PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Groom learns bride is 25 years older than him on eve of wedding

Bride natakot na iwanan ng groom pag nalaman ang totoong edad.
by KC Cordero
Published Aug 14, 2024
Photo of Yoshitaka and Aki
Natakot ang bride na sabihin sa groom ang tunay niyang edad. Twenty-five years kasi ang tanda ng babae sa lalaki. Mapanghusga rin aniya ang lipunan sa mga babaeng may edad na ang karelasyon ay mga lalaking mas bata. (Photos courtesy of @yoshitaka_222 on IG)

Twenty-nine years old si Yoshitaka nang ma-meet niya ang babaeng nagpatibok ng kanyang puso—si Aki.

Manager si Aki ng isang Japanese-style bar, at doon sila nagkita.

Matapos ang ilang beses na pag-uusap, na-realize ng dalawa na magkapareho sila sa maraming bagay.

Pareho silang nanggaling sa hindi matagumpay na marriage.

Single parent din silang dalawa, at solong nag-aaruga ng mga anak.

Yoshitaka and Aki on a date
Mabilis na nahulog sa isa't isa sina Yoshitaka (L) at Aki dahil compatible sila sa maraming bagay. Photo: Screenshot @yoshitaka_222 on IG
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naging madalas ang pagpasyal ni Yoshitaka sa bar na pinamamahalan ni Aki, at minsan ay niyaya niya itong mag-date.

Noon pa man ay napansin na ni Yoshitaka na mukhang mas maedad nang konti sa kanya si Aki.

Pinahulaan sa kanya ng babae kung ano na ang edad nito, pero hindi niya ginawa.

Sinabi lang niya kay Aki na siguro ay nasa 15 taon ang kanilang pagitan.

Read: Student chronicles 134 days of travel without gadgets

GROOM MAS BATA NG 25 YEARS SA BRIDE

Hindi ipinagtapat ni Aki ang tunay na edad kay Yoshitaka.

Noong time na iyon ay 54 na siya, pero ang sinabi niya sa suitor ay 44 lang siya.

Natakot siyang iiwasan siya kapag nalaman nitong 25 years ang agwat ng edad nila.

Naniwala naman si Yoshitaka.

Ang sinabi kasing edad ng babae ay eksakto naman sa pisikal na anyo nito.

Mukha kasing bata si Aki dahil masayahin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Yoshitaka and Aki outdoors
Yoshitaka and Aki on a date. Photo: Screenshot @yoshitaka_222 on IG

Makinis din ang mukha at kutis ng katawan nito kaya papasa talagang nasa 40s pa lang.

Sinubukan ni Aki na gumawa ng mga paraan para matuklasan ni Yoshitaka ang kanyang tunay na edad.

Kapag dumadalaw ito sa kanyang bahay ay sadya niyang inilalagay sa mesang kinakainan nila ang kanyang passport at insurance card.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Iniisip niyang bubuklatin iyon ng nobyo.

Pero sasabihan lang siya nitong itago ang mga iyon at baka mawaglit—at hindi man lang sinisilip at hindi nakakaramdam na nagbibigay siya rito ng clues kung gaano na siya katanda.

Kaya sa loob ng pitong taon mula noong maging sila, naitago ni Aki kay Yoshitaka ang tunay na edad.

Read: 38-year-old writer chooses to live in home for the elderly

BRIDE SINABI ANG TUNAY NA EDAD ISANG ARAW BAGO ANG WEDDING

Nang lumaganap sa buong mundo ang COVID-19 pandemic noong pagsisimula ng 2020, nagdesisyon sina Yoshitaka at Aki na magpakasal na.

Na-realize ni Aki na malaki ang posibilidad na tamaan siya ng virus.

Kapag dinala siya ni Yoshitaka sa ospital kung sakali, kailangang ibigay nito ang mga tunay na impormasyon tungkol sa kanya para hindi ma-confuse ang mga doktor.

Read: Man kills neighbor over question about being single

Sa bisperas ng kanilang wedding, ipinagtapat na ng bride sa groom ang totoo na matanda siya rito ng 25 taon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inihanda na rin niya ang kalooban sa magiging reaction nito.

Inaasahan niyang magagalit ang groom sa kanyang ginawang pagsisinungaling tungkol sa edad.

Pero nagulat siya sa naging kasagutan ni Yoshitaka.

Ayon sa lalaki, hindi isyu sa kanya ang tunay na edad ni Aki.

Balewala rin daw kahit pa dalawang dekada at kalahati ang agwat ng kanilang mga edad.

Sambit pa ni Yoshitaka, “What matters is why you didn’t tell me earlier so you wouldn’t have to worry for so long.”

At natuloy ang kanilang wedding.

Read: Chloe San Jose replies to spotlight-hogger accusation of netizen

LIPUNAN MAPANGHUSGA SA BABAENG MAS BATA ANG KARELASYON

Ang love story nina Yoshitaka at Aki ay unang naging viral noong 2021 at naging headlines sa Japan at China.

Nitong second week ng August 2024 ay muli itong naging paksa sa mga news outlets sa Asia matapos i-feature ang mag-asawa ng Japanese newspaper na Bunshun Online.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinabi ni Aki sa panayam na isa sa mga dahilan kaya itinago niya noong una kay Yoshitaka ang kanyang tunay na edad ay dahil mapanghusga ang lipunan ng Japan sa mga may-edad nang babaeng nakikipag-date o nag-aasawa ng mas batang lalaki.

“Older men can proudly show off how young and beautiful their wives are, but many women who are older than their husbands often hesitate to reveal their relationships to others,” pahayag ni Aki.

Yoshitaka and Aki about to board an airplane
Mula nang ikasal ay nag-travel at nag-vlog na ang couple tungkol sa kanilang love story. Photo: Screenshot @yoshitaka_222 on IG
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Matapos naman ang kanilang wedding noong 2020 ay pareho na silang nagbitiw sa kani-kanilang trabaho.

Nagdesisyon silang maglibot na lang sa buong Japan.

Nagbuo sila ng YouTube channel at doon nila ini-a-upload ang kanilang mga nagiging biyahe, at ang kanilang buhay bilang couple na may 25-year age difference.

Mayroon silang 18,000 followers sa naturang social-media platform.

Dagdag din sa kanilang income ang itinayo nilang online air-conditioning cleaning service.

Forty years old na ngayon si Yoshitaka, at 65 na si Aki.

Ayon kay Aki, ang pananatiling matatag ng kanilang pagmamahalan sa kabila ng malaking agwat ng kanilang edad ni Yoshitaka ay dahil natagpuan nila sa isa’t isa ang tunay na pag-ibig.

Paalala naman niya sa mga mapanghusga: “We should accept various forms of couples.”

Read: SUCCESS STORY: Batang magbubukid Amado Panes now a teacher

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Natakot ang bride na sabihin sa groom ang tunay niyang edad. Twenty-five years kasi ang tanda ng babae sa lalaki. Mapanghusga rin aniya ang lipunan sa mga babaeng may edad na ang karelasyon ay mga lalaking mas bata. (Photos courtesy of @yoshitaka_222 on IG)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results