PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Gold Medalist spotted napping in Olympic Village grounds

Dahil ba maingay at mainit sa Olympic Village?
by KC Cordero
Published Aug 7, 2024
Photos of Thomas Ceccon
Mas pinili ng Italian swimmer at gold medalist na si Thomas Ceccon na sa damuhan sa park matulog dahil hindi siya dalawin ng antok sa Olympic Village. Reklamo niya, bukod sa maingay ay mainit dahil sa hindi maayos na air-conditioning system. Pinuna rin ng ibang athletes ang matigas na higaan. (Photos: Screenshot @ceccon_thomas on IG, @huseinalireza on IG)

Bahagi ng Paris Olympics 2024, na matatapos na sa August 11, 2024, ang mga reklamo tungkol sa hindi kagandahang kondisyon ng pamamalagi ng mga athletes sa Olympic Village.

Sa isang Instagram reel na ini-upload ng Saudi rower na si Husein Alireza last August 4, makikita ang Italian gold medalist swimmer na si Thomas Ceccon na natutulog sa ibaba ng isang bench sa grounds.

Read: Meet the sleepless seamstress who has not slept in three decades

Gold medalist Thomas Ceccon sleeping at the park
Isa ang gold medalist at Italian swimmer na si Thomas Ceccon sa very vocal tungkol sa hindi umano magandang kondisyon ng mga athletes sa loob ng Olympic Village. Photo: Screenshot @huseinalireza on IG
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: VIRAL: Marriage proposal of athlete couple at Paris Olympics

Naka-tag ang location na Olympic Village grounds.

Sa video ay naglatag si Thomas ng puting tuwalya sa damuhan sa ilalim ng isang puno.

Mahimbing siyang natutulog habang nakabaluktot.

Read: Fil-Am White House executive chef retires after 29 years

GOLD MEDALIST DATI NANG INIREKLAMO ANG KONDISYON SA OLYMPIC VILLAGE

Bago siya nakunan ng video na natutulog sa grounds, nauna nang inireklamo ni Thomas ang pangit na kondisyon ng kanyang pamamalagi sa loob ng village.

Tinawag niyang subpar ang kalidad ng mga pasilidad.

Sa kabila nito, nakasungkit pa rin siya ng gold medal sa 100-meter backstroke at bronze medal sa freestyle relay.

Read: VIRAL: French pole vaulter's crotch knocks off crossbar

Photo of Thomas Ceccon
Ang Italian swimmer at 2024 Paris Olympics gold medalist na si Thomas Ceccon. Photo: Screenshot @ceccon_thomas on IG
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: YouTuber launches fake restaurant to prank influencers

Naging vocal ang 23-year-old swimmer sa kanyang accommodations matapos matalo sa finals ng 200-meter backstroke noong July 31.

Sinabi niya sa panayam sa kanya ng media na walang aircon ang mga kuwarto sa Olympic Village at hindi masarap ang mga pagkain.

Yun umano ang mga dahilan kaya may mga athletes na lumilipat sa ibang hotel.

Baka akalain ng publiko na nag-iinarte lang ang mga athletes, pero nagsasabi raw siya ng totoo.

Read: Rihanna grants a boy's request: take his photo with football star

KONDISYON SA OLYMPIC VILLAGE NAKAAPEKTO SA PERFORMANCE NG GOLD MEDALIST

Dismayado rin daw si Thomas na hindi siya nakarating sa finals ng iba pa niyang events dahil hindi raw siya makatulog pag gabi at maging sa hapon.

Sa loob daw ng Olympic Village, hindi raw siya dalawin ng antok dahil bukod sa maingay ay mainit din.

Read: VIRAL: Teacher climbs flagpole to secure flag knot

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nilinaw naman ng FIN, ang Italian swimming federation, na ang video ni Thomas na natutulog sa damuhan ay walang kaugnayan sa nauna nitong mga komento tungkol sa Olympic Village.

Sinabi ng FIN sa media na nagpalipas lang ng antok ang Italian swimmer—at binigyang-diin na batay sa video ay daytime nang makunan itong natutulog.

Read: Pagsasalita ni Carlos Yulo laban sa sariling ina, tama o mali?

IBANG ATHLETES MAY REKLAMO RIN

Hindi lang naman si Thomas ang athlete na nadismaya sa kondisyon sa loob ng Olympic Village.

Sinabi ng tennis player na si Coco Gauff, isang babaeng ka-team niya ang lumipat sa hotel dahil nasikipan ito sa kanilang puwesto.

Ibinahagi rin ng French swimmer na si Assia Touati na wala talagang air-conditioning unit sa kanilang kuwarto, pero noong tumaas nang sobra ang temperatura, saka lang daw nagkaroon.

Napilitan naman umano ang Australian water polo player na si Matilda Kearns na magpahilot ng likod dahil nananakit iyon sanhi ng matigas na higaan, na tinawag ding “anti-sex bed."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Meet Chloe Anjeleigh San Jose, Carlos Yulo's girlfriend

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mas pinili ng Italian swimmer at gold medalist na si Thomas Ceccon na sa damuhan sa park matulog dahil hindi siya dalawin ng antok sa Olympic Village. Reklamo niya, bukod sa maingay ay mainit dahil sa hindi maayos na air-conditioning system. Pinuna rin ng ibang athletes ang matigas na higaan. (Photos: Screenshot @ceccon_thomas on IG, @huseinalireza on IG)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results