Agaw-pansin sa social media ang teaser tungkol sa kuwento ng isang delivery rider at alaga niyang itik na laging nakabuntot sa kanya.
Halata ring marami ang naging interesado sa kuwento ng itik at ng kanyang amo dahil ang teaser na inilabas ng GMA Public Affairs sa Facebook kahapon, Biyernes, August 2, 2024, ay umani ng mataas na engagement.
Mayroon agad itong 366,000 views, 18,000 reactions, at 848 comments sa loob lang ng apat na oras.
Itatampok ang kuwento ng itik at ng delivery rider sa Good News sa GTV ngayong Sabado, August 3, 2024.
Pero hindi pala ito ang unang beses na naitampok sa isang programa ang mag-amo.
Ang rider ay si Christian Lacson at ang alaga niyang itik ay si Kwak-kwak.
DELIVERY RIDER AND HIS DUCK FEATURED AFTER BEING VIRAL
Noong Mayo 2024, naitampok na rin sila sa News5 at sa ABS-CBN Bayan Mo, Ipatrol Mo sa social media.
Nag-viral kasi ang mga kuhang videos ng netizens kung saan makikitang laging nakasunod ang kumekendeng na itik sa kanyang amo kahit saan ito magpunta: sa loob ng mall, sa kalsada, at maging sa food establishments.
Makikita ring katerno ng uniform ni Christian ang improvised diaper ng alaga nitong itik.
Read: Gearless Olympian shooter becomes internet sensation

Sa maiksing feature ng News5 noong Mayo 6, 2024, marami ang naaliw na makitang nakasakay sa sariling basket nito ang itik na nakakabit sa motor ni Christian.
Inilahad ni Christian, na taga-Rizal, na naisip niyang mag-alaga ng itik noon matapos masawi sa pag-ibig.
Itinuon niya ang atensiyon sa pag-aaruga kay Kwak-kwak.
Dahil dito, napamahal sa kanya ang alaga.
Ani Christian, “Nitong huli, every other day ako biyahe, pero araw-araw ko siyang sinasama. Pag lumalabas ako, lagi ko siyang kasama, di ko siya iniiwan.”
Ibinahagi naman ni Christian sa ABS-CBN Bayan Mo, Ipatrol Mo, noong Mayo 3, kung paano dumating sa buhay niya si Kwak-kwak.
Two months old daw noon si Kwak-kwak nang binili niya sa halagang PHP30.
Mula noon, kahit saan magpunta si Christian, lagi niyang kasama ang alaga.
Read: Hermès heir planning to give away wealth says money vanished

Sa TikTok account ni Christian, tampok sa kanyang videos si Kwak-kwak, na animo’y isang artista tuwing nakikita ng tao.
Makikita ring kilalang-kilala ng itik ang among si Christian dahil lagi siyang nakabuntot, at hindi pinapayagang mapalayo sa kanyang paningin.
Sanay rin sa tao si Kwek-kwek dahil hindi ito mailap at madaling kunan ng videos at photos.

