Ginawang doorstop o harang sa pinto ng matandang babae ang isang bato na napulot niya sa batis sa Colti, isang bayan sa siyudad ng Buzau County sa Romania.
Sa loob ng napakaraming taon, hindi natuklasan ng matanda na isa pala itong fossil rock.
Binawian na siya ng buhay nung may nakadiskubreng nagkakahalaga pala ng one million euros o $1.1 million (PHP61.4 million) ang kanyang doorstop!
Bukod pa rito, isa na ngayong mahalagang historical item ang bato na may timbang na 3.5 kilos o 77 pounds.
Ito ang kuwento ng semi-precious stone na itinuturing ngayong isa sa pinakamalaking amber nuggets sa mundo—ayon sa ulat ng El Pais, isang Spanish-language daily newspaper sa Spain, nitong September 3, 2024.
Pero sino ang nakadiskubre sa tunay na halaga ng bato?
Read: Miss Switzerland finalist strangled, "pureed" in blender
rock turns out to be A SEMI-PRECIOUS STONE
Pumanaw ang matanda noong 1991, at ang bahay ay minana ng isang lalaking kamag-anak, na siyang nakatuklas sa semi-precious stone na ginawang doorstop.
Isang beses, pinagmasdan niyang maigi ang bato, naisip niyang hindi ito pangkaraniwan dahil sa kakaiba nitong kulay.
Tama ang kanyang hinala.
Ang bato ay ibinenta niya sa Romanian state sa halagang one million euros, at idineklara itong isang national treasure.

Ipinasilip pa ng Romanian authorities ang bato sa mga experts mula sa Museum of History sa Krakov, Poland. Merong department doon na sumusuri sa mga semi-precious stones.
Kinumpirma ng Polish specialists na legit ang amber stone at tinatayang 38.5 to 70 million years old ito.
“Its discovery represents a great significance both at a scientific level and at a museum level,” ani Daniel Costache, direktor ng Provincial Museum of Buzau.
Nakatago ngayon sa museo sa Buzau ang amber stone, na ayon sa experts ay “one of the largest” sa uri nito.
Kinumpirma rin ni Costache sa El Pais na nilooban at ninakawan noon ang bahay ng matandang babae, pero ang tinangay ay ilang alahas na mababang klase.
Dinedma nila ang bato.
“In their frantic search for valuables, they overlooked the real treasure that was there before their eyes,” sambit ng mga kamag-anak.
Read: Teacher posting math tutorials on porn site earns PHP15M a year
ROMANIA RICH IN PRECIOUS STONES
Hindi naman kataka-takang napulot ang bato sa Romania, isa sa mga bansang may mayamang deposito ng amber.
Sa katunayan, ang tinatawag ng mga experts na Buzau amber ay hango sa pangalan ng siyudad, na kabilang sa rehiyon na kanlungan ng “nature reserve” para sa maraming amber nuggets.
Ang ilan sa mga amber ay nagtataglay pa ng fossilized items, tulad ng reptiles, crustaceans, arachnids, mga insekto, pati na rin mga balahibo ng ibon at buhok ng mga hayop.
