Tagumpay ang isang Taiwanese math teacher na ginamit ang Pornhub, isang kilalang porn site, para i-post ang kanyang math tutorial videos.
Bagamat unconventional, epektibo ang naisip ni Chang Hsu na platform para kanyang math lessons.
Paano naman kasi, bilyun-bilyong netizens ang dumaragsa sa Pornhub.
Ayon sa statistics, may 11.4 billion mobile visits ito globally mula 2022 hanggang January 2024.
Pang 16th ang porn site sa 51 list of most-visited website as of August 2024, ayon sa data ng Semrush at Similarweb.
Mukha namang ginalingan masyado ni Chang Hsu ang pagko-compute dahil bukod sa views, malaki rin ang kanyang kita at naging milyonaryo siya.
Read: Starbucks CEO to use private jet for regular office commutes

MATH LESSONS IN PORNHUB
Daan-daang Calculus tutorial videos na ang nai-upload ni Chang sa porn site.
Sinimulan niya ito noong May 2020 at makalipas lamang ang isang taon ay napansin siya at naiulat sa mga foreign websites.
Sa videos ng guro, makikita siyang nagbibigay ng Calculus lessons in Mandarin at nagsusulat sa blackboard gamit ang chalk.
Mukha siyang typical school teacher na nagtuturo.
Sa previous reports, binanggit na ang kanyang account na “changhsumath666” ay mayroong 1.8 million views at 8.8 subscribers.
Ang isa pa niyang account na Changhsumath na may 3.4 million views at may 17.3 subscribers.
Matataas din ang average views ng kanyang videos na may five hanggang six figures.
Dahil dito, nakahikayat siya ng maraming students sa iba’t ibang bahagi ng mundo na mag-enroll sa kanyang paid classes gamit ang iba’t ibang platforms.
Ayon sa 2021 article ng Channel News Asia (CNA), si Chang ay kumikita ng 7.5 million new Taiwan dollars o $269,300 per year. Katumbas nito ay PHP15 million kada taon.
Read: Thai company offers paid date leave for employees

WHO IS CHANG HSU?
Si Chang Hsu ay dalawang dekada nang nagtuturo ng math, kung saan meron siyang master's degree.
Siya ngayon ay 36-37 years old.
Unang sinubukan ni Chang na mag-post ng tutorial videos sa YouTube, pero hindi gaanong napansin ang kanyang channel dahil sa dami ng mga kakumpitensiya.
“I asked myself where to find my target students, say college boys, and the answer popped out: adult video platforms,” ang sabi niya sa panayam ng CNA.
Hindi siya nagkamali sa tinahak na landas.
Sabi niya, “The online teaching market is highly competitive, and I can now attract 1,000 students each year, compared with an average of a few hundred for a calculus tutor.”
Sinubukan din ni Chang na magbukas ng account sa iba pang adult sites pero nare-reject siya dahil sa kanyang non-adult content.
May mga gumaya na rin kay Chang at nag-isip ng ibang paraan para mag-standout ang kanilang content.
Sana lang, ang mga estudyanteng bumibisita sa Pornhub para monood ng math tutorials ni Chang ay over 18 years old na.
