Naantig ang puso ng isang customer nang manakawan ng cellphone ang kanyang suking barbero.
Nanakaw ang smartphone ni Sonu, isang barber sa Ghaziabad, Uttar Pradesh, India, nitong unang linggo ng July 2024.
Ang tunay na pangalan ni Sonu ay Ghaziabad Ka Aalim Hakim.
Tinawag lang siyang Sonu dahil iyon ang nickname sa kanya ng mga suki niya sa Sonu Kings Salon.
Para magkaroon si Sonu ng bagong smartphone, nag-initiate ang naturang customer na mangalap ng pondo sa Milaap, isang crowdfunding app sa India.
Read: Customer hindi nasiyahan sa haircut, ginupitan ang barbero

Read: Barber shop na maraming customer na panot, may kakaiba palang aktibidad
Target ng customer ni Sonu na makalikom ng 15,000 Indian Rupees o PHP10,500 para mabilhan siya ng smartphone.
Para mahikayat ang mga tao na magkaloob ng donasyon para sa barber, nagpagawa pa ang customer ng T-shirt na may naka-print na QR code na direktang naka-link sa donation page.
Read: Teenage Pinoy-Canadian barber, milyonaryo ang mga suki sa Toronto
QR CODE SA T-SHIRT PARA SA FUNDRAISING NG BARBER, IBINAHAGI NG ISANG X USER
Nakita naman ng X (formerly Twitter) user na si Pooja Sanwal ang customer ni Sonu habang suot ang T-shirt.
Kinunan ni Pooja ng picture ang customer habang nakatalikod para ma-capture niya ang QR code.
Ini-upload niya ang photo sa kanyang X account noong July 16.
Nilagyan niya iyon ng caption na, published as is: “Spotted this guy in CP today (the QR code opens a fundraiser for his barber).”
May crying emoji pa iyon sa huli.

Ang “CP” naman na binanggit niya ay ang Connaught Place sa New Delhi.
Nagdagdag pa si Pooja ng ilang screenshots matapos niyang ma-scan ang QR code at mabasa ang nilalaman ng fundraiser page.
Hiling pa niya sa mga makakabasa ng kanyang tweet: “Read the complete story!”
Read: Jericho Rosales recalls pain of closing down barbershop, letting go of employees
BARBER NAPAKABUTING TAO, AYON SA CUSTOMER
Batay sa description ng customer ni Sonu sa Milaap: “My barber's phone got stolen, and I want to help him get a new one.
“He's a kind soul who never talks to anyone rudely and listens to everyone's problems without judgment.
“I really want to make him smile again, so I'm raising this fund to gift him a new phone.”
Dagdag pa ng customer, na-e-enjoy rin niya ang playlist ni Sonu kapag nagpapagupit siya rito.
Kaya ang plano niya, “From Kumar Sanu to Honey Singh, his playlist was pure gold, and I will download all his favorite songs to his new phone.”
Read: Woman finds out she's invited to wedding to babysit guests’ kids
PHONE COMPANY NAGBIGAY NG BAGONG SMARTPHONE SA BARBER
Nag-viral ang tweet ni Pooja.
Nakarating sa kaalaman ng manufacturers ng Nothing Phone ang fundraising na isinasagawa ng customer para sa paborito nitong barber.
Ang Nothing Phone ay isang British consumer electronics manufacturer na naka-base sa London.
Itinatag ito ni Carl Pei, ang co-founder ng Chinese smartphone maker na OnePlus.
May market ito sa buong mundo, pero mas popular sa India.
Sa isang makahaplos-pusong pangyayari, matapos mag-viral ng tweet ni Pooja, last July 17, 2024 ay nag-reply si Akis Evangelidis, ang co-founder and Head of Marketing ng Nothing Phone.
Ani Akis, “Gotta respect my man for looking after his barber. Let's find this guy and give him a phone.”
Matapos namang mag-comment ni Akis, agad hinanap ng staff ng kumpanya si Sonu.
Sinorpresa ito ng kumpanya ng bagong Nothing Phone 1, na nagkakahalaga ng 30,000 Indian Rupees o PHP20,943.35.

Ibinahagi rin ng Nothing India sa official X account nito ang larawan ni Sonu habang hawak ang bagong smartphone.
Nilagyan iyon ng caption na: “I'm not crying, you are. Here's Sonu with his new phone.”
Ang tweet ay nakakuha na ng 344K views, 4.5K reactions, 188 comments at 463 repost.
Read: "China’s most stubborn man" fails college admission test 16 times
MGA LALAKI LAGING LOYAL SA KANILANG BARBER
Tuwang-tuwa naman ang netizens sa magandang resulta ng effort ng customer ni Sonu.
Reply ng isang nagkomento sa tweet ng Nothing India, “Things like these make you fall in love with internet every day.”
Komento ng isa pa, “Man might not be loyal to his girlfriend but is definitely loyal to his barber.”
May mga nag-reply din ng memes na nagpapakita ng sobrang sayang reaction ni Sonu habang nakikinig sa kanyang playlist.
Ayon naman sa isa pa, ang naging gesture ng customer ni Sonu at ng phone manufacturer ay hindi lang naghahatid ng saya at nagpapakita ng gratitude.
Binibigyang-diin din umano ng pangyayaring ito ang power of generosity para mapalawig ang makabuluhang koneksyon sa pagitan ng mga brand, ng mga customer, at ng mga community.
Read: Meet MrBeast, first YouTuber to have 300 million subscribers
