PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

World’s luckiest man Frane Selak escapes death 7X, wins lotto

Lima ang kanyang naging misis.
by KC Cordero
Published Sep 27, 2024
Frane Selak holding lotto tickets
Matapos makaligtas ni Frane Selak sa pitong aksidente, tumama siya sa lotto. Dahil sa mga nangyari sa buhay niya, may reputasyon siya bilang world’s luckiest man. (Photo courtesy of All That’s Interesting)

Si Frane Selak na ipinanganak noong June 14, 1929 sa Dubrovnik, Croatia, ay kilala bilang pinakamasuwerteng tao sa mundo.

Ang mga nangyari kay Frane ay maihahalintulad sa isang movie story na mahirap paniwalaan, pero totoong naganap.

Frane Selak holding a newspaper
Pampelikula ang kuwento ng buhay ni Frane Selak, na ang mga pangyayari ay parang ang hirap paniwalaan. Photo: Screenshot at RPP
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero para sa kanya, dahil sa kanyang mga naging karanasan, naniniwala siyang truth is stranger than fiction.

Isang music teacher si Frane at namumuhay nang simple at tahimik.

Pero nang magsimula na ang kanyang series of unfortunate events, naging very challenging na ang kanyang buhay dahil para siyang laging hinahabol ng kalawit ni Kamatayan.

Read: Meet Sheena Mae Obispo: Top 1 in Social Worker Licensure Exam

SURVIVES AN ACCIDENT SEVEN TIMES

Sa artikulong nalathala sa website ng Ripley’s last March 1, 2024, nagsimula ang tila pakikipaglaro ni Frane kay Kamatayan noong noong 1962.

Habang pauwi siya mula sa Sarajevo pabalik sa Dubrovnik, nagkaroon ng freak accident at nahulog ang kanyang sinasakyang train sa ilog.

Labimpitong kapwa pasahero niya ang namatay, pero nagawa niyang makalangoy papunta sa gilid.

Nabalian lang siya ng isang kamay, at nagka-hypothermia dahil sa tagal niyang nasa tubig.

Nang sumunod na taon, bumiyahe siya mula Zagreb papuntang Rijeka sakay ng eroplano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aksidenteng natanggal ang pinto ng eroplano, at bumulusok iyon hanggang tuluyang mag-crash.

Labingsiyam na kasabay ni Frane bilang pasahero ang namatay sa aksidente.

Natagpuan naman siyang walang malay sa babaw ng mga bunton ng dayami.

Sa ospital na siya nagkamalay, nagsisigaw sa takot, pero walang anumang pinsala sa katawan.

Frane Selak recounting the accidents he had
Pitong malalagim na aksidente sa sasakyan ang naligtasan ni Frane Selak. Photo: Screenshot at spacebar.th
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Makalipas ang ilang taon, noong 1966, ang sinasakyan niyang bus ay nahulog na naman sa ilog.

Apat na pasahero ang namatay—but then again—ligtas na naman si Frane at nagtamo lang ng ilang galos.

Ang mga sumunod na taon ay payapa para sa kanya, pero noong 1970, sumabog ang gas tank ng kotseng minamaneho niya

Ayon kay Frane ay talagang dito na siya muntikang namatay. Nagkataon lang na naamoy niyang may nasusunog sa loob ng kotse kaya inihinto niya at agad siyang lumabas bago iyon sumabog.

Isa pang car accident ang naligtasan niya noong 1973.

Inaayos niya ang sirang fuel pump ng kanyang kotse nang biglang magliyab iyon at nadamay maging ang kanyang suot na damit na natilamsikan ng petrol.

Nagawa niyang makagulong sa lupa para maapula ang apoy sa kanyang damit.

Read: Fake doctor arrested for botched male enhancement procedure

Noong dekada 80 ay walang naitalang aksidente sa buhay ni Frane.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero noong 1995, naging laman na naman siya ng mga balita matapos mabangga ng isang bus sa Zagreb.

Bagaman at nasaktan, nakaligtas naman siya sa kamatayan.

Ang ikapito at huling aksidenteng kinasangkutan niya ay noong 1996.

Habang nagmamaneho ng kanyang kotse sa bulubunduking bahagi ng kanilang lugar, nabangga si Frane ng isang truck.

Tumilapon ang kanyang kotse, pero tumama sa isang malaking puno at huminto.

Dahil doon, nagawa niyang makatalon palabas ng kanyang kotse—at nakita pa niya nang tuluyang sumabog ang sasakyan.

May pasubali ang Ripley’s sa mga aksidenteng nangyari kay Frane dahil siya lang ang nagkuwento nito, at walang official verification na ginawa partikular sa train accident at sa plane crash.

Read: Student fails exam after meatball lands on laptop, logs her out

WINS LOTTO

Bukod sa pagkakaligtas ni Frane sa mga aksidenteng kanyang pinagdaanan, may isa pang malaking suwerte na dumating sa buhay niya noong mid-2000.

Tumama siya sa lotto sa Croatia, at nanalo ng US$800,871 o PHP44,868,004.63.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakabili siya ng marangyang tahanan.

Pero nagbago ang kanyang disposisyon, at ibinenta ito noong 2010.

Nagbalik din siya sa kanyang simpleng pamumuhay sa piling ng kanyang ikalimang misis na si Katarina.

Frane Selak while fishing
Sa huling sandali ng kanyang buhay ay mas pinili ni Frane Selak na balikan ang kanyang simpleng buhay sa piling ng kanyang fifth wife. Photo: Screenshot at nanaimonewsnow.com
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Masasabi ring lapitin siya ng mga babae dahil nakalimang misis siya.

Aniya sa isang panayam, “All I need at my age is my Katarina.

“Money would not change anything. When she arrived, I knew then that I really did have a charmed, blessed life.”

Walang nabanggit kung ilang taon si Katarina nang mapangasawa niya.

Read: Customer in restaurant finds rare pearl while eating mussels

Pumanaw si Frane noong November 30, 2016 sa edad na 85.

Bago ang kanyang kamatayan, wala nang naiulat kung nasangkot pa siyang muli sa aksidente.

Ang bahagi ng kanyang napanalunan sa lotto ay ginamit niya sa pagpapa-opera sa kanyang balakang.

Nagpatayo rin siya ng shrine ni Virgin Mary bilang pasasalamat sa kanyang magandang kapalaran.

Read: Father installs CCTV camera on daughter’s head to protect her

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Matapos makaligtas ni Frane Selak sa pitong aksidente, tumama siya sa lotto. Dahil sa mga nangyari sa buhay niya, may reputasyon siya bilang world’s luckiest man. (Photo courtesy of All That’s Interesting)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results