PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

CHECK THIS OUT: "Toothache Tree" known for curing dental problems

Magpako lang ng barya sa puno.
by KC Cordero
Published Aug 19, 2024
The Toothache Tree
Matatagpuan sa Nepal ang Toothache Tree na nakapagpapawala ng sakit ng ngipin kung magpapako ng barya sa naturang puno. (Photos courtesy of Atlas Obscura)

Ang “Toothache Tree” o ang Vaisha Dev Shrine sa Nepal ay isang kakatwang tourist attraction.

Matatagpuan ito sa isang makitid na kalye sa Kathmandu, ang kapitolyo ng Nepal, sa pagitan ng Thamel at Kathmandu Durbar Square.

The Toothache Tree covered by coins
Hindi na mukhang bahagi ng punongkahoy ang Toothache Tree dahil sa dami ng nakapakong barya rito. Photo: Screenshot at Nepal Traveler
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Vaisha Dev ang Newar goddess of toothache.

Ang Vaisha Dev Shrine naman ay sinasabing kaputol ng isang mythical tree na tinatawag na Bangemudha.

Sa ngayon ay hindi, masasabing bahagi ng isang punongk-ahoy ang shrine dahil punung-puno na ito ng mga ipinakong Nepalese rupee coins.

Read: Dolce & Gabbana launches perfume for dogs

TOOTHACHE TREE NAGPAPAGALING NG MASAKIT NA NGIPIN

Hindi na rin matiyak kung gaano na katanda ang punong-kahoy na ginamit sa Vaisha Dev shrine.

May mga claims sa Nepal na naroon na ang pungkahoy noong panahon pa ng Lichchhavi Kingdom na nag-exist sa Kathmandu Valley mula 400 to 750 CE (Common Era)—o ang 1st millennium, ang 50th year ng 8th century, at 1st year ng 750s decade.

At kahit moderno na ang teknolohiya pagdating sa dentistry sa Kathmandu, may mga tao pa ring nagpupunta sa Toothache Tree para maglagay ng coins, at umaasang papawiin ni Vaisha Dev ang kanilang dental problems.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Cebu Pacific to resume Singapore-Iloilo nonstop flights

Batay sa mga kuwento, may maliit na imahe ni Vaisha Dev na yari sa ginto na nakabaon sa loob ng Toothache Tree.

The coins nailed at the Toothache Tree
Patung-patong na ang mga baryang nakapako sa Toothache Tree. Photo: Screenshot at Atlas Obscura

Ang pinakagitna ng punong kahoy ay binutasan at doon inihulog ang gintong imahe.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

May kuwentong matagal nang may nagnakaw sa naturang gintong imahe ni Vaisha Dev sa Toothache Tree, pero hindi iyon nakaapekto sa kasikatan ng shrine hanggang ngayon.

At sa dami ng nakabaong barya sa Toothache Tree, hindi na masisilip ang gintong imahe ni Vaisha Dev kaya hindi malaman kung nanakaw man iyon o hindi.

Read: Woman wins lotto; big brother demands half of her prize

AREA NA PINAGLAGYAN NG TOOTHACHE TREE, NAGING DENTAL DISTRICT

Sa paglipas ng panahon, ang Toothache Tree sa Kathmandu ay naging puntahan ng mga taong masakit ang ngipin.

Dahil dito, maraming dentista ang nagtayo ng clinic sa lugar.

Tinatayang nasa mahigit isang dosena ang dental clinic sa area.

At kung hindi makuha sa hiling kay Vaisha Dev ang solusyon sa problema sa sakit ng ngipin kapalit ng isang pirasong barya, maraming dentista rito na handa rin namang tumulong—mas mahal nga lang ang singil.

Man praying at the Toothache Tree
Dahil sa Toothache Tree, naging dental district ng Kathmandu ang area. Photo: Screenshot at Wanderlust Travel Magazine
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang pagsulpot ng maraming dental clinic sa Vaisha Dev Shrine ang naging ugat kaya nakilala ang lugar bilang dental district ng Kathmandu.

Read: VIRAL: Video of 2 male teens skating behind speeding truck

Isa si Steve Jackson ng Gateshead, United Kingdom, sa nakapunta sa Vaisha Dev Shrine.

Kuwento niya, “We came across this small but interesting 'tree' whilst walking in the Thamel area and were fascinated by its story.

“Supposedly if you have toothache, you nail a coin to the tree and the gods will give you relief.”

Nakita rin niya na may mga bisita sa shrine na talagang nagpapako ng coin sa Toothache Tree at nagdarasal.

“Not sure how this works, but I am sure others will use this in their attempts to relieve the pain.”

Nakigaya umano siya sa mga ito.

Nagpako siya ng barya, at, “I said a little prayer whilst there and I didn't get toothache for the rest of our journey.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, perhaps there is some truth in it after all.”

Read: Student chronicles 134 days of travel without gadgets

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Matatagpuan sa Nepal ang Toothache Tree na nakapagpapawala ng sakit ng ngipin kung magpapako ng barya sa naturang puno. (Photos courtesy of Atlas Obscura)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results