PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Husband arrested for phone stalking his wife

...even if they live together.
by KC Cordero
Published Sep 17, 2024
Man making a phone call, woman receiving a phone call
Kakatwa ang ginawang pag-phone stalk ng mister sa kanyang misis dahil magkasama naman sila sa bahay. Sa imbestigasyon ng pulisya, wala rin silang isyu sa kanilang relasyon at hindi nag-aaway. (Photos for illustration purposes only, courtesy of Freepik)

Naaresto ang isang lalaking Japanese dahil sa pagtawag sa kanyang misis sa telepono nang mahigit 100 beses kada araw.

Ginagamit niya ang hidden number feature ng kanyang smartphone kaya hindi siya matukoy ng misis.

Ayon sa ulat ng Kobe Shimbun, isang pahayagan sa Japan, noong September 13, 2024, sinabi ng mister na nagawa niyang i-phone stalk ang kanyang misis dahil sa labis na pagmamahal niya rito.

Read: “Wedding destroyer” gets paid by brides not ready to get married

Woman receiving a phone call
Hindi ma-block ng misis ang misteryosong caller na 100 beses kung tawagan siya sa loob ng isang araw. Gumagamit kasi ito ng hidden number feature ng smartphone kaya hindi nagrerehistro ang phone number. Photo: Screenshot at Freepik
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Wedding bouquet toss turns into wrestling match among ladies

Batay sa imbestigasyong isinagawa ng pulisya sa Hyogo Prefecture, ang mister ay 38 years old at naninirahan sa Amagasaki City, na isang oras ang layo sa Kyoto.

Thirty-one years old ang kanyang misis.

Hindi na isinapubliko ng pulisya ang kanilang mga pangalan.

Ang mister ay inaresto dahil sa "stalking," na isang criminal offense sa Japan at may parusang pagkakakulong at pagmumulta.

Read: Influencer admits PHP8-million cosmetic surgery changed her life

JULY PA NAGSIMULA ANG PHONE STALKING NG HUSBAND

Kakatwa ang ginawang pag-phone stalk ng mister sa kanyang misis dahil magkasama naman sila sa iisang bubong.

Sa isinagawang imbestigasyon, lumalabas na nagsimulang tawagan ng mister ang kanyang misis gamit ang hidden number feature ng kanyang smartphone simula pa noong July 10 hanggang August 4.

Kadalasan, halos 100 times tumatawag; minsan-minsan, 12 times lang.

Read: 1975 10-centavo coin without mint mark now worth PHP28M

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

WIFE NAGHINALANG ANG PHONE STALKER ay ang kanyang husband

Napansin naman ng misis na nangyayari lang ang phone stalking kapag hindi sila nakahiga sa kama ng kanyang husband.

O kaya ay kapag nakikigamit si misis ng smartphone para maglaro ng video games.

At naalala niya, walang tumatawag sa kanya pag magkasama o magkatabi sila ni mister.

Dito nabuo ang kanyang hinala na ang kanyang phone stalker ay ang kanyang husband.

Read: Viral salad videos cause shortage of cucumber in Iceland

Man making a phone call
Naobserbahan ng misis ang pattern ng pagtawag ng misteryosong caller, at naghinala siyang baka iyon ang kanyang mister. Photo for illustration purpose only. Photo: Screenshot at Freepik
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Appliance store loses PHP236M in 20 minutes due to pricing error

Noong July 24, dahil naging iritable na siya sa maya’t mayang pagtawag sa kanya ng anonymous caller, nagsumbong na siya sa pulisya.

Sinabi niya sa mga awtoridad na tuwing tatawag ang anonymous caller at sinasagot niya, tahimik lang ito at hindi nagsasalita.

Ang ginagawa niya, pinuputol na lang niya ang tawag nito.

At dahil hindi niya nakikita ang phone number ng tumatawag, hindi niya iyon ma-block.

Read: Venezuela to celebrate Christmas on October 1 this 2024

HUSBAND KAKATWA ANG DAHILAN SA GINAWANG PHONE STALKING SA WIFE

Sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya noong September 4, nadiskubreng ang husband nga ang tumatawag sa kanyang misis.

Napag-alaman ding walang isyu o away na namamagitan sa mag-asawa at maayos ang kanilang marriage.

Nang tanungin ng mga imbestigador ang lalaki kung bakit ini-stalk niya ang kanyang misis, ang kanyang naging sagot: “I love my wife, and made phone calls to her without saying anything.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: “World’s most expensive cigar lighter” is worth PHP28M

Kinumpirma naman ng pulisya na ang kaso ng husband ang pinakaunang insidente ng phone stalking na sangkot ang mag-asawang magkasama naman sa iisang bubong.

Read: Acupuncture clinic uses crazy number of needles to cure patients

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kakatwa ang ginawang pag-phone stalk ng mister sa kanyang misis dahil magkasama naman sila sa bahay. Sa imbestigasyon ng pulisya, wala rin silang isyu sa kanilang relasyon at hindi nag-aaway. (Photos for illustration purposes only, courtesy of Freepik)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results