Si Tang Shangjun, 36, ang itinuturing na “China’s most stubborn man.”
Simula noong 2009, sinubukan na niyang kumuha ng national college admission exam para makapag-aral sa prestihiyosong Tsinghua University sa Beijing.
May reputasyon ang Tsinghua University sa pagkakaroon ng sobrang taas ng required score sa admission exam, kaya ang mga gustong mag-aral dito ay parang dumaraan sa butas ng karayom.
Read: Student punches teacher in the face during graduation

Sa kabuuan, nasubukan na ni Tang na mag-take ng admisison exam 16 times sa loob ng magkakasunod na 16 years.
Pero hindi pa rin siya nakakapasa hanggang ngayon.
Read: Meet MrBeast, first YouTuber to have 300 million subscribers
Tang Shangjun's scores
First take
Nang unang sumubok si Tang noong 2009, nakakuha lang siya ng napakababang 372 points out 750 questions.
Hindi siya sumuko.
Nag-review siya nang todo para makakuha ng mas mataas na score—pero hindi pa rin siya nagtagumpay hanggang 2015.

Laging miserable ang kanyang nakukuhang score.
BETTER SCORE ON HIS SEVENTH TAKE
Pagsapit ng 2016, nakakuha siya ng magandang 625 points.
Ang puntos na ito ay maituturing ng napakataas kung sa mga unibersidad sa kanyang probinsiya sa Guanxi siya mag-aaral.
Pero dahil Tsinghua University ang kanyang dream university, ayaw niyang mag-aral sa iba.
At kahit naman maganda na ang kanyang score, hindi pa rin ito sapat para makapag-enroll siya sa Tsinghua University.
Kaya balik ulit si Tang sa pagre-review.
Read: Skinny woman who weighs 25 kilos wants to lose more weight
SCORE MUCH HIGHER BUT NOT QUALIFIED or dream course
Noong 2019 ay naitala ni Tang ang pinakamataas niyang national college admission exam nang makakuha siya ng 649 points out of 750.
Pasok na siya sa pamantayan ng Tsinghua University.
Pero may problema pa rin.
Ang kanyang score ay hindi naman sapat para sa dalawang majors na gusto niyang kunin sa Tsinghua University—ang physics at chemistry.
Kaya hindi muna siya nag-enroll, at sa halip ay nagplanong kumuhang muli ng exam para ma-qualify sa kanyang dream course, na gusto niyang i-pursue sa kanyang dream university.
At dahil ayaw niyang isuko ang dream na makapag-aral sa Tsinghua University, nabansagan siya bilang “China’s most stubborn man.”
Read: Stolen pup found by real owner on Facebook after 7 years
lower scores
Sa kasamaang palad, sa mga sumunod na taon ay hindi na naman maganda ang mga naging resulta ng exam ni Tang.
Nang lumaganap ang balita tungkol sa kanyang pagpupumilit na makapasok sa Tsinghua University, may mga nagsabing nag-peak na siya nang makakuha ng 649 points.
Bumaba na ulit umano ang mga puntos niya dahil sa kanyang edad, at posibleng unti-unti nang humihina ang kanyang memorya kaya hindi na siya makakuha ng mas mataas pang score.
Read: Lumad Schools: Isang masalimuot, malungkot na kuwento
TANG SHANGJUN considers enrolling in another UNIVERSITY
Sa wakas, noong isang taon ay nagdesisyon na si Tang na sa Central China Normal University sa Hubei, China, na mag-aral.
Goal niyang mag-double major sa physics and chemistry.
Ang problema, ang naging score niya sa national college admission exam ay nasa 594 lang.
Ang physics and chemistry majors sa Central China Normal University ay napunan agad ng mga applicants na nakakuha ng at least 608 points.
Sa isinagawang national college admission exam noong 2023 sa China, si Tang ay nasa 6,000 puwesto mula sa 460,000 takers.
Hindi pa ito sa buong China kundi sa Guangxi Zhuang autonomous region lang na siyang may sakop sa kanilang lugar.
Read: Australian airport hires staff member with Down syndrome
TANG SHANGJUN's 16th try
Sa panayam kay Tang ng China Daily, sinabi niyang devastated siya sa 2023 score niya, pero pinaninindigan niya ang pagiging China’s most stubborn man kaya muli siyang kumuha ng exam ngayong 2024.
Ito ang kanyang ika-16 na take.
Nakapagtala si Tang ng 600 points, pero hindi na naman sapat para makapag-aral siya ng physics o chemistry sa prestihiyosong university sa China.

Sa isa pang panayam sa kanya, sinabi ni Tang na ngayong 36 years old na siya, na-realize niyang kahit makapasok siya sa Tsinghua University at makapag-enroll sa kursong gusto niya, dahil sa kanyang edad ay mababa na rin ang chance niyang makakita ng magandang trabaho pagka-graduate niya.
Aminado siyang mas kukunin ng mga kumpanya ang mga new graduates na nasa kanilang early 20s pa lang.
Sakali mang mag-enroll ngayon si Tang kahit sa ibang university, makatapos man siya, nasa 40s na ang edad niya.
Read: Valedictorian confesses love for crush in graduation speech
FAILURE ANG MADALAS NA NAPAPALA NG MGA STUBBORN
Sa pag-aanalisa sa sitwasyon ni Tang, sinabi ni Xiong Bingqi, director ng 21st Century Education Research Institute sa China, hindi tama na ang naging pamantayan nito ng tagumpay ay ang makapasok sa pinakaprestihiyosong university sa bansa.
Inisip umano ni Tang na ang pagiging produkto ng Tsinghua University—kung sakali—ay magkakaloob sa kanya ng magandang buhay.
Sambit ni Xiong, “But life has many ways to be successful.”
Pagbibigay-diin pa niya sa naging pag-uugali ni Tang, “Stubbornly pursuing a goal beyond one’s ability sometimes leads to failure.”
Read: UP Cebu summa cum laude Jethro Modequillo's speech goes viral
TANG NAGHAHANAP MUNA NG STABLE JOB
Samantala, sa nakalipas na 16 na taon habang hindi siya nag-aaral, naghanap ng kung anu-anong trabaho si Tang para masuportahan ang sarili at ang kanyang parents.
Pero panahon na raw para magpokus siya sa paghahanap ng mas stable na trabaho kaysa ubusin ang kanyang oras at energy sa pagsisikap na makapasok sa kanyang dream university.
Hindi pa niya sinasabi kung may plano siyang kumuha ulit ng national college admission exam pagsapit ng 2025.
Read: Hairstylist with ball-like fingertips, famous for scalp massage
