Tumama sa lotto ang Reddit user na may handle Interesting_Owl_3159 last February 2024.
Itinago niya ang tunay na pangalan sa alyas na Vedoric.
Sa kanyang Reddit post last March 13, sinabi niyang hindi naman kalakihan ang kanyang napanalunan.
“Nothing life-changing, but a decent amount that I could really use to pay off some debts and maybe take a small vacation.”

Simula raw pagkabata ay maingat na sa pera si Vedoric.
Paglalarawan niya sa sarili: “Saving where I can and working a couple of jobs to keep myself afloat.”
Kabaligtaran daw niya ang nakatatandang kapatid na lalaki.
“He tends to spend his money as quickly as he earns it, often on things he doesn't need, and then struggles until his next paycheck.”
Nung nalaman ng kanyang kuya ang panalo niya sa lotto, agad daw itong nag-demand kay Vedoric na ibigay sa kanya ang kalahati ng napanalunan.
Ang argumento sa kanya: Magkapamilya naman daw kasi sila.
“And we should share our good fortunes.”
Ipinaalala pa sa kanya ng kuya na noong mga bata pa sila ay nangako si Vedoric na ibabahagi niya rito ang anumang meron siya.
“—Including any prize I might win.”
Pagbibigay-linaw ni Vedoric, “I do remember making some promise like that in the spirit of childhood, but I never imagined it would be held against me over something so significant.”
Thirty-two years old na ang kanyang kuya, 28 naman siya.
Read: VIRAL: Video of 2 male teens skating behind speeding truck
LOTTO WINNER TINANGGIHAN ANG PAkikihati NG KUYA
Tinanggihan ni Vedoric ang gustong mangyari ng kanyang kuya.
Paliwanag niya rito, “That I had plans for the money, which included paying off debts and saving for emergencies.”
Sa halip, ang ginawa niya, “I offered to help him out with some financial advice and support to manage his money better.”
Pero tiniyak din niya rito na: “I wouldn't just hand over half of my winnings.”
Mula noon, naging malamig na umano ang pakikitungo kay Vedoric ng kanyang kuya.

Tinawag din siya nitong makasarili, at inakusahang walang pagmamalasakit sa kanyang kapamilya.
Nanatili naman aniyang neutral ang kanyang parents sa sitwasyon nilang magkapatid.
Pero pakiramdam ni Vedoric, “I can tell they're disappointed in the situation.”
Iba-iba rin ang opinyon ng kanilang mga kamag-anak.
“Some relatives say I should have shared to keep the peace, while others agree with my decision.”
Kaya tanong ni Vedoric sa ibang Reddit users, masama raw ba siyang kapatid dahil hindi niya hinatian ng panalo sa lotto ang kanyang kuya?
Read: Groom learns bride is 25 years older than him on eve of wedding
PAYO NG NETIZENS, DAPAT SIYANG MATUTO SA NANGYARI SA IBANG LOTTO WINNERS
Halos lahat namang nagkomento sa post ni Vedoric ay nasa kanya ang simpatya.
Paalala sa kanya ng isa, “It is your money to do with as you wish. After taxes, it will seem to be a lot of money.
“But do the math about your own expenses in your life, and you will realize it won’t last nearly as long as it might seem."

Pagbibigay-diin naman ng isang netizen sa kanyang predikamento, “Your brother is not entitled to any of your winnings. It's easy for your relatives to tell you to give him your money.
“If they are so concerned, they can take up a collection and give him the proceeds. You can donate a dollar. Otherwise, let him sulk.”
Para naman daw matulungan niya ang kapatid, sabi ng isang Reddit user ay bigyan na lang niya ito ng grocery store gift card, "so, he can buy food or gas."
Dagdag pa nito, “It’s a good buffer to give yourself some room to feel more comfortable taking some risks and pursuing your own life goals.
“Take advantage of that, protect it, and ignore the noise from others.”
Read: Student chronicles 134 days of travel without gadgets
Isang tipikal na senaryo naman ang binanggit ng isa pang nagpayo kay Vedoric tungkol sa mga tumatama sa lotto.
“Most lottery winners end up bankrupt because they feel like they have to give money to every rat that crawls out of the woodwork.”
Kapag nasimulan din umano niyang bigyan ng pera ang kapatid, magpapabalik-balik ito sa panghihingi sa kanya tuwing kakapusin sa budget.
Isa naman ang nagpayo kay Vedoric—at para na rin sa iba pang tatama sa lotto—huwag na huwag ipagsasabi kahit kanino kapag biglang nagkaroon ng maraming pera dahil tiyak na tiyak na maraming manghihingi o kaya'y mangungutang.
Marami rin ang nag-congratulate kay Vedoric, at sinabihang mag-enjoy sa kanyang panalo.
Read: 38-year-old writer chooses to live in home for the elderly
