PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

8-year-old girl drives mom’s SUV to shop and have Frappuccino

Komento ng netizen: “The Frappuccino was very demure.”
by KC Cordero
Published Sep 19, 2024
Photo of 2020 Nissan Rogue, and a cup of Frappuccino
Humanga ang netizens sa driving skills ng batang babae na itinakas ang sasakyan ng kanyang ina para makapagkape at mag-grocery. (Photos for illustration purposes only, courtesy of Everett Herald, Freepik)

Isang eight-year-old na batang babae at isang SUV ang napaulat na nawawala noong September 15, 2024, sa Bedford City, Ohio.

Hindi na binanggit ang pangalan ng bata.

Ang sasakyan naman ay isang 2020 Nissan Rogue, na pag-aari ng ina ng bata.

Read: Husband arrested for phone stalking his wife

Photo of 2020 Nissan Rogue
Ang nasa larawan ang modelo ng 2020 Nissan Rouge na ginamit ng bata. For illustration purpose only. Photo: Photo courtesy of Irene Auto Sales
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: “Wedding destroyer” gets paid by brides not ready to get married

Ang insidente ay ibinahagi ng Bedford Police sa official Facebook account nito noong September 16.

Sa isinagawang imbestigasyon, napag-alamang bandang alas nuwebe ng umaga nang mapansing nawawala ang bata at ang sasakyan.

Sinabi ng pamilya ng bata na huli itong nakita sa kanilang tahanan bandang alas siyete ng umaga.

Nang maghanap ang pulisya, may natanggap na report na may batang namataang nagmamaneho ng isang sasakyan sa kalapit na daan, kaya agad na tinugpa ng mga awtoridad ang naging destinasyon nito.

Pero hindi na naabutan ang sasakyan.

Read: Wedding bouquet toss turns into wrestling match among ladies

BATA NAKITA SA GROCERY STORE, UMIINOM NG FRAPPUCINO

Hindi nagtagal, isa pang report ang natanggap ng pulisya na ang SUV na hinahanap ay nasa parking lot ng Target store sa Bainbridge.

Nasa 21 kilometers ng layo nito mula sa residence ng pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Agad iyong pinuntahan ng mga pulis.

Matapos matiyak na ang SUV na nga ang hinahanap ng pamilya, nagsaliksik naman ang mga pulis sa loob ng store.

Nakita nila roon ang bata—na umiinom ng Frappuccino.

May mga items na rin itong napili na nakalagay na sa cart, pero hindi pa nababayaran.

Read: Influencer admits PHP8-million cosmetic surgery changed her life

Screenshot of Bedford Police's Facebook post
Ang screenshot ng Facebook post ng Bedford Police tungkol sa insidente. Photo: Screenshot at Bedford Police Facebook
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: 1975 10-centavo coin without mint mark now worth PHP28M

Umabot ang dapat sana’y pinamili nito sa US$400 o PHP22,303.40—pero ipinasauli ng parents nito.

Hindi ito nadisgrasya o nasaktan sa pagmamaneho, pero sinabi nito sa mga pulis na nakasagi ito ng isang mailbox.

Hindi na binanggit ng mga pulis kung bakit nagdesisyon itong magpunta sa store gamit ang SUV ng ina.

Wala na ring binanggit kung anu-ano ang mga napagdaanan pa nito sa pagbiyahe maliban sa pagkakasagi sa mailbox.

Agad din itong naibalik sa pamilya nito, maging ang sasakyan.

Hindi pa puwedeng sampahan ng pulisya ng kaso ang bata dahil sa edad nito.

Kasalukuyan pa ring iniimbestigahan ang insidente.

Read: Viral salad videos cause shortage of cucumber in Iceland

NETIZENS NA-IMPRESS SA DRIVING SKILLS NG BATA

Matapos i-post ng Bedford Police sa Facebook ang insidente, maraming netizens ang hindi makapaniwala.

May nagtanong pa kung isa lang itong prank.

Marami ang nagkumpirmang totoo ang insidente dahil laman ito ng mga balita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Natuwa naman ang ilan na hindi ito naaksidente.

Read: Appliance store loses PHP236M in 20 minutes due to pricing error

Screenshot of netizens' comments
Mabuti na lang ayon sa netizens na hindi nasaktan o nakaaksidente ng ibang tao ang bata. Photo: Screeshot at Bedford Police Facebook

Read: Venezuela to celebrate Christmas on October 1 this 2024

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sambit ng isang nagkomento, “Yes it was dangerous! But it’s very impressive! The Frappuccino was very demure.”

Napansin ng ibang netizens na mas mahusay pa raw ang bata sa ibang adult drivers.

May mga nagsabi namang sana ay hindi na lang isinauli ang mga nasa shopping cart ng bata at binayaran na lang ng parents nito.

Yun din naman umano ang dahilan kaya nito minaneho ang SUV papunta sa store.

Read: “World’s most expensive cigar lighter” is worth PHP28M

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Humanga ang netizens sa driving skills ng batang babae na itinakas ang sasakyan ng kanyang ina para makapagkape at mag-grocery. (Photos for illustration purposes only, courtesy of Everett Herald, Freepik)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results