay.
Read: Couple uses dead fly to avoid paying bills in restaurants

Read: Fur mom had her sick dog euthanized; why is it alive?
Mula noon, ginamit na ni Grandma Qin ang napulot na metal bilang pampukpok ng anumang matigas na bagay—mula sa pagbibiyak ng mga nuts at pandikdik ng red pepper hanggang sa pagbabaon ng mga pako.
Read: Homeowner uses frying pan to foil burglary attempt
HAMMER NI GRANDMA ISA PALANG GRENADE
Noong kalagitnaan ng June 2024, isang team ng mga kalalakihan na nag-aayos ng bahay ni Granda Qin ang nakapansin sa nakakalat na “hammer.”
Isa sa mga manggagawa ang naka-recognize na isang granada ang ginagamit ng lola na martilyo.
Read: Carer looks after old man for 12 years; inherits 5 flats

Read: Couple who died in car accident wedded via ‘ghost marriage’
Ipinagbigay-alam nila iyon sa pulisya.
Nang siyasatin ng mga pulis, napatunayang isa ngang granada ang pampukpok ni Granda Qin.
Naobserbahan din ng mga pulis na dahil matagal nang ginagamit ang grenada bilang martilyo, makintab at very smooth na ang kahoy na hawakan nito.
Ang metallic part naman na mismong granada ay puno na ng dents dahil sa araw-araw na paggamit ni Grandma Qin.
Read: Employee takes home pay for 20 years doing nothing; sues company
GRENADE 20 YEARS GINAMIT NG LOLA BILANG HAMMER
Ayon sa mga pulis, tila araw-araw na nakikipagsugal si Grandma Qin sa tuwing ginagamit nito ang granada bilang martilyo.
Sa video na lumaganap sa social media platform na Weibo sa China simula noong June 23, at nai-upload din sa YouTube noong June 25, makikita ang lola na casual lang na nagkukuwento kung paano niya ginagamit na pampukpok sa lahat ng bagay na kinukutingting niya ang inakala niyang improvised hammer.

Read: Story about dad bringing late son’s girlfriend to prom goes viral anew
Idinetalye naman ng special unit mula sa Huangbao Police Station na ang pampukpok ni Grandma Qin ay isang hand grenade na ang modelo ay Chinese Type 67.
Napag-alaman ding 20 years na pala itong ginagamit ng lola.
Read: Boyfriend ayaw ilibre ng food ang family ng girlfriend, tinawag na ungrateful
LIVE PA ANG GRENADE, GRANDMA SUWERTENG HINDI NASABUGAN
Naging mainit na paksa ng talakayan sa Weibo ang hammer ng lola.
May mga nagsabing kaya hindi pumutok ang granada kahit laging ginagamit ni Grandma Qin ay dahil isa lang itong training grenade.
Kapareho umano ito ng tunay na granada, pero hindi kargado ng mga pampasabog kaya safe na ipampukpok.
Pinabulaanan naman ito ng special unit na nag-retrieve ng granada.
Totoong granada umano ang pampukpok ni Grandma Qin—at sa katunayan ay live pa.
Pinasabog na rin nila ito para hindi na maging sanhi ng anumang aksidente.
Sinabi rin ng special unit na masuwerte ang lola na hindi iyon sumabog sa panahong ginagamit ito bilang pampukpok.
Sa ginawang pagsusuri sa granada ay natuklasan ding naka-expose na ang pin nito.
Kung nagkataon umano na nakatuwaan ni Grandma Qin na hilahin ang pin, napakalaki ng posibilidad na sumabog iyon.
Komento ng isang netizen, “Apparently, even hand grenades have principles and won’t explode on kind-hearted elderly people.”
