PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Hairstylist with ball-like fingertips, famous for scalp massage

Her rare condition has turned into an income-generating skill.
by KC Cordero
Published Jul 10, 2024
Shogo Yoshida showing his fingertips and doing a scalp massage to a client
Kinukutya noon si Shogo Yoshida dahil sa kanyang mga daliri na ang dulo ay parang bola ng ping-pong. Nag-aral siyang maging hairstylist, hanggang sa matuklasan ng kanyang mga customers na nakaka-relax ng scalp ang massage ng kanyang kakaibang mga daliri. (Photos courtesy of @bachiyubisan on X)

Ipinanganak si Shogo Yoshida ng Nagoya, Japan na may rare genetic condition na pachydermoperiostosis (PDP) kaya lumobo ang dulo ng kanyang mga daliri na kasing-laki ng bola ng ping-pong.

Shogo Yoshida showing his fingertips
Dahil sa kanyang rare condition, lumobo na parang bola ang dulo ng mga daliri ni Shogo Yoshida. Photo: Screenshot @bachiyubisan on X
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagsimula siyang mag-viral sa iba’t ibang social-media platforms sa Japan noong late 2022 nang ibahagi niya sa X (formerly Twitter) ang mga larawan ng kanyang depormadong mga daliri.

Umani ang kanyang posts ng pangungutya.

May mga netizens na nagalit din at nag-akusang ginagamit niya ang disability para lang kumita ng pera sa social media.

Read: Young woman admits relationship with 7 pensioners for money

NASANAY NANG KINAKANTIYAWAN DAHIL SA KAKAIBANG KONDISYON

Balewala kay Shogo ang mga ganitong pambabatikos.

Mula kasi nang ma-diagnose siya na may pachydermoperiostosis, nasanay na siyang inaaglahi ng mga tao sapul pagkabata.

Noon kasi ay hindi siya isinasali ng kanyang mga kababata sa paglalaro dahil sa kanyang mga kakatwang daliri.

The left arm of Shogo Yoshida
Tinanggap ni Shogo Yoshida nang maluwag sa kalooban ang kanyang kondisyon. Ginawa rin niyang instrumento ang sarili para magpalaganap ng awareness tungkol sa pachydermoperiostosis. Photo: Screenshot @bachiyubisan on X
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Habang lumalaki si Shogo, nakagawa siya ng paraan magkaroon ng positibong epekto ang para sa iba ay abnormalidad niya.

Naisip niyang magpalaganap ng awareness tungkol sa kanyang rare condition gamit ang social media, at mag-promote ng inclusivity para sa mga kagaya niyang may deformity.

Paliwanag niya sa isang bumatikos sa kanyang mga uploaded videos, katulad din lang siya ng mga model na ginagawa namang puhunan ang kanilang kagandahan.

Isa lang aniya itong aspeto ng kanyang individuality.

Read: Employee calls in sick then bumps into boss on plane

CHANGING THE WAY HE SEES HIS DEFORMITY

Sa isang panayam kay Shogo ng Oricon Magazine, isang weekly publication sa Japan, sinabi niyang may pachydermoperiostosis rin ang kanyang brother.

Una niyang naobserbahan ang mga sintomas ng kanyang condition noong elementary siya.

Napansin niyang unti-unti nang lumalaki ang dulo ng kanyang mga daliri.

Pero nang sumapit na siya sa puberty age, doon na naging drastic ang paglobo ng dulo ng mga daliri ni Shogo.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Make-up artist goes viral for transforming grandpa into a hottie

Noong una ay ikinahihiya at itinatago niya ang mga iyon.

Pero pinag-aralan niyang tanggapin ang condition, at hindi ito tratuhin na kahinaan.

Noon na siya nagsimulang mag-post ng photos sa social media, at nabawasan ang pagiging self-conscious.

Read: UFO on highway stopped by traffic enforcers for violations

DREAMS OF BECOMING A HAIRSTYLIST

Pagsapit ni Shogo sa junior high school, nakapasok siya sa isang hair salon.

Nang makita ang ginagawa ng mga hairstylist doon, biglang-bigla ay naisip niyang iyon din ang gusto niyang maging trabaho.

Pero naging malaking hamon sa kanyang pangarap ang mga dulo ng kanyang daliri.

Hindi magkasya sa kanyang mga kamay ang gloves na ginagamit ng mga hairstylist.

Hindi rin niya mahawakan nang maayos ang gunting, maging ang curling rod.

Read: Online gamer flies to confront and violently attack fellow gamer

MAY NATUKLASANG IBANG SKILL BILANG HAIRSTYLIST

Imbess panghinaan ng loob, hindi sumuko si Shogo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-apply pa rin siya sa isang salon.

Mahirap man, siya ang nag-adjust sa mga gamit para mahawakan ang mga iyon ng kanyang mga daliri.

Hanggang sa matuklasan niya ang kakaibang skill gamit ang kanyang mga daliri.

Aniya sa panayam ng Oricon Magazine, “Even when I was an assistant at a hair salon, I was often complimented on how good my head massages felt.

“Also, people could easily recognize me, like, ‘That guy who has those fingers,’ or ‘He’s good at massages.’”

Read: MMA fighter loses fight, also in love after GF rejects proposal

Dahil sa husay niya sa pagmamagmasahe ng scalp gamit ang mga daliri, dumami ang kanyang mga suki.

Patok ang kanyang very relaxing scalp massage.

Shogo massaging a customer
Secondary na lang para sa mga clients ni Shogo Yoshida ang pagpapaayos ng buhok. Ang target talaga ng mga ito ay mamasahe ng kanyang mga kakaibang daliri ang kanilang scalp dahil sadyang nakaka-relax. Photo: Screenshot @bachiyubisan on X
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Hammer used by grandma for 20 years actually a live grenade

Mula sa pagiging assistant ay naging full-fledged hairstylist si Shogo.

“Even now that I’m a haistylist, it’s a big advantage that people can remember me because of my physical characteristics.”

Mas lalo niyang napakinabangan ang social media nang mahasa na siya sa pagiging hairstylist.

Nag-a-upload din siya ng videos kung paano niya binibigyan ng relaxing scalp massage ang kanyang mga kliyente.

May mga content din siya tungkol sa nail art para sa malalaki at malalapad niyang kuko.

Read: Tree cut into half by angry neighbor now a tourist attraction

Shogo Yoshida's nails with different designs
Para maging fun ang hitsura ng kanyang mga kuko, nilalagyan sila ni Shogo Yoshida ng iba't ibang nail designs. Photo: Screenshot @bachiyubisan on X
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod dito, nagbebenta rin siya ng mga merchandize, gaya ng keychain tampok ang kanyang mga daliri.

Gayunpaman, kahit marami na siyang followers, hindi pa rin aniya nawawala ang mga bumabatikos sa kanya.

Pero dedma na lang si Shogo.

Isa na kasi siya ngayon sa most sought-after hairstylists sa Nagoya.

At laging mahaba ang pila ng mga gustong magpamasahe sa kanya ng kanilang scalp—salamat sa kanyang mga kakaibang daliri.

Read: Angry girlfriend runs over boyfriend carrying their baby

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kinukutya noon si Shogo Yoshida dahil sa kanyang mga daliri na ang dulo ay parang bola ng ping-pong. Nag-aral siyang maging hairstylist, hanggang sa matuklasan ng kanyang mga customers na nakaka-relax ng scalp ang massage ng kanyang kakaibang mga daliri. (Photos courtesy of @bachiyubisan on X)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results