Nauwi sa demandahan ang isang harmless event na nagsimula sa water-gun toy.
Dumalo si Wendy Washik, 58, ng Simcoe, Ontario, Canada, sa isang barbecue party para ipagdiwang ang Labor Day weekend noong September 1, 2024.
Nakipaglaro siya sa ilang bata gamit ang isang water gun.

Pagsasalaysay ni Wendy sa panayam sa kanya ng CTV News ng CTV Television Network sa Canada last September 11, pinag-aaralan niya kung paano ang paghawak na water gun dahil hindi na raw siya gaanong familiar sa bagong versions nito.
Dagdag niya, “I was going through the gate, and it accidentally hit the neighbor that was maybe three feet away, cutting his grass.”
Agad umano itong nagsisigaw at pinagbintangan siyang pisikal na inatake ito.
Read: Father shoots judges after daughter fails to win beauty title
NEIGHBOR SADYANG MAREKLAMO
Ang kapitbahay na hindi na tinukoy ang pangalan ay kilala sa neighborhood na masyadong maligalig.
Marami itong hindi kasundong kapitbahay.
Mahilig din itong magsumbong sa mga pulis para magreklamo kahit sa maliliit na isyu, gaya ng kapag may nakatambay sa tapat ng bahay nito.
Nagulat si Wendy na tumawag pala sa pulisya ang kanyang kapitbahay, na ini-report ang pagiging biktima ng physical assault.
Read: Student caught using AI to cheat during entrance exam
Nang dumating ang isang Norfolk County officer sa bahay nina Wendy, ipinaliwanag niya ang nangyari.
Pero hindi pinakinggan ng kapitbahay ang paliwanag niya.
Ang ending: dinala si Wendy sa presinto.
Sabi niya sa panayam, “They didn’t ask me one question.
“They didn’t ask to see the water gun. Not one question asked. My husband was in disbelief.”
Read: Man kills neighbor over question about being single
KINASUHAN NG “ASSAULT WITH A WEAPON”
Dahil sa reklamo ng kanyang neighbor, sinampahan si Wendy ng “assault with a weapon.”
Tinanong ng iba’t ibang media outlets sa Canada ang Ontario Provincial Police (OPP) kung bakit nasampahan ng mabigat na reklamo si Wendy gayung hindi naman niya sinadya ang nangyari, ang naging sagot ng tagapagsalita ng OPP: “Every situation is unique. Everyone has a right to a safe environment.”

Ayon pa sa tagapagsalita ng OPP, “It would be inappropriate for the OPP to comment on specific details to protect the integrity of the investigation and any ensuing court processes.”
Read: Online gamer flies to confront and violently attack fellow gamer
WENDY PINAG-LEAVE SA TRABAHO DAHIL SA KASO
Sinikap ni Wendy na mag-apologize agad sa neighbor matapos niya itong aksidenteng mapasiritan ng water-gun toy.
Pero matigas ang kalooban nito at hindi tinanggap ang kanyang sorry.
Ang insidente ay gabi-gabi raw iniiyakan ni Wendy.
Hindi rin siya makapaniwala na ni hindi man lang nagbigay sa kanya ang pulisya ni isang tanong tungkol sa nangyari.
“It just blows my mind that this has happened to me.”
Si Wendy ay nagtatrabaho bilang isang educational assistant sa Brant Haldimand Norfolk Catholic District School Board.
Pansamantala siyang pinag-leave sa trabaho dahil din sa insidente.
Duda niya, hindi siya pababalikin sa trabaho hangga’t hindi pa nareresolba ang kanyang kaso.
Read: Angry girlfriend runs over boyfriend carrying their baby
FUND-RAISING CAMPAIGN PARA KAY WENDY, NA-TAKE DOWN
Dahil pansamantalang walang trabaho, kinapos ng pang-gastos si Wendy at ang kanyang pamilya.
Kinailangan din niyang mag-hire ng abogado para maipagtanggol ang sarili sa reklamo.
Nag-set up ng fund-raising campaign ang kanyang pamilya sa GoFundMe para makalikom ng pondo.
Pero na-take down ang sinimulang campaign ng kanyang anak na si Randi matapos makalikom ng halos $12,000 CAD o PHP489,470.31.
Ayon kay Randi, na-shutdown ito dahil ang inihihingi ng tulong ng kanyang ina ay, ayon sa site, “technically a criminal charge.”
Pero nilinaw ni Randi na ang halagang nai-raise ay hindi pa rin natatanggap ng kanilang pamilya mula sa site.
Sinimulan din nila ang GiveSendGo campaign para sa legal fees ni Wendy. Nakakolekta na ito ng $2,000 CAD o PHP88,792.80.
Nag-set up din sila ng Change.org campaign, at mayroon nang 300 na lagda.
Ang goal ay makakolekta ng 500 signatures para maiprotesta ang kaso laban kay Wendy at maibasura iyon.
Nakatakdang humarap si Wendy sa hukuman sa September 24.
