PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Online gamer flies to confront and violently attack fellow gamer

“Weird one”
by KC Cordero
Published Jul 4, 2024
Photo of Edward kang
Nagbiyahe si Edward Kang mula New Jersey papuntang Florida, at pinasok ang bahay ng kalaro at pinalo ito ng martilyo. Dispute sa online game ang tinitingnang anggulo ng mga imbestigador. (Photos courtesy of 10TV, ArcheAge)

Online gamer mula sa Newark, New Jersey, ang 20-year-old na si Edward Kang.

Noong June 22, 2024, bumiyahe siya sakay ng eroplano papuntang Jacksonville, Florida.

Read: 5 fishermen die after drinking content of floating bottles at sea

Photo of Edward Kang
Ang larawan ni Edward Kang na inilabas ng mga awtoridad. Photo: Screenshot at 10TV
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: MMA fighter loses fight, also in love after GF rejects proposal

Ang kanyang pakay—komprontahin ang isang nakakalaro sa online game.

Ngunit hindi ordinaryong komprontasyon ang nangyari.

Nauwi iyon sa isang krimen.

Ang insidente ay ibinahagi ng news website na 10TV last June 26.

Read: Tree cut into half by angry neighbor now a tourist attraction

ONLINE GAMER NAPATUNAYANG NAGPUNTA SA FLORIDA

Sa isinagawang pagsisiyasat ng mga imbestigador, napag-alamang nagpaalam si Edward sa kanyang parents na may bibisitahin lang siyang kaibigan sa Florida.

Nadetermina sa imbestigasyon na sumakay siya sa isang hailing service cab mula sa airport sa Jacksonville at nagpahatid sa isang hotel sa Fernandina Beach noong June 22.

Batay naman sa mga resibong nakuha ng mga imbestigador kay Edward, pagdating niya sa Jacksonville ay bumili siya ng isang hammer at flashlight sa isang hardware store.

Read: Angry girlfriend runs over boyfriend carrying their baby

ONLINE GAMER INATAKE NG MARTILYO ANG BIKTIMA

Noong June 24, bandang alas dos ng madaling araw ay nakatanggap ang mga awtoridad ng 911 call.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nang dumating sila sa bahay ng tumawag, nakita nila ang maraming patak ng dugo sa entrada ng bahay at maging sa kuwarto ng biktima.

Ang intruder ay walang iba kundi si Edward.

Read: Employee rants about lack of work-life balance in corporate job

Sa obserbasyon ng 911 team, nakapasok ang online gamer sa bahay ng biktima sa pamamagitan ng isang hindi naka-lock na pinto.

Nakasuot siya ng pang-itaas at pang-ibaba na pawang kulay itim.

Naka-gloves din siya at maskara.

Sa salaysay ng biktima na hindi na pinangalanan at tinatayang kasing-edad ni Edward, napahinto umano ito sa paglalaro ng video games nang makitang may nakatayo malapit dito at nakaambang papaluin siya ng martilyo.

Read: Man wants wife to quit job; she demands half of his company

The weapon that Edward Kang used
Ang martilyo na ginamit ni Edward Kang sa pag-atake sa biktima. Photo: Screenshot at 10TV
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Millionaire golfer burns own house after split with wife

Tinukoy niyang si Edward ang pumalo sa kanyang ulo.

Nagising ang stepfather ng biktima dahil sa malakas na sigaw nito ng paghingi ng saklolo.

Pagdating nito sa scene of the crime, nakita ng stepfather na gumagapang sa sahig ang biktima habang nasa ibabaw nito si Edward.

Nagawa ng stepfather na maagaw kay Edward ang martilyo, at napigilan ito hanggang sa dumating ang 911 team.

Matindi ang mga sugat sa ulo ng biktima. Agad itong isinugod sa emergency para lapatan ng lunas. Idineklara namang ligtas na ito sa panganib.

Read: Dead body floating in pond just a napping drunk man

BIKTIMA NAKILALA Ni EDWARD SA ISANG ONLINE GAME

Napag-alaman ng mga imbestigador na nakilala ni Edward ang kanyang biktima online sa pamamagitan ng paglalaro ng fantasy video game na ArcheAge.

The game that Edward and his victim used to play
Ang skin ng online game na nilalaro nina Edward Kang at ng kanyang biktima. Ito ang naging ugat ng krimen. Photo: ArcheAge website
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Couple uses dead fly to avoid paying bills in restaurants

Ang naturang online game ay nakatakda nang tuluyang i-shutdown ngayong July ang North America at maging ang European servers dahil sa patuloy na pagbaba ng number of users.

Nang tanungin naman si Edward ng mga imbestigador kung bakit kinailangan pa nitong bumiyahe nang malayo para lang manakit ng kalaro online, ang tanging naging sagot umano nito ay: “He's a bad person online.”

Para sa mga imbestigador, ang naging kasagutan ng online gamer ay “weird."

Read: Negative social media comments—bakit wala lang yan sa akin

EDWARD KINASUHAN, AYAW MAKIPAG-COOPERATE SA IMBESTIGASYON

Sinampahan na si Edward ng kasong second-degree attempted murder and attempted burglary.

Hindi siya nakikipag-cooperate sa imbestigasyon, at hanggang ngayon ay hindi pa siya kumukuha ng abogado.

Hindi rin siya pinayagang magpiyansa.

Pero nagtanong umano siya sa isa sa mga imbestigador kung gaano kaya katagal makukulong ang isang pumasok sa bahay at nang-assault.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sagot umano rito ng napagtanungan, hindi nito masasabi kung gaano katagal—pero ang tiyak—matatagalan ang online gamer bago makapaglarong muli ng video games.

Read: Fur mom had her sick dog euthanized; why is it alive?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagbiyahe si Edward Kang mula New Jersey papuntang Florida, at pinasok ang bahay ng kalaro at pinalo ito ng martilyo. Dispute sa online game ang tinitingnang anggulo ng mga imbestigador. (Photos courtesy of 10TV, ArcheAge)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results