Isang government employee ang pinagmulta ng 27,000 euros o $30,000 (PHP1.6 million).
Bakit? Sumahod kasi siya sa loob ng anim na taon kahit na hindi siya pumapasok sa trabaho.
Ang reklamo ng employee na isang engineer, pinagkaisahan daw siya ng kanyang mga katrabaho, ulat ng El Mundo, isang online newspaper sa Spain.
Ito ang kuwento ni Joaquin Garcia, technical director ng Aguas de Cadiz, ang municipal water company sa nasabing siyudad sa Spain.
Mayroon siyang annual salary na 37,000 euros o PHP2.2 million.
Noon pang 2016 ang ulat na ito, pero nabuhay na naman ang interes ng netizens sa kuwento dahil nai-share muli sa social media.
ENGINEER has NOT been REPORTing TO WORK FOR YEARS
Minsan, hinanap ng supervisor si Joaquin para maabisuhang makakatanggap siya ng service award dahil 20 years niyang pagtatrabaho sa kumpanya.
Dito nadiskubreng hindi na pala pumapasok sa trabaho si Joaquin sa nakalipas na anim na taon at baka higit pa.
Ulat ng El Mundo, nagsimulang magtrabaho ni Joaquin sa gobyerno noong 1990, at inilagay siya sa municipal water company para i-manage ang waste water treatment plant noong 1996.
Taong 2010 siya dapat gagawaran ng service award ng deputy mayor at that time na si Jorge Blas Fernandez.
Pero hindi nila mahagilap si Joaquin.
Lahad ng deputy mayor: “He was still on the payroll. I thought, ‘Where is this man? Is he still there? Has he retired? Has he died?’”
Isang officemate ang nagsabing matagal na niyang hindi nakikitang pumapasok si Joaquin sa trabaho.
Read: Fast-food worker for 27 years buys house, food truck

Tinawagan ng deputy mayor si Joaquin: “I asked him: what are you doing? What did you do yesterday? And the previous month?'
“He could not answer.”
Sinampahan ng reklamo si Joaquin.
Noong 2016, pinagmulta siya ng korte ng 27,000 euros (PHP1.6 million) dahil napatunayang hindi siya pumapasok sa opisina for “at least six years” at hindi nagtrabaho “between 2007 and 2010, the year before he retired.”
Pagtatanggol naman ni Joaquin, pumapasok umano siya subalit paiba-iba ang kanyang working hours.
Sinabi rin niyang biktima siya ng pambu-bully sa workplace.
Noong 1996, inasahan daw ni Joaquin na i-assign siya sa ibang government agency, subalit inilagay siya sa wastewater treatment plant, na noong mga panahong iyon ay under construction, kaya “there was nothing to do.”
Sinabi naman sa report ng El Mundo na hindi lang six years—kundi 14 years—na hindi pumasok sa trabaho si Joaquin.
Paliwanag naman ng kanyang mga kaibigan, hindi nagreklamo si Joaquin tungkol sa pangha-harass umano sa kanya dahil may pamilya siyang sinusuportahan.
Natakot din siyang baka hindi na makahanap ng trabaho dahil nasa late 60s na siya noon.
Binanggit sa korte na inakala ng municipal water company na si Joaquin ay responsibilidad ng city council, pero inakala naman ng city council na hindi na siya kargo dahil sa municipal water company na siya nagtatrabaho.
Dahil sa kalituhan sa kanyang posisyon sa trabaho, ginugol na lamang ni Joaquin ang atensiyon sa pagbabasa at pag-aaral ng philosophy.
Read: Rock used as doorstop for decades turns out amber worth PHP61M
NETIZENS REACT
Iba-iba naman ang reaksiyon ng netizens matapos lumabas muli sa social media ang kuwento.
Biro ng ilan, saan daw ang kumpanyang ito at gusto nilang mag-apply.
May nagbahaging ganito raw ang naranasan ng isang netizen, pero sa loob lamang ng tatlong buwan.


May ilang seryoso naman ang komento.
Sabi ng isa, dapat daw ay pinatalsik sa trabaho ang boss ng empleyado.
Hayag naman ng isa pa, patunay raw ito na may mga pagkakataong walang pakialam ang kumpanya sa isang empleyado.

