PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

64-year-old woman battles 4-meter python for two hours

Arrum Arunroj attacked by unwanted visitor.
by Jojo Gabinete
Published Sep 18, 2024
python thai woman
A 64-year-old Thai woman was strangled by a four-meter python at her home. It took two hours before her neighbors were able to rescue her.
PHOTO/S: Canva

Nailigtas sa kapahamakan ang 64-year-old Thai woman na si Arrom Arunroj matapos lingkisin ng isang malaking sawa sa loob ng dalawang oras.

Ang sawa ay may timbang na 20 kilos at na apat na metro.

Read: Crumbs, overweight cat, put on strict diet and exercise regimen

arrum arunroj snake
Photo/s: Screen grab from The Nation
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa ulat ng The Nation ng Thailand, nangyari ang nakapangingilabot na insidente sa tahanan ni Arunroj sa Phra Samut Chedi district, Thailand, noong Martes nang gabi, Setyembre 17, 2024.

Pagod na pagod at nanghihina si Arunroj nang iligtas siya ng mga miyembro ng Samut Prakan Poh Tek Tung Foundation.

Read: Wedding bouquet toss turns into a wrestling match among single ladies

THE SNAKE ATTACK

Nagtatrabaho si Arunroj bilang katulong sa isang ospital sa Bangkok.

Solo na lamang siyang naninirahan sa kanyang tahanan mula nang pumanaw ang asawa niya noong 2023.

Ikinuwento ni Arunroj na umuwi siya sa bahay niya mula sa trabaho at kumain ng hapunan ng alas-otso y medya ng gabi.

Matapos maghapunan, nagpunta si Arunroj sa likod ng bahay niya para hugasan ang kanyang pinagkainan.

Habang naghuhugas ng mga pinggan, naramdaman ng biktima na may kumagat sa kanyang hita at saka niya nakita ang sawa na biglang umatake siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tinangka ni Arunroj na sunggaban ang sawa pero hindi umubra ang kanyang lakas.

Nagpagulong-gulong sila sa lupa ng sawa na mabilis pumulupot sa katawan niya.

Read: Man dies after 23 of his teeth are removed in a single session

Sa loob ng dalawang oras, humingi ng tulong si Arunroj sa pamamagitan ng pagsigaw, pero hindi siya narinig ng mga kapitbahay niya.

Bandang alas-diyes ng gabi nang marinig ng isang nagdaraang tao ang pagdaing at paghingi ni Arunroj ng tulong. Ito ang tumawag ng saklolo.

Napilitan ang mga nagligtas kay Arunroj na wasakin ang nakakandadong pinto ng bahay niya para makapasok sila.

Tumagal ng kalahating oras ang pagliligtas kay Arunroj dahil sa mahigpit na pagkakalingkis ng sawa.

Nagtamo siya ng mga sugat dahil sa kagat ng malaking sawa.

Binigyan agad siya ng first aid bago isinugod sa pinakamalapit na ospital.

arrum arunroj
Photo/s: Screen grab from The Nation
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Walang kamandag ang mga sawa pero puwedeng maimpeksiyon ang sugat na dulot ng kanilang mga kagat.

Sa kasalukuyan, nagpapagaling si Arunroj sa ospital na pinagdalhan sa kanya.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A 64-year-old Thai woman was strangled by a four-meter python at her home. It took two hours before her neighbors were able to rescue her.
PHOTO/S: Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results