PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Fake doctor arrested for botched male enhancement procedure

20 years na niyang ginagawa, ngayon lang may nagreklamo
by KC Cordero
Published Sep 25, 2024
Fake doctor with a girl, and when being arrested
Grade 9 lang ang natapos ng lalaking fake doctor na si Kittikorn Songsri at natuto siya ng penis enlargement procedure noong 14 years old siya sa pamamagitan ng pagre-research. Twenty years na siyang nagsasagawa nito bago may nagreklamo laban sa kanya. (Photos courtesy of (L) MailOnline, (R) Bangkok Post)

Inaresto ng pulisya sa Thailand ang isang lalaking nagpe-perform ng penis enlargement procedure kahit hindi ito lisensyadong doktor.

Sa ulat ng Bangkok Post last September 20, 2024, nakilala ang suspek na si Kittikorn Songsri, 36, at residente ng Samut Sakhon City.

Nahuli siya ng mga pulis noong September 19 sa isinagawang sting operation sa isang townhouse sa Om Noi, isang subdistrict ng Krathum Baen district, kung saan siya nagsasagawa ng silicone injections at pearl implants.

Read: Father installs CCTV camera on daughter’s head to protect her

Fake doctor being arrested
Ang suspek habang inaaresto ng mga awtoridad. Siniyasat din ang mga ginagamit niyang equipment sa male enhancement procedure. Photo: Screenshot at Bangkok Post
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Woman sprays neighbor with water gun, charged with assault

Napag-alaman na si Kittikorn ay nagsasagawa ng penis enlargement treatments sa loob ng 20 taon sa kabila ng kawalan niya ng medical training.

Inireklamo siya ng isang customer na tinamaan ng severe infection matapos ang procedure.

Read: Beauty clinic scams young man to get boob job

SUSPEK UMAMING ISANG FAKE DOCTOR

Inamin ni Kittikorn sa mga pulis na umaresto sa kanya na hindi siya totoong doktor at nakatapos lang siya ng Mathayom Suksa 3, o Grade 9.

Natuto naman siyang maglagay ng implants sa kaselanan ng lalaki noong 14 years old siya sa pamamagitan ng pagre-research.

Inaresto ang fake doctor kasunod ng reklamo laban sa kanya ng isang male customer na sumailalim sa pearl implant surgery, silicone augmentation and filler injections for penis enlargement.

Ang transaksyon umano sa kanya ay ipinadadaan sa Mai Luai Modify Facebook page.

Read: CHECK THIS OUT: "Toothache Tree" known for curing dental problems

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa male customer, nagkaroon ito ng malalang impeksyon matapos mag-inject ni Kittikorn ng silicon sa private part nito.

Kahit umano nagpagamot na sa lehitimong doktor ang biktima, hindi nawawala ang sakit sa private part nito.

Ang masaklap pa, hindi na rin ito nagkakaroon ng erection.

Nagposte ang pulisya ng undercover officer para makontak si Kittikorn at nagpanggap na implant customer.

Pagdating nito sa townhouse ni Kittikorn, ni-raid ng pulisya ang lugar at inaresto ang fake doctor.

Agad ding siniyasat ng consumer protection police at ng health officials ang mga materyales na ginagamit niya sa illegal penis enlargement treatments.

Read: Woman wins lotto; big brother demands half of her prize

FAKE DOCTOR MAHAL SUMINGIL, HINDI RIN MALINIS ANG “CLINIC”

Sa isinagawang imbestigasyon, bukod sa pagiging fake doctor at walang medical practitioner’s license, natuklasan din na ang mga kama at iba pang equipment na ginagamit ni Kittikorn ay hindi tumutugon sa hygiene standards.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: VIRAL: Video of 2 male teens skating behind speeding truck

Fake doctor's equipment
Nalaman din ng mga awtoridad na hindi malinis ang mga gamit ng suspek sa kanyang clinic. Photo: Screenshot at Bangkok Post

Read: 38-year-old writer chooses to live in home for the elderly

Sinabi naman niyang sa loob ng 20 taon niyang pagsasagawa ng implant and enlargement services, sinisingil niya ang customer ng mula 5,000 baht (PHP 8,560.93) hanggang 20,000 baht (PHP34,244.52).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, karaniwang nagkakaroon siya ng dalawa hanggang tatlong customers kada buwan.

Read: Man stolen as baby reunites with wealthy family after 33 years

MALE ENHANCEMENT PROCEDURE, DELIKADO

Sinampahan ng pulisya si Kittikorn ng kaso dahil sa pagpapatakbo ng medical clinic nang walang permit, at pagganap ng trabaho ng isang doktor kahit walang lisensya.

Ipinaalala naman ng health officials ng Thailand sa publiko na ang pearl implants o filler injections for penis enlargement ay delikado.

Bukod sa impeksyon, nagiging sanhi rin ito ng erectile dysfunction.

Nagbabala naman ang pulisya sa mga pekeng doktor na itigil na ang pagkakaloob ng mga katulad na serbisyo dahil may katapat itong mabigat na kaparusahan sa batas.

Read: "China’s most stubborn man" fails college admission test 16 times

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Grade 9 lang ang natapos ng lalaking fake doctor na si Kittikorn Songsri at natuto siya ng penis enlargement procedure noong 14 years old siya sa pamamagitan ng pagre-research. Twenty years na siyang nagsasagawa nito bago may nagreklamo laban sa kanya. (Photos courtesy of (L) MailOnline, (R) Bangkok Post)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results