PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Magazine posts obituary of a woman who is still alive

It has been deleted: "Yayyyy I’m alive again."
by KC Cordero
Published Sep 27, 2024
Photo of Faye Finaro and her obituary
Nagulat na lang si Faye Finaro nang tawagan siya ng isang kaibigan para alamin kung buhay pa siya. Nakita kasi nito sa obituary section ng isang magazine ang kanyang larawan. "I might have 30 days of flowers coming. My son found it really funny,” ani Faye. (Photos courtesy of Faye Finaro Facebook)

Nasorpresa si Faye Finaro, 39, ng Nottingham, England, nang tawagan siya ng isang kaibigan at sinabing naka-post sa isang online magazine ang kanyang obituary.

Sagot niya rito, buhay na buhay pa siya.

Pero ayon sa kanyang kaibigan, nakita nga nito ang pangalan ni Faye sa "Legacy" section ng isang online magazine.

Read: World’s luckiest man Frane Selak escapes death 7X, wins lotto

FAYE FINARO'S OBITUARY

Nang mag-research si Faye, nakumpirma niyang inilathala ng Mansfield Chad ang kanyang pangalan at larawan sa obituary page nito.

May nakalagay rin doong mensahe sa mga nakakakilala sa kanya na magpadala ng bulaklak sa nagdadalamhati niyang pamilya.

Ang insidente ay nai-post ni Faye sa kanyang Facebook account noong September 19, 2024.

Kalakip nito ang screenshot ng kanyang obituary.

Read: Fake doctor arrested for botched male enhancement procedure

Photo of Faye Finaro's obituary
Nalaman ni Faye Finaro na nailagay ng magazine sa obituary section ang larawan niya para sa ibang article. Photo: Faye Finaro Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Student fails exam after meatball lands on laptop, logs her out

Ani Faye sa kanyang caption: "It was a standard day in my life when I got a call from a friend asking me if I was alive.

"My friend was quite concerned."

Si Faye ay founder, director, at CEO ng isang beauty business school, ayon sa impormasyong nakalagay sa kanyang social-media account.

Sa panayam sa kanya ng local media tungkol sa insidente, aniya, "I posted it on Facebook and quite a few people commented and thought it was hilarious.”

Dagdag pa niya, “My son found it really funny."

Read: Father installs CCTV camera on daughter’s head to protect her

NAGKAROON NG MIXED-UP DAHIL SA MERGING NG DALAWANG MAGAZINES

Agad nagpadala ng mensahe si Faye sa publication.

Nakalagay sa kanyang mensahe, published as is: “2 years ago, a celebration was sent in to the Mansfield Chad website congratulating me on my business launch.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“It appears this section of the Chad is merged now with the Legacy obituaries, and it is showing that I am dead."

Hiniling din niya na alisin ang obituary.

Read: Woman sprays neighbor with water gun, charged with assault

Faye Finaro's message to publication
Ang screenshot ng mensahe ni Faye Finaro sa magazine. Photo: Faye Finaro Facebook
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Husband impregnates wife after vasectomy

Paliwanag niya, siya lang ang nag-iisang tao sa mundo na may ganung pangalan.

Isa pa, nababahala aniya ang ibang taong nakakakilala sa kanya dahil sa maling obituary.

Read: Crumbs, overweight cat, put on strict diet and exercise regimen

INSIDENTE HINDI BIG DEAL PARA KAY FAYE

Agad namang sumagot kay Faye ang publication.

Ipinaalam din sa kanya na tinanggal na ang obituary.

Yun nga lang, mababasa pa ang obituary sa Google at iba pang search engine sa loob ng 30 araw.

Pero nag-request umano ang publication sa Google na bilisan ang pagtatanggal sa content.

Read: Husband arrested for phone stalking his wife

Publication's reply to Faye Finaro
Ang screenshot ng reply ng magazine kay Faye Finaro. Photo: Faye Finaro Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: “Wedding destroyer” gets paid by brides not ready to get married

Nai-post ni Faye ang screenshot ng reply ng publication sa comments section ng kanyang post.

Nilagyan niya ito ng caption na: "Yayyyy I’m alive again."

Dagdag pa niya, "I might have 30 days of flowers coming.”

May mga nagkomento na hindi man lang nanghingi ng apology ang publication.

Pero parang hindi naman big deal iyon para kay Faye.

Sagot na lang niya sa mga nang-uukilkil kung bakit hindi nag-sorry ang publication, “Just a minor inconvenience.”

Read: Wedding bouquet toss turns into wrestling match among ladies

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagulat na lang si Faye Finaro nang tawagan siya ng isang kaibigan para alamin kung buhay pa siya. Nakita kasi nito sa obituary section ng isang magazine ang kanyang larawan. "I might have 30 days of flowers coming. My son found it really funny,” ani Faye. (Photos courtesy of Faye Finaro Facebook)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results