Naghain ng reklamo sa Municipal Health Bureau ang residente ng Yongkang City, Zhejiang Province, China, na nakilala lang sa pangalang Ms. Shu, laban sa DeWay Dental Clinic.
Namatay kasi ang kanyang amang si Huang matapos magpabunot ng ngipin sa naturang dental clinic.
Naglabas siya ng mga ebidensiya na nagpapatunay na ang kanyang ama ay binunutan ng 23 ngipin at nilagyan din ng 12 bagong ngipin sa isang session lamang noong August 15, 2024.
Read: Widower refuses to give deceased wife's branded clothes to sister

Read: Hotdog eating contest champ wins PHP5.6M prize
Ayon kay Ms. Shu, ang dental procedure ang naging dahilan kaya namatay ang kanyang ama makalipas ang 13 days.
Sinabi niya sa mga awtoridad na matapos ang session sa clinic ay araw-araw nang nakaranas ng matinding pananakit ng bibig ang kanyang ama bago ito inatake sa puso noong August 28, ang araw na binawian siya ng buhay.
At gusto niyang managot sa batas ang mga responsable sa pagkamatay ng ama.
Read: Billionaire surprises YouTuber with watch worth PHP200K
PATIENT CONSENT FORM NAGPATUNAY SA ISINAGAWANG DENTAL PROCEDURE
Isa sa mga inilabas na ebidensiya ni Ms. Shu ay ang patient consent form ng kanyang ama na nagpapatunay na talagang binunutan ito ng 23 ngipin sa isang session.
Nilagyan din ito ng 12 butas sa skull at mandible nito para malagyan ng mga bagong ngipin.
Read: Hand-soap maker wins case vs. global brand Carolina Herrera

Read: John Tinniswood, 112, of the UK is world’s oldest living man
Kaya pagkatapos ng dental procedure, nakaramdam si Huang ng matinding sakit lalo na nung mawala na ang bisa ng itinurok na anesthesia.
Ayon naman sa tagapagsalita ng DeWay Dental Clinic, bagaman at masasabing sobra-sobra ang binunot na ngipin sa ama ni Ms. Shu, dinidetermina iyon ng dentista sa pamamagitan ng face-to-face consultation at sa physical condition ng pasyente.
"Front teeth can usually be extracted and implanted on the same day, but molars typically require a three-to-four-month waiting period between extraction and implantation," paliwanag ng tagapagsalita ng dental clinic.
Gayunpaman, sa consent form ni Huang ay makikita na ilang molars ang binunot at na-implant nang isagawa rito ang procedure—na lumabag sa usual procedure ng dental clinic para sa pagbubunot ng ngipin.
Read: Jobseeker feels off about question on “sexual orientation”
NAGSAGAWA NG DENTAL PROCEDURE KAY HUANG ISANG ESPESYALISTA
Isiniwalat din ng DeWay Dental Clinic na ang 23 extractions kay Huang ay isinagawa ng isang doctor na nakilala lang sa pangalang Yuan, na may limang taong karanasan na daw sa pagiging dentista.
Kabilang daw sa espesyalisasyon ni Yuan ang root canal treatment, removal of impacted wisdom teeth, and full dentures.
Ayon naman kay Xiang Guolin, director ng Oral Medicine Center ng Wuhan Fourth Hospital, sa panayam ng local newspaper na The Paper, may danger ito.
“The more teeth you extract, the greater the patient’s pain response and the greater the probability of post-operative infection,” sabi ni Xiang.
Kaya kahit walang specific regulation kung ilang ngipin ang puwedeng bunutin sa isang session, sobra-sobra aniya ang pagbunot ng 23 ngipin sa isang sesyon.
Paliwanag pa ni Xiang, ang isang adult ay karaniwang may 28 hanggang 32 ngipin.
Pinakamarami na dapat aniya ang 10 hanggang 12 ngipin sa isang session.
Read: Fil-Am cop Austin Machitar killed in car crash
MGA AWTORIDAD, HIRAP IKONEKTA ANG DENTAL PROCEDURE SA PAGKAMATAY NI HUANG
Hanggang sa kasalukuyan ay iniimbestigahan pa ang nangyari sa ama ni Ms. Shu.
Pero ayon sa isang kinatawan ng Municipal Health Bureau, sa panayam ng mga lokal na mamamahayag, medyo mahirap patunayan na konektado ang pagkakabunot sa mga ngipin ng biktima sa naging sanhi ng kamatayan nito.
Lalo pa raw at ilang araw ang lumipas bago ito namatay matapos ang kontrobersiyal na dental procedure na isinagawa rito.
Binanggit din ng Municipal Health Bureau na ang DeWay Dental Clinic ay isang private, for-profit institution specializing in dental implants and endodontics.
Read: Teen goes on hunger strike to force mom into buying him an iPhone
