Si Crumbs ay isang rescue cat na may timbang na 17 kilograms.
Inaalagaan siya ngayon sa Matroskin Shelter, isang pet diet center sa Perm, Russia.
Isinasailalim din siya sa mahigpit na workout regimen and food rationing para mabawasan ang kanyang timbang.
Nitong September 11, 2024 ay nadiskubre ng staff ng diet center na tinangka ni Crumbs na tumakas.
Sa kasamaang palad, naipit siya sa dinaanang shoe rack.
Read: Meet Fedya, a cat who looks like cartoon character

Read: Fur mom had her sick dog euthanized; why is it alive?
Sa Telegram post ng pet rehabilitation expert na si Ekaterina Bedakova, ibinahagi niya ang tangkang pagtakas ni Crumbs.
Ani Ekaterina, “He caused a ruckus and escaped today.”
Biro pa niya, “He was extremely displeased when we found him disguised as slippers, but… after a portion of food, he mellowed out.”
Read: Golden retriever pup named Shamrock born with lime green fur
OVERFED SI CRUMBS KAYA TUMABA
No pun intended, pero dahil sa sobrang laki ni Crumbs ngayon ay napakabigat ng kanyang pinagdaraanan.
Tinawag siya sa kanyang pangalan dahil sobrang hilig niyang kumain ng crumbs o mugmog ng tinapay.
Nadiskubre siya sa basement ng isang ospital sa Russia noong September 6.
Read: Dog poops on live TV broadcast, shocking anchor

Read: Woman with more than 150 cats and dogs banned from keeping pets; to pay PHP9M for damages
Madalas pakainin si Crumbs ng hospital staff ng tinapay at soup.
Dahil may katakawan ding taglay, sige lang siya sa kain hangga’t may nagbibigay.
Tumaba nang tumaba si Crumbs, at dumating sa punto na hindi na siya makalakad.
Dito na siya ni-rescue ng pet center.
Dahil sa sobrang taba at bigat niya, hanggang ngayon ay hindi pa masuri ng mga veterinarians kung bukod sa pagiging obese ay may iba pa siyang taglay na sakit.
Read: Stolen pup found by real owner on Facebook after 7 years
CRUMBS, SOBRA NG 13 KILOS ANG TIMBANG
For reference, ang mga domestic cats ay dapat na may timbang lang na hindi lalampas sa 4.5 kilos.
Gayunpaman, ang bigat ng pusa ay depende rin sa breed nito.
Si Crumbs ay isang ginger cat na ang normal na timbang ay dapat nasa 3.6 kilos lang.
Batay sa kanyang timbang ngayon, sobra siya ng 13 kilos.
Ang ginger cat breed ay super chill at malambing. Gustung-gusto rin nitong lumalapit sa mga tao.
Ang mga katangiang ito ang dahilan kaya napasobra naman ang pagpapakain sa kanya ng hospital staff.
“Crumbs’s story is an extremely rare case when someone loved a cat so much that they fed him to such a state,” ayon sa tagapagsalita ng Matroskin Shelter.
Read: Cute na pusang natutulog sa kalye, nagmistulang celebrity at nabigyan pa ng money
ISINAILALIM SA STRICT DIET AT EXERCISE
Para maibalik si Crumbs sa kanyang normal na timbang, isinailalim siya ng shelter employees sa pound-shedding pilgrimage—kabilang ang bago niyang diet at regular treadmill workouts.
Para sa ganitong klase ng ehersisyo, pinapalakad siya sa water tank sa halip na sa treadmill para mabawasan ang strain sa kanyang joints.
Read: 7 Persian cats na nagmana ng PHP16M, ang daming gustong umampon

Read: Meet Venus: Ang pusa na may dalawang mukha
Sa isang video na ini-upload ng shelter ay makikita si Crumbs na tila kabadong naglalakad sa submerged contraption.
Binawasan din ang balahibo sa kanyang tiyan para mas mabilis siyang patuyuin pag tapos na ang kanyang aquatic aerobics sessions.
Read: Parrot na nawawala, naibalik sa owner dahil marunong magsalita
VETERINARIANS, confident na BABALIK SA TAMANG TIMBANG SI CRUMBS
Positibo ang mga veterinarian sa animal shelter na babalik sa normal na timbang si Crumbs dahil sa kanyang bagong routine.
Kung magpapatuloy ang kanyang bagong health regimen, tinataya ng mga vets na mababawasan siya ng 50 hanggang 70 grams kada linggo.
Sa katunayan, sinabi ni Ekaterina na magandang senyales ang pagtatangkang tumakas ni Crumbs na tumakas.
Nagpapahiwatig umano iyon na nakaramdam na ito ng paggaan ng katawan, at patunay na isa siyang active cat.
Mas hihigpitan nga lang nila ngayon ang pagbabantay rito para hindi tuluyang makatakas.
