Ang paghahagis ng wedding bouquet ay isang tradisyon sa kasalan na nagsimula sa United Kingdom noong 1800s, at naging popular sa buong mundo.
Matapos ang kasal, pipila ang mga single ladies saka patalikod na ihahagis ng bride ang kanyang wedding bouquet.
Pinaniniwalaang ang sinumang makasalo nito ang siyang sunod na ikakasal.
Isa ito sa pinakamasaya at pinakaaabangang yugto sa wedding reception.
Read: Groom learns bride is 25 years older than him on eve of wedding
Ngunit hindi ganito ang nangyari sa isang kasalan sa Bosnia na ginanap noong September 9, 2024.
Sa ulat ng entertainment news website na What’s the Jam last September 10, matapos ihagis ng bride sa mga single ladies ang kanyang wedding bouquet, naging mitsa iyon ng rambulan.
Read: Woman not going to sister's wedding; groom is her cheating ex-BF

Read: Woman finds out she's invited to wedding to babysit guests’ kids
Bawat isa sa mga ito ay matindi ang paghahangad na makuha ang wedding bouquet.
At kahit meron nang nakasalo, may mga nagtangka pa ring umagaw sa masuwerteng na-landing-an ng mga bulaklak.
Dahil doon, nalagas ang mga talulot.
Nagkapikunan ang mga single ladies, at ang agawan ng bouquet ay nauwi na sa pisikalan at sabunutan.
May mga napunit din ang suot na shining, shimmering, and splendid evening gowns.
Tatlo sa mga ito ang nagpang-abot at talagang desididong makuha ang bulaklak.
In short, nawalan ng poise ang mga kadalagahang sumali sa wedding bouquet toss.
Read: Bride breaks ankle after giving groom piggyback ride
TATLONG NAG-AGAWAN SA WEDDING BOUQUET, HINDI MAAWAT
Tatlo sa single ladies ang very competitive at nagtangkang awatin ang mga nag-agawan sa wedding bouquet.
Maging ang bride ay lumapit sa mga ito para masawata.
Ang disc jockey sa venue ay nakiusap na sa mga babae na itigil na ang tila wrestling match dahil nagkakasakitan na sila.
May nag-suggest ding ihagis na lang muli iyon ng bride.
Pero hindi pa rin nagpaawat ang tatlo.
Read: Couple who died in car accident wedded via ‘ghost marriage’

Read: Bride gets fired from job on her wedding day
Ang ibang bisita na noong una ay na-shock ay natawa na lang sa nangyari.
Ayon sa ulat, isa sa mga bisita ang nagsabing nang matumba na umano sa sahig ang tatlong nag-aagawan sa wedding bouquet, hindi na maawat ang mga ito.
“It becomes a matter of principle to not let go,” sambit ng bisita.
Read: True love? 23-year-old woman marries 80-year-old man
NETIZENS NA-TURN OFF SA TATLONG NAG-AGAWAN SA WEDDING BOUQUET
Nang i-upload ng website ang video ng naganap na insidente, karamihan sa netizens ay nagsabing ang tatlong nag-agawan sa wedding bouquet ay “pathetic” at mga walang dignidad.
Read: Bride and groom ask wedding guests to pay for the food

Read: Judge officiates wedding of criminal soon after sentencing
Komento ng isa, kung kasama ang girlfriend niya sa tatlong nakipagrambulan para lang makuha ang bulaklak, “I would have quietly disappeared.”
Sambit naman ng isa pa, “These women would win medals in wrestling.”
Marami naman ang na-curious kung sino sa mga single ladies ang nakakuha ng wedding bouquet—at kung ano ang hitsura ng mga ito nang matapos ang kaguluhan.
Sa video ay hindi na nakita kung ano ang naging kinatapusan ng insidente—at kung sino ang nagwagi.
