Isang “egg experiment” ang biglang naging popular sa social media kamakailan.
Kabilang ang digital creator na si Yana Kuzmich, na may handle na @awesome_motherhood sa Instagram, sa maraming social-media users na nagbahagi ng video kung saan sinubukan niya ang naturang experiment.
Ang mga materyales na kailangan ay isang hilaw na itlog ng manok, toothpaste, at aluminum foil.
Sa video ay makikita si Yana na naglagay ng isang itlog sa bowl at pinahiran ito ng toothpaste.

Nanonood naman ang kanyang anak na lalaki, na tumulong pa sa paglalagay ng toothpaste sa itlog.
Matapos mapahiran ng toothpaste ang buong itlog, kumuha siya ng aluminum foil at itinakip sa bowl.
Nilagyan iyon ng label na 24 hours.
Ibig sabihin, ganoon katagal ang experiment.
Sa huling bahagi ng video ay iba na ang bihis nina Yana at ng kanyang anak. Ibig sabihin, nakalipas na ang 24 hours.
Ano kaya ang resulta ng experiment?

Nang tanggalin ang aluminum foil sa bowl, dinampot ng anak ni Yana ang itlog, na naging jelly egg.
Nawala na ang balat, naging transparent, at kitang-kita ang egg yolk.

Tuwang-tuwa ang bata at pinaglaruan ang jelly egg.
Nai-upload ni Yana ang video noong April 18, 2024.
Nakakuha ito ng 354,581 likes, at 30 million views.
Read: Cebu personality issues apology over misgendering controversy
SCIENCE EDUCATORS: FAKE ANG RESULT NG EGG-AND-TOOTHPASTE EXPERIMENT
Gaano katotoo na nagiging jelly ang itlog kapag pinahiran ng toothpaste ang balat?
Sa panayam ng Fox News Digital noong July 22, 2024 kay Jennifer Mencias-Munoz, isang health science educator sa Children's Museum sa Houston, Texas, sinabi niyang hindi puwedeng magkaroon ng ganoong resulta ang naturang experiment ni Yana.
Paliwanag ni Jennifer, ang toothpaste ay isang “base” at kabaligtaran ng “acid.”
Dagdag pa niya, ang itlog ay isa ring base, kaya kapag pinagsama ang dalawa ay walang magiging reaction.
Magkakaroon lang aniya ng reaction ang dalawang bagay kapag pinagsama kung magkaiba ang mga ito.
Kung ang itlog umano ay sa acid isinama, doon lang maoobserbahan ang magiging reaction.
Para mapatunayan ang kanyang sinasabi, gumawa si Jennifer at ang kanyang team ng experiment gamit naman ang egg and vinegar.
Ibinabad nila ang itlog sa suka sa loob ng 24 oras.
Ani Jennifer, makalipas ang 24 oras, dahil sa acid na taglay ng vinegar, papasok iyon sa balat ng itlog na yari sa calcium carbonate.
“So it's going to break it down. And then you're going to get this not necessarily clear, but kind of like a translucent egg.
“And it's going to feel a lot more like rubbery because you've broken down that membrane of the egg."
Read: Bakery in Albay sells PHP1,400 cake for PHP100 to PWD dad
Ang pahayag ni Jennifer ay sinang-ayunan ni Don Riefler, isang science educator sa The Children’s Museum of Indianapolis sa Indiana.
Ayon kay Don, ang balat ng itlog ay yari sa calcium carbonate.
Dagdag pa niya, sa katunayan, ang calcium carbonate ay isa sa mga sangkap na ginagamit sa paggawa ng toothpaste.
Kaya wala talagang reaction na mangyayari, kumpara sa naging resulta ng egg experiment ni Yana.
Pagtitiyak ni Don, ang jelly egg na na-produce ni Yana ay peke.
“But I like the video and idea.”
Read: Barber nanakawan ng smartphone, suki nag-fundraising
IBANG NETIZENS SINUBUKAN DIN ANG EGG-AND-TOOTHPASTE EXPERIMENT
Maging ang ibang IG users na nagkomento sa video ni Yana ay nagpatunay na fake ang result ng experiment.
May nagsabing dalawang beses niyang ginawa ito para lang makatiyak, pero parehong palpak ang resulta.
Nagsayang lang umano siya ng dalawang itlog na sana ay niluto na lang niyang scrambled egg.
Bulalas ng isa pang nagkomento, “If you can’t tell it is fake, I am deeply concerned.”
May nagsabi rin na dahil sa video ay nagsimula na siyang magduda sa kredibilidad ng mga content ni Yana—na laging mga life hacks ang ibinabahagi.
Sabi ng netizen, “Trust issues starting.”
Read: Princess of Dubai divorces husband via Instagram post
CONTENT CREATOR INAMING “JOKE” LANG ANG EXPERIMENT
Iniulat din ng Fox News Digital na sa pamamagitan ng ipinadalang email sa media company ay inamin ni Yana na ang kanyang video para sa egg-and-toothpaste experiment ay isa lang joke.
Nakita rin lang umano niya iyon sa Internet.
Nag-enjoy naman siya nang gawin nila iyon ng kanyang anak dahil tuwang-tuwa ito at nasorpresa sa naging “result.”

Isang TikTok user din ang nagsabing may nabibiling jelly egg stress ball sa mga online stores, at iyon ang ginamit ni Yana para i-trick ang anak.
Ang iba nga ay dalawa pa ang yolk.
Ang lesson sa experiment, wag basta-basta maniniwala sa anumang napapanood sa social media.
Maging mapanuri. Maniala lamang sa mga eksperto.
Read: MMDA ramp for PWDs draws criticism: "Medyo delikado ito."
