Thirty-eight years old ang female Chinese na nakilala lang sa pangalang Yang, pero nanirahan na siya sa isang home for the elderly.
Ang kanyang dahilan: Sakitin na siya at pakiramdam niya ay matanda na rin siya.
Masyado umano siyang overworked, kaya gusto niyang pabagalin pansamantala ang takbo ng kanyang buhay.
Sa isang video na in-upload ng user na may handle na Hong Kong01 noong August 2, 2024, napag-alamang si Yang ay nagtrabaho bilang screenwriter sa film and television industry sa loob ng 11 years.

Masyadong hectic ang kanyang schedule.
Ang sobrang dami ng kanyang trabaho at kakulangan sa sapat na tulog ay nakaapekto sa kanyang kalusugan.
Pahayag niya sa local news outlet na 6Park News, “I often stayed up late at work in my previous job, and I often couldn’t sleep well.”
Read: Father shoots judges after daughter fails to win beauty title
WRITER NAGKASAKIT, PINAYUHAN NG DOKTOR NA MAGPAHINGA
Sa pagsisimula ng 2024, nagkasakit si Yang at naospital.
Pinayuhan siya ng doktor na magdahan-dahan at magpahinga.
Kung magpapatuloy umano siya sa kanyang lifestyle, hindi siya makaka-recover at lalong lalala ang kanyang sakit.
Dahil nag-iisa sa buhay at ulila na rin sa mga magulang, walang malapit na kamag-anak na malapitan si Yang para mag-alaga sa kanya.
Nagsimula siyang maghanap ng lugar kung saan maaari siyang makapag-relax at magpalakas ng katawan.
Read: Fil-Am White House executive chef retires after 29 years
Habang nagre-research sa Internet, nabasa niya na ang buhay sa mga home for the elderly ay payapa at parang mabagal lang ang takbo ng oras.
Nagdesisyon si Yang na mag-inquire sa Yisenlin Retirement Home sa Jilin City.
Pagbabahagi niya sa panayam ng Red Star News, isang local news media, “There are two reasons why I chose a nursing home instead of a hotel.
“First, I was very curious about the nursing home and wanted to see what it was like and whether it was as boring as everyone said.
“Second, because I was sick, I hoped to have a place to rest, access basic medical care, and eat healthily.”
Read: Man kills neighbor over question about being single
WRITER SUMIGLA SA HOME FOR THE ELDERLY
Tinanggap si Yang sa Yisenlin Retirement Home.
Nagbayad siya ng 2,000 yuan o PHP16,000 kada buwan sa kanyang pananatili roon.
Nakasama at nakasalamuha niya ang mga senior citizens na doon na namamalagi.
Ang ilan sa mga ito ay 102 years old na.
Sa video ay makikita si Yang na kasama ng mga matatanda habang kumakain, nagtatanim, nagpapakain ng mga alagang hayop, at nag-eehersisyo.

May mga pagkakataon ding nakikipagsayaw siya sa mga ito.
Ipinakita rin ang kanyang tinutuluyang kuwarto—simple pero may maayos na kama at comfort room.
Makalipas ang tatlong buwan sa nursing home, nakaramdam na ng pagsigla ang katawan ni Yang.

Aniya, “My work and rest are very regular now.
“I go to bed around 9 o’clock in the evening, but I get up very early in the morning.
“I read books, write novels, and write memoirs for the elderly every day.
“I don’t feel lonely or bored in the nursing home.”
Read: SUCCESS STORY: Batang magbubukid Amado Panes now a teacher
Ayon pa kay Yang, ang isang positibong bagay na naiwaksi niya habang nasa loob ng nursing home ay ang masyadong pag-iisip.
Aniya, “Just take things one day at a time.”
Nang tanungin kung hanggang kailan niya planong manatili roon, sinabi niyang darating din ang time na lalabas siya para harapin ang kanyang kapalaran sa labas.
Hindi pa lang niya matiyak kung kailan iyon.
Isa kasi sa pinagkakaabalahan niya—bilang isa siyang writer—ay ang magsulat ng memoirs ng ilang senior citizens, lalo na ang mga centenarians, na nais maidokumento ang kanilang naging mga karanasan sa buhay at maibahagi iyon sa makabagong mundo.
Read: Heartbroken guy, 24, looks older after 5 months in the mountains
KARANASAN NG WRITER, CAUTIONARY TALE NG OVERWORKED CULTURE
Ang video clips ni Yang ay inia-upload niya sa Douyin, ang Chinese version ng TikTok, at naging viral sa social media sa China.
Ang YouTube video naman ay nakakuha na ng 42K views mula nang i-upload ng Hong Kong01.
Ani Yang, hindi niya akalaing magkakaroon ng malaking interes ang netizens sa kanyang istorya.
Hindi rin niya inisip na marami ang gustong may mas malalim pang matuklasan sa kanyang naging karanasan sa pananatili sa home for the elderly.
Maraming tulad niya na mga exhausted na sa trabaho ang nag-i-inquire sa kanya kung maipapayo ba niya sa mga ito na tularan ang kanyang ginawa dahil naghahanap din ang mga ito ng inner peace.
At mayorya sa mga ito ay mas bata pa kumpara sa kanya.
Read: Meet the sleepless seamstress who has not slept in three decades
Ipinaalala naman niya sa mga ito na kapag bata pa ang papasok sa nursing home ay kailangang magbayad pa rin.
At hindi raw mura kaya kailangan din ng budget.
Sa case kasi niya, mas ginusto niyang magbayad dahil nga wala naman siyang kamag-anak na maaaring mag-asikaso sa kanya.
Kung hindi naman Chinese, alamin sa kani-kanilang bansa kung puwede rin ang ganitong sistema na puwedeng magpa-admit sa home for the elderly kahit bata pa.
May mga nagkomento naman na ang sitwasyon ni Yang ay isang cautionary tale tungkol sa overworked culture ngayon sa buong mundo—at kung paano nito itinutulak ang mga tao sa sitwasyon na kahit bata pa, ang pakiramdam nila sa sarili ay old and sobrang burnout.
Read: YouTuber launches fake restaurant to prank influencers
