Isang Chinese guy na nakilala lang sa tawag na “Uncle” ang naninirahan ngayon sa kabundukan matapos mawasak ang kanyang puso.
Naghiwalay sila ng babaeng kanyang minamahal.
Tinawag siyang Uncle ng mga nakakakita sa kanya dahil inaakala ng mga ito na in his 40s na siya.

Mataas na rin ang kanyang hairline at kitang-kita ang wrinkles sa kanyang eye area.
Read: YouTuber launches fake restaurant to prank influencers
UNCLE SA TENT LANG NAKATIRA, EXPOSE SA SIKAT NG ARAW
Sa video na ini-upload ng YouTuber na si Xiangzi Baby last July 24, 2024, makikita si Uncle na nasa kanyang maliit na tent.
Halos sakto lang iyon para sa tulugan niya.
Sa labas ng tent ay may kariton, mga plastic containers at iba pa niyang kagamitan para sa araw-araw niyang aktibidad.
Nang tawagin siyang "Uncle" ng kumuha ng video, nalamang ang kanyang edad ay 24 years old.
Ipinakita rin niya ang kanyang identification card na nagsasaad na ipinanganak siya noong December 2000.

Nang tanungin kung bakit parang nadoble o tumanda masyado ang hitsura niya kumpara sa kanyang tunay na edad, sinabi ni Uncle na hindi siya abnormal, at wala siyang taglay na rare genetic disorder.
Bumilis lang aniya ang kanyang pagtanda at nagmukhang tito dahil sa sobrang exposure sa sikat ng araw sa kabundukan.
Read: Rihanna grants a boy's request: take his photo with football star
NABIGO SA PAG-IBIG SI UNCLE KAYA NAMUNDOK
Sa video ay napag-alamang nagmula si Uncle sa probinsiya ng Hebei sa China.
Dati siyang seaman at nagtrabaho sa isang freight ship na bumibiyahe sa Southeast Asia.
Ilang taon na rin silang nagde-date ng kanyang girlfriend bago siya nito iniwan.
Nang magkahiwalay sila, nagdesisyon siyang mamuhay sa bundok at lumayo sa sibilisasyon para malabanan ang kanyang nararamdamang depression.
May nakapagsabi umano sa kanya na ang hiking activity sa Qinghai-Tibetan Plateau ay kayang mag-purify ng naguguluhang isipan ng isang tao.

Kaya hila-hila ang isang kariton na dala-dala ang kanyang bag, umakyat siya sa bundok noong huling linggo ng February 2024.
May nadaanan siyang isang aso, na dinampot niya at isinama sa kanyang pamumundok.
Mula noon, namuhay na siya nang payak sa kabundukan para lang sa hinahanap niyang katahimikan ng isipan.
Read: Fil-Am White House executive chef retires after 29 years
BUMILIS ANG PAGTANDA
Pagbabahagi ni Uncle, napansin niyang sa loob ng limang buwan na lagi siyang nakabilad sa sikat ng araw, bumilis naman ang pagtanda ng kanyang hitsura.
Mula sa pagiging maputi ay umitim siya.
Nagkaroon rin aniya ng damage ang kanyang hair follicles kaya mayroon siyang premature baldness.

Ang kanyang pisngi ay hindi na rin kasing-tight and supple kagaya ng nasa larawan niya sa IDs.
Nagdesisyon naman siyang pakapalin ang kanyang balbas para maprotektahan ang kanyang balat sa mukha mula sa ultra-violet (UV) exposure, pero lalo namang tumanda ang kanyang hitsura.
Read: VIRAL: Teacher climbs flagpole to secure flag knot
WALANG MANIWALANG 24 YEARS OLD LANG SIYA
Kuwento pa ni Uncle ay lagi niyang ipinapakita sa mga nagha-hiking na napapadaan sa puwesto niya ang kanyang IDs para patunayang hindi pa siya tito.
“But some people still did not believe me.
“After some time, I accepted that some people just cannot believe that I am a guy in my early 20s.”
Mula nang mag-viral ang kanyang videos sa social media sa China, madalas siyang bisitahin ng media, social-media influencers, at curious onlookers para lang makiusyoso sa kanyang pamumuhay at tingnan ang naging pagbabago sa kanyang hitsura.
Read: Couple in open relationship welcomes wife's BF into their home
May mga netizens na nagpapayo sa kanyang alagaan ang kanyang balat at dapat siyang mag-ahit para bumata ang kanyang hitsura, pero ipinagkikibit-balikat lang iyon ni Uncle.
Katwiran niya, hindi niya ipagpapalit ang katahimikan ng buhay niya ngayon sa anupamang bagay—kahit ang pagiging mukhang sariwa batay sa kanyang tunay na edad.
“What’s the point of doing that? I think I am fine right now.”
Read: VIRAL: Marriage proposal of athlete couple at Paris Olympics
