May kasabihang “love moves in mysterious ways, o sa wikang Filipino, “O, pag-ibig pag pumasok sa puso nino man, hahamakin ang lahat, masunod ka lamang."
Kaya hindi kataka-takang maraming couples ang may pambihirang love stories.
Katulad na lamang ng polyamorous squad nina Taya, Alysia, Sean, at Tyler.
Ibig sabihin, kahit sino man kina Sean at Tyler ay maaaring maka-partner o makasiping nina Taya at Alysia.
Tinalakay ang kuwento ng apat sa Facebook page ng Ultimate, isang media/news company para sa viral stories.
Sa interview, ipinakilala ni Taya ang members of the family.
Aniya, noong nagkakilala silang apat, may dalawang anak si Alysia—isang babae at lalaki—na ngayon ay mga teenagers na.
At nang magsama-sama ang apat na parents sa iisang bubong, nagkaanak sina Alysia at Taya ng tig-isa. Batay sa pictures, mga toddlers pa ito.
Pero sina Alysia at Taya, hindi alam kung sino ang ama ng kani-kanilang mga anak.
Sabi ni Taya, “And the two babies, we don’t know and we don’t care to know who their biological father is.”
Sa madaling sabi, parehong nakakasiping nina Taya at Alysia sina Sean at Tyler.
Tinatawag silang “swingers”
Sa panayam, inamin nilang nagsimula ang set-up sa pisikal, pero na-develop ang kanilang feelings para sa isa't isa.
Read: Content creator drives Porsche car on his graduation day
HOW THE polyamorous squad GOT TOGETHER
Ani Taya, “So, when the four of us first met, it wasn’t supposed to be anything but physical. We did not have any intentions of catching feelings for each other.”
Pero ani Taya, “That didn’t really go as planned.
“We met and started talking and couldn’t get enough of each other.”
Umamin daw sina Sean at Alysia na nagkakaroon sila ng emosyon para sa isa’t isa at pakiramdam nila ay magkasintahan sila.
“[A]nd that led to lots of other conversations, including telling Tyler and I that it’s okay to have feelings…”
Kung magiging praktikal daw sila, alam nilang “not realistic” ang kanilang set-up.
Pero, “It was very obvious that we already had feelings.”
Noong una nga raw ay itinatanggi pa nina Tyler at Taya na may feelings sila para sa isa’t isa.
Iniwasan daw nila, pero kalaunan ay tinanggap nila ang kanilang sitwasyon.
Sa video makikita si Alysia na hinahalikan sa labi sina Tyler at Sean. Ganito rin ang ginawa ni Taya sa dalawang lalaki.

Sa video, tinanong ang isa sa dalawang toddlers kung sino sina Tyler at Sean, na parehong sumagot ng "Dada."
Mama naman ang tawag ng toddler kina Alysia at Taya.
Ang apat na parents ay mayroon ding social media accounts, tulad ng TikTok, na may handle na @Polyfamory.
Dito ay sinasagot nila ang mga tanong ng netizens tungkol sa kanilang kakaibang family set-up.
Read: VIRAL: Pinay bride’s grand elevator wedding entrance in Abu Dhabi
ALYSIA AND TANYA ON PARENTing, JEALOUSY
Paliwanag ni Alysia, ang madalas na nagpapaliwanag sa netizens ukol sa parenting decisions nila ay si Taya.
Ani Alysia, ang inspirasyon daw nila kung sino sa kanila ang tatawaging “mama,” “mom,” “dad,” at “dada” ay nanggaling mula sa same-sex couples.
Hinayaan daw nila ang kanilang older kids na magdesisyon kung ano ang itatawag sa kanila.
Ani Taya, “We just listened to the older kids and they called Tyler and Alysia ‘mom’ and ‘dad’ the most. So, we figured that that would be the easiest transition for them, and it worked out.”
Wala bang isyu pagdating sa pagseselos, lalo’t kahit sino man sa mga lalaki ay karelasyon ng sinuman sa dalawang ina?
Sabi ni Taya, “The thing that I and I think most polyamorous people will tell you is that it’s just not the same.
“We keep our relationships so individual and so unique, and we are such different people that there’s no comparing the levels of love. It’s just different.
“Once you work through some of that jealousy, and you realize that the love is so different and not comparable…
“Of course, I want him to love her as much as possible because I’m rooting for him and I’m rooting for them, and I want him to be happy with her.
“I want their relationship to thrive, just as much as I want my own relationship with him to thrive, or my relationships with my other partners to thrive, because I know what it’s like to love differently.”
NETIZENS' REACTIONS to the POLYAMOROUS SQUAD
Samantala, hindi pabor sa squad ang komento ng maraming netizens.
Hindi naman ito kataka-taka dahil taliwas ito sa tradisyunal na nakagawian pagdating sa pagkakaroon ng pamilya.
May mga nabagabag din sa epekto ng set-up sa mga bata.
Pero may mangilan-ngilang mas bukas ang pag-iisip kaya positibo ang kanilang komento.
Narito ang ilan sa mga kritisismo at mga komplimento sa polyamorous family:






