PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Couple in open relationship welcomes wife's BF into their home

Misis mahilig talagang mag-collect ng boyfriends
by KC Cordero
Published Aug 1, 2024
The couple who is practicing open relationship, and the boyfriend of the wife while eating and having drinks
Ibinunyag ng isang chef at vlogger na hindi problema sa kanya kung magkaroon man ng maraming boyfriend ang kanyang misis. Sa katunayan, ang boyfriend nitong nakilala abroad ay kasa-kasama nila ngayon sa kanilang bahay. (Photo courtesy of @Soy16925506 on X)

Isang chef at vlogger ang Japanese na si Prince Soy.

Ang kalimitang content ng kanyang vlog ay ang ibinibenta niyang additive-free okara granola.

Kamakailan, nag-viral ang kanyang social-media post—hindi dahil sa kanyang produkto—kundi sa kakaibang set-up nila ng kanyang misis na si Seira.

Tatlong taon na silang kasal ng kanyang misis, pero sila ay nasa isang open relationship.

The couple who is practicing open relationship
Ang couple na nagkasundong magkaroon ng open relationship. Photo: Screenshot @Soy16925506 on X
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Last July 6, 2024, nag-tweet si Prince sa kanyang X (formerly Twitter) account na magbabalik na sa Japan ang kanyang misis matapos ang anim na buwang pag-aaral sa abroad.

Ang nakakagulat, kasama umanong uuwi ni Seira ang bago nitong boyfriend.

Ani Prince sa kanyang tweet, “My wife and her boyfriend are going to live together.

“My wife is studying abroad and has a new boyfriend. She is coming back to Japan with him, and he is coming to stay with us.”

Ang kontrobersiyal na tweet ni Prince ay agad naging viral.

Naging ugat din iyon ng talakayan tungkol sa three-way relationship.

Kung na-shock man ang netizens sa rebelasyon ni Prince, balewala lang yun sa kanya.

Sa katunayan, kinukunan pa niya ng photos and videos ang boyfriend ng kanyang misis habang nasa kanyang bahay, at ibinabahagi niya iyon sa social media.

PRINCE AND SEIRA's OPEN RELATIONSHIP

Sa iba pa niyang tweets ay ipinaliwanag ni Prince na noong 2023 ay sinabi sa kanya ni Seira na gusto nitong mag-aral sa Australia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kahit nasorpresa siya sa desisyon ng misis, pinayagan niya ito sa gustong gawin.

Umalis si Seira sa Japan noong January 2024.

Pagsapit ng May, nagtapat ito kay Prince na may nakilala itong Japanese guy sa Land Down Under—at kalaunan ay naging boyfriend nito.

Dahil meron silang open relationship, hindi siya na-shock na may bagong boyfriend ang kanyang misis.

Nakausap na rin niya ang boyfriend nito sa pamamagitan ng text messages.

Niregaluhan pa niya ang lalaki ng coupon mula sa isang coffee shop nang mag-birthday.

“I’ve never met him before so I don’t know his preferences, and I thought if I gave him something too extravagant, he might feel uncomfortable.

“So I gave him something very safe, like a [coffee shop] ticket.”

Read: Nanny earns PHP20K per hour as Taylor Swift look-alike

VLOGGER NAGPASALAMAT SA BOYFRIEND NG MISIS

Last July 12 ay nag-post si Prince ng video nang salubungin niya si Seira at ang boyfriend nito sa airport.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa mga sumunod na araw ay ipinagpatuloy niya ang pagdodokumento sa kakaibang living arrangement nila ni Seira na kasama sa kanilang mismong tahanan ang boyfriend nito.

Magkasamang matulog sina Prince at Seira sa kanilang kuwarto, habang sa sofa naman ang boyfriend nito.

The boyfriend and the vlogger's wife talking
Kasa-kasama ngayon ng couple sa kanilang bahay ang bagong boyfriend ng misis ng vlogger. Photo: Screenshot @Soy16925506 on X
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May pagkakataong nagkukuwentuhan si Prince at ang lalaki.

Sa ilang eksena ay may mga kuha na either si Prince o ang boyfriend ang kasama ni Seira sa frames.

Makikita rin na magkatulong sina Seira at boyfriend nito sa pagluluto.

Sa isang video ay nagkaroon pa ng pagtatalo sina Seira at ang boyfriend nito—at namagitan si Prince para maayos ng dalawa kung anuman ang pinagtatalunan nila.

Paliwanag niya kung bakit ganito ang pakikitungo niya sa boyfriend ng asawa, “I thank him wholeheartedly as he supported my wife while she was having a hard time abroad.

“He must be an interesting person, or my wife would not fall for him.”

Read: VIRAL: Marriage proposal of athlete couple at Paris Olympics

VLOGGER'S LOVE FOR SEIRA

Iba’t iba ang naging reactions ng netizens sa sitwasyon ni Prince.

May mga bumilib sa kanyang kakayahan na baliin ang mga nakagawiang kalakaran sa lipunan, at sa pagrespeto sa kanilang naging kasunduan ni Seira na magkaroon ng open relationship.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero marami pa ring hindi maunawaan kung bakit pumayag si Prince sa three-way relationship, lalo pa at nabanggit ng Japanese vlogger na hindi pa siya nagkaroon ng ibang partner mula nang pakasalan niya si Seira.

May nagtanong din sa kanya kung bakit nagagawa niyang patawarin si Seira sa ginagawa nito.

Sagot ni Prince, unang-una ay mali ang akala ng marami na napapatawad niya si Seira dahil para sa kanya ay wala namang ginagawang mali ang kanyang asawa.

Aniya, “My wife has not done anything wrong. I like to see my wife acting selfishly, doing whatever she wants.”

Dagdag pa niya, “A wife who isn’t selfish is not attractive to me.”

Kahit daw noong hindi pa sila kasal ay kilala na niya si Seira na mahilig magkolekta ng boyfriends.

At hindi iyon naging problema sa kanya—dahil masaya siya kung saan masaya ang asawa.

Ang totoo, ayon kay Prince, mas naaawa siya sa mga nagiging boyfriend ng kanyang misis dahil hindi siya kayang palitan ng mga ito sa puso ni Seira.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Woman not going to sister's wedding; groom is her cheating ex-BF

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ibinunyag ng isang chef at vlogger na hindi problema sa kanya kung magkaroon man ng maraming boyfriend ang kanyang misis. Sa katunayan, ang boyfriend nitong nakilala abroad ay kasa-kasama nila ngayon sa kanilang bahay. (Photo courtesy of @Soy16925506 on X)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results